Chapter 33

387 15 2
                                    


Earl's POV

"Mom what is that? Why can't I still remember King Manduazon?", I asked mom

Nandito na kami ngayon sa bahay, kalalabas ko lang galing hospital. Inabutan narin ako ng bakasyon doon dahil sa pagpupumilit ni dad na baka magawan pa ng paraan yung pagkakaroon ko ng selective amnesia. He said, he feels na parang malala daw ang sakit ko dahil nay kulang sa akin.

Well, he's kind of O.A pero totoo parin naman. May kulang parin sa akin. Yung ala-ala ko kasama si King, kung may ala-ala man nga talaga.

"Earl honey, the thing is hindi ko rin alam but the doctor said na hindi naman malayo na makarecover ka kaagad. Wag mo mang masyadong isipin, ang mahalaga okay ka na", she said while patting my shoulder and then hold my hand

"But you know King right?"

"Yes of course honey", dad said na kakaupo pala dito sa sala.

Si kuya ay nasa trabaho na.

"Then maybe you could help me, who is he?"

Bigla silang nagkatinginan ni mom and then tumingin sa akin.

"He is y---"

"Earl!"

Napatingin kaming tatlo sa pinto nang biglang pumasok mula doon ang apat na babaeng mukhang nagmamadali.

"Hi po tita! Tito!", Patrice said then nagmano silang apat kila mom and dad

"What are you doing here?", I just asked

"Hehe. Wala lang. Kamusta ka?"

"Osige muna girls, maiwan na muna namin kayo"

"Sige po tito and tita"

Umalis na si mom and dad sa sala at nagsilapit naman lalo sa akin yung apat.

"Okay ako"

"Dito kami matutulog"

"Okay"

"Sa kwarto mo tayo"

Hindi na nila ako hinintay sumagot dahil nauna na sila at umakyat pataas papunta sa kwarto ko. I just shrugged at saka sinundan sila.

"Huling punta namin dito last year pa. Nag-iba na pala itsura ng kwarto mo", komento ni Joyce habang umiikot sa kwarto ko

"Yeah, mom changed it noong naaksidente kami ni James"

"Teka, speaking of James", biglang nangunot ang noo ni AJ at lumapit sa amin.
"He's close with Alyanna?"  tanong nya

Nangunot din ang noo ko nang maalala ang nangyari sa hospital noong nakaraang linggo.

"I don't know, maybe?", hindi ko siguradong sagot

Flashback~

"And then bumaba na si Juan sa puno ng mangga at lumipat sa puno ng niyog, si Pedro naman---", kwento ni James ng joke nyang corny

"Stop", I said to him at iniharap pa ang palad ko sa pagmumukha nya
"Kababalik lang ng memorya ko, wag mo munang dagdagan ng mga corny mong jokes"

"Aray ko naman Earl", he said na kunwari'y nasasaktan talaga

"Psh"

Tumayo ako kaya napatayo rin sya. Sya lang kasi ang kasama ko ngayon sa kwarto dahil nasa baba sila AJ at KB para kumain, sila mom and dad naman hanggang ngayon ata kausap ang doctor.

"Aano ka?", tanong nya at inalalayan agad akong makatayo mula sa kama ko
"May kailangan ka ba? Ako nalang gagawa"

Tinignan ko sya saka ko tinuro yung upuan na inuupuan nya kanina.

The Real LoveWhere stories live. Discover now