Kabanata 7

19 7 2
                                    

Angela's Pov

"Oh nandito ka din pala Jwil" nakangising sabi ni Devillo

This is unbelieveable! I can't even dare to look at him at his eyes! Kasi galit na galit ako sa kanya!!! Galit ako at gusto ko siyang patayin dahil kung hindi dahil sa kanyang ama, hindi sana ako mawawalan ng nanay.

"I don't fucking trust this man right here! Now, answer me. So that I can really understand. Did you really kill my father?" Seryoso niyang tanong sa'kin habang dahan-dahan niyang kinukuha ang baril na nasa gilid niya.

"Sagot!" Sabi niya habang tinututukan niya ako ng baril. Kinuha ko din ang baril ko at itinutok ko din ito sa kanya.

"Oo" maikling sagot ko. Sabay kaming humakbang papunta sa direksyon namin sa isa't-isa at habang papalapit ako sa kanya, paangat ng paangat ang dugo ko sa aking ulo. Nanggigil ako at gutom na gutom na ako sa hustisya.

"Ang Diyos lang ang may karapatang pumatay sa'tin! Kapag ang isang tao ay pumatay, DEMONYO na ang tawag sayo" mariin niyang sabi sa akin.

Ang ugali niyang pambabae ay napalitan ng ugaling pang tigre. My middle finger salutes you son of a bitch!

Tiningnan ko ang kanyang dalawang mata na puno ng galit at kasakiman na kapag tititigan mo ito pwede kang matunaw sa init ng kanyang presensya.

"You killed my dad! Kaya kailangan mong pagbayaran ang nagawa mong kasalanan!" Halos sasabog na siya sa init ng kanyang ulo habang binabanggit niya ang mga linyang yan.

Kung papatayin niya ako, uunahan ko na siya dahil ang kasamaan ng ama niya ay nagmana sa anak niyang bakla.

Palapit ng palapit na kami sa isa't-isa hanggang sa nakita namin ang aming mga sarili na sabay naming inilagay ang nguso ng baril sa mga puso namin. Ang baril ko ay nakatutok sa kanya at ang kanyang baril ay nasa akin.

At napangisi ako dahil don.

"And because of your evil dad my mama died! Kaya patas lang ang laban" Mariin na bulong ko sa kanya.

"Hindi makatarungan ang ginawa mo! Kaya kailangan mo ng pumunta sa impyerno" bulong niya din sa akin.

"At sa tingin mo makatarungan ang ginawa ng tatay mo? Kung hindi niya sinaktan si mama, hindi ko siya mababaril" mahinahon ngunit may galit sa bawat salita kong sinasabi.

"I don't trust and believe your words anymore! Akala ko iba ka! Akala ko may puso ka! Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng tatay na yung pakiramadam na sa bawat araw na gigising ako, marerealize ko na nag-iisa nalang pala ako!" Sabi niya habang itinutusok-tusok niya sa aking puso ang bitbit niyang baril.

"Ha! Mamaya ay magiging isang demonyo ka na rin dahil babarilin mo din ako pero bago mo yan gawin, isang tanong lang par, kakayanin ba ng konsensya mo na pumatay?" dahan-dahan niyang ibinaba ang baril kaya kinuha ko ang kamay niya at kusa ko itong itinutok sa puso ko.

"Shoot this fucking gun in my heart now! Besides, I'm tired of this shit!" pinipigilan kong tumulo ang mga luha na namumuo sa mga mata ko pero nabigo ako.

"I can't" mabilis niyang sambit habang nakatanaw sa ibaba.

"Hindi mo kaya kasi mahina ka" sambit ko habang pilit pinipigalang tumulo ang aking mga luha.

"I'm bored Jwil! Shoot it! Kill me! Patayin mo na ako kasi gusto ko ng sumama kay mama!!" At hindi ko napigilang umiyak sa harap niya.

"I SAID KILL ME! Gusto mong maghiganti diba? Then shoot it!"
Inihanda niya ang kanyang kamay upang swabe niyang maiputok ang baril sa puso ko.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil nararamdaman kong malapit na akong mamatay PERO---

"Stop!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Ngunit pareho kaming hindi lumingon sa kanya. "Just shoot this gun now" mariin at ma awtoridad kong utos kay Jwil. "Fine" mabilis niyang sagot.

"Wag kayong magpatayan dahil nagmamahalan kayo!" Sigaw ni Joana kaya sa inis ko, nilapitan ko siya.

"Anong kalokohan tuh?!" Galit na sigaw ko sabay hawak sa braso niya. "Bitawan mo siya! Papatayin na talaga kita!" Dinig kong sigaw ni Jwil kaya galit akong lumingon sa kanya.

"Kanina ko pang hininhintay na mangyari yan pero hindi mo naman ginawa kaya uunahan na kita" babarilin ko na sana si Jwil nang bigla akong tinulak ng malakas ni Joana rason kung bakit ako natumba sa sahig!

Shit.

"4 years ago, naaksidente kayong dalawa at nagka-amnesia. At yan ang rason kung bakit wala kayong maalala."

Third Person's Pov

Flashback

Year 2014

Masayang nakahiga sa kanilang tent sina Angela at Jwil habang magkahawak kamay. Sila ngayon ay nagtatago mula sa mga tao na hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Sa murang edad na 16 at 17 ay natutunan na nilang magtanan. Sabi nga nila if there's a WILL then there's a way. Sa layo ng kanilang binyahe nahanap nila ang kanilang mga sarili na nasa isang magandang kagubatan.

"Mahal na mahal kita Angela" sambit ni Jwil habang nakatingin sa mga mata ng babaeng kanyang minamahal.

"Asus nilalambing mo lang ako" panunukso ni Angela sa kanya at nakakatawa ang mukha nito ngayon dahil napikon siya kaya nakanguso ito ngayon habang nakakunot ang noo. 'Ang kyut niya mapikon' sabi ni Angela sa kanyang isipan.

"I really do love you!" Inis niyang sigaw ni Angela sa pagmumukha nito. Agad naman pinunasan ni Angela ang mga laway na tumalsik sa kanyang mukha.

"Nakakadiri ka!" Sigaw ni Angela sa kanyang mahal. Umusog papalapit si Jwil kay Angela at hinawakan niya ang kamay nito. "Pasensya na at kailangan nating maranasan ang ganitong buhay,  papatayin tayo ni daddy kapag manatili tayo sa poder ng mga pamilya natin"

Totoo ang sinasabi ni Jwil, ang tatay niya ay mamamatay tao lalong-lalo na sa mga taong ayaw niya kagaya ni Angela "Bakit nga ba ayaw sa akin ng daddy mo?" Naguguluhang tanong ni Angela habang nakatingin sa mga malulunkot na mata ni Jwil.

Hinalikan muna ni Jwil ang noo ni Angela bago niya ito sinagot. "Hindi ko alam basta ang importante magkasama tayo at nagmamahalan."

Sa sinabi ni Jwil nagpapatunay lang ito na masyado pa silang bata para pumasok sa mundo ng pag-ibig. Wala silang alam sa kung ano man ang magiging kapalit ng kanilang ginawang pagtatanan.

Ngunit ganun pa man kahit napakakomplikado ng kanilang sitwasyon, pinatunayan nila sa kanilang mga saril na totoo ang kanilang ibinibigay na pagmamahalan sa isa't-isa.

KINABUKASAN, masaya silang nagpipicnic sa harap ng malinis at magandang ilog. Ang nagbibigay ingay lang sa kanilang paligid ay ang falls na nasa kanan nila.

Nakahiga si Jwil sa mga paa ni Angela habang nakatingin sila sa kanilang mga mata na halos mag hugis puso na ito dahil sa namamagitang pag-ibig.

"People call it puppy love but we call it true love" seryosong sambit ni Jwil. "Psh" natatawang sagot ni Angela. "Honey naman!" Inis na tumayo si Jwil at pumunta malapit sa ilog. "Magpapakamatay ako kapag hindi ka magiging sweet!" Banta niya sa kanyang mahal pero tanging tawa lang ang isinukli ni Angela.

"Ahh!!! So ayos lang pala sayo na mawala ako sa buhay mo?! Tatalon na ako ha?!" Paalam niya.

"Hahaha! Oh? Ba't nagpapaalam ka pa? Ge lang, tumalon ka! Tingnan ko lang kung mamamatay ka sa babaw ng tubig!" Natatawang sigaw sa kanya ni Angela at pagtingin ni Jwil sa tubig halos mahulog ang panga niya nang mapagtanto niya na hanggang tuhod niya lang ang tubig. 'Ang tanga ko!!!!!' Inis niyang sigaw sa kanyang isipan.

"Halika ka na nga" hinila ni Angela si Jwil papalapit sa kanya at agad niya itong niyakap. "Hindi ko naman kaya na mawala ka" panlalambing ni Angela. "Kaya wag mong hahayaang malunod ka sa tubig na hanggang tuhod mo lang ha?" 'Nilalambing niya ba tagala ako o inaasar?!' Inis sa tanong ni Jwil sa kanyang isipan.

"Honey naman eh!!!" Parang batang reklamo ni Jwil. "Psh" walang ganang sagot sa kanya ni Angela. Hayy jusme.

Our Once Upon A Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon