*Mataba* (Poem)

366 5 0
                                    

Mataba ako, panget ako
Tampulan ng tukso.
Lagi nakikita ng tao,
mga mapanuring tao.

Mga taong tila'y perpekto,
Walang ibang ginawa.
Kundi manghusga,
Dahil sila'y dugong bughaw.

Mga walang kamalian,
mga katawang di mapasarinlan.
Mga mukhang hindi mahusgahan,
ipinagpala ika-nga.

Tawa, ngiti, talikod sabay punas ng luha.
Hindi pinapahalata na ika'y mahina.
Pinipilit sabihin sa sarili,
Matapang ka, kaya mo pa.

Ngunit sa kabilang parte,
parte ng isipan na kung minsa'y ba
sumagi man lang sa kanilang kamunduan.
Nasa likod ng katawang ito,
na sa likod ng bawat ngiti ko.

Nasa likod ng mga mga mata, nakatago ang mga luha.
Nakatago ang sakit ng pusong sinira,
dahil sa bawat salita na iwinika
Sa bawat katawagang ipana-mukha.

Na pinaglaro-laro nang inyong mga dila, ang paunti-unting pagkawasak
ng tiwala hindi lamang sa iba, kundi maski sa sarili niya.

Nawalan na nang tiwala,
Pakiramam ko'y bakit pa binigyan ng buhay.
Kung gantong hirap ang saaki'y nakaagapay, mga kadena na nakatali sa katauhan.

Na abutin man ng panahon, sugat man ay maghilom.
May peklat paring nakabaon
Sa taong nakaranas ng mapait
na kahapon at mapanghusgang NGAYON!



C. Random spoken poetryWhere stories live. Discover now