J.S - i.

2.9K 103 31
                                    

JIMIN'S SASAENG > i.

.

LEE

"Hihi, shet ang gwapo talaga ni Jiminbabes!"tili ko habang nasa cafeteria kami."Landi mo, tigilan mo nga yang pagbungisngis mo, Lee."masungit na sinabi ng best friend kong si Jade. Sinimangutan ko lang sya. Sanay na akong tinatawag nyang 'malandi'. Gaga talaga, ano? Sinong matinong tao ang sasabihan ng malandi ang best friend niya? Syempre merong ganun dito sa mundo, si Jade. One and only pa.

"Anak ng pitongpu't puting puta, I mean tupa! Sheeeet ang gwapo nilaaaaa!"todo-sigaw ako nang makita kong naglalakad ang BTS. Ang BTS ay isang grupo ng mga lalaking sikat dito sa campus namin. At syempre, kasama doon si Jiminbabes ko. Hihi.

"Gwapo? Ahaha, nasaan ang gwapo dyan sa mga yan?"sarkastikong sinabi ni Jade."Heh, tigilan mo ako Jade. Bitter ka na naman e."sabi ko sa kanya. Inirapan naman nya ako. Sus, if I know, may feelings pa sya para sa ex niyang alien-si Taehyung. Kung iisipin, ang layo pa ng ugali nila sa isa't isa, ni hindi ko nga alam kung paano napasagot ni Taehyung si Jade, e parang halos araw-araw e PMS ang gaga.

"Jiminbabes! Ahihi, sheeeet!"sigaw ko."Psh."narinig ko namang nagmamaldita si Jade. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy lang sa pagsigaw at pagtili sa BTS. Wala akong pake kung magmukha akong tanga dito sa kakasigaw. Buhay ko to no, babatuhin ko ng tikoy ni Jin ang sinumang aangal.

Natigilan naman ako nang magtama ang tingin namin ni Jiminbabes."Pakyaaaar tangina!"sigaw ko. Nang magkatinginan kasi kami ni Jiminbabes, kinindatan nya ako bigla! Sheeet, pwedeng-pwede na yata akong paglamayan ngayon din! Hekhekhek, I so keleg!

"Psh, bahala ka nga dyan."inirapan lang ulit ako ni Jade at umalis na. Tsk, nagtataray na naman ang gaga. Iniwa-wagayway ata ang red flag nya ngayon. A, ewan.

"Hi Lee!"napatingin ako bigla sa nagsalita, si Aiko lang pala."A, hello."nginitian ko lang sya habang push na push ang pag-eeffort ko sa pagpipigil ng kilig sa harapan nya.

"Kinikilig ka na naman ano?"tumawa siya pagkatapos nyang sabihin yun."Teka, di ba sasaeng ka ni Jimin?"sabi nya."Alisin mo yung sasaeng, ang 'ew' pakinggan. Admirer, admirer ako ni Jimin!"sabi ko.

"O, edi admirer. Di ba alam mo yung number ni Jimin?"sabi niya."Oo naman, ako pa."bilang isang 'admirer' ni Jiminbabes, syempre alam ko kung anong number niya. Ako pa ba? Lahat na yata ng mga bagay tungkol kay Jiminbabes alam ko. Gaya na lang ng brand ng brief niya, at kung ano-ano pa. Hihi.

"Nagbago na daw ang number niya e."natigilan ako nang sabihin yun ni Aiko. Teka, bakit parang hindi ko alam yan?"At pano mo naman nalaman?"sabi ko sa kanya."Sa totoo lang, sasaeng din nila ako. Ay mali, admirer nga pala. Hihi, tahimik ka lang a?"sabi niya."Oo na. O ngayon, pano mo nalaman? Alam mo ba kung anong bagong number ni Jiminbabes?"sabi ko.

"Kaklase ko nga kasi siya, diba? Heto yung number ni Jimin. Ayan."sabi niya sakin at inabutan ako ng isang papel kung saan may nakasulat na number."Sige na, byeee!"sabi niya at umalis na.

-

Pagka-uwi na pagka-uwi ko sa bahay, diretso kaagad ako sa kwarto ko para i-text si Jiminbabes sa bago nyang number. Hihi.

Send to: Jiminbabes <3

Hi Babes! Hihi, si Lee to. Ily! :*

Ano kayang irereply nya? Magrereply kaya sya? Omeghedd, I so keleg!

Makalipas ang ilang minuto, biglang tumunog ang cellphone ko.

Sender: Jiminbabes <3

Eh? Hi din.

Nakaramdam naman ako ng matinding kilig sa kaloob-looban ko."Hihi, sheeet! Eke'y kenekeleg!"muntanga akong pagulong-gulong sa kama ko. Pero durrrhh, ano naman kung muntanga ako? Hwahwa, e sa kinikilig ako.

"Hihi deputa! Kiniki--"nagmomoment ako nang biglang pumasok ang butihin kong kapatid."Bakit na naman pagulong-gulong ka dyan sa kama mo Ate? Mukha kang timang."sabi niya.

"E sa wala kang pake. At bakit nandito ka sa kwarto ko? Pumasok ka pa nang hindi kumakatok, uso ang kumatok Bree. Saka, may sarili ka namang kwarto diba? So alis na, shoo shoo! Panira ka ng moment e."sabi ko sa kanya.

"Wala ka ding pake kung pumasok ako dito nang hindi kumakatok. Uso magkaroon ng sari-sariling mundo, Ate."umirap na lang ako sa kanya at ibinaling ang atensyon ko sa phone ko.

Send to: Jiminbabes <3

Kumain ka na ba Babes? Take care always <3

"Ano na namang meron dyan sa mga ngiting-aso mong yan, Ate? Kamukha mo yung bull-dog ng kapit-bahay natin, kaya tigilan mo na yan."tinignan ko naman si Bree dahil sa sinabi niya."Diba nga sabi mo, uso magkaroon ng sari-sariling mundo? So wala kang pake kahit maging kamukha ko pa yung kambing ng kapit-bahay natin kaya magtigil ka at umalis ka na."sagot ko sa kanya.

"Oo na lang."yun lang ang sagot nya at lumabas na ng kwarto ko. Pero ilang segundo lang matapos siyang lumabas, bumukas uli ang pintuan ng kwarto ko,"kamusta pala si Kookie, Ate? Ehuehuehuehue."sabi nya."Buhay pa naman yung crush mong ilong ranger."sagot ko habang nakatuon ang atensyon sa phone.

Crush kasi ng kapatid kong yan si Jungkook, yung may malaking sagi--I mean ilong na kasama din sa BTS at kaibigan ni Jiminbabes. Ehuehue.

"Ate, huehue, pwede sabihin mo kay Kuya Yoongi na magnakaw ng brief ni Kookie at ibigay sa akin? Ehuehue, salamat Ate! Ikaw na talaga ang pinaka the best na ate na nabubuhay sa mundong ibabaw ngayon! Labyuu!"

Putangina Bree.

-

Hanggang ngayon, hindi pa din ako makaget-over sa sinabi ni Bree sa akin kagabi. Tangina, ano daw? Pakisabing nakawin ni Yoongi ang brief ni Jungkook para sa kanya? Puta.

"Ah, ikaw si Lee diba?"lumapit bigla sakin si--si Jin?"Ha? Oo, ako nga."keep the kewl image, Lee."Ikaw ba yung nagtext sa akin kahapon?"tanong niya. Ha? Nagtext? Hindi ko naman siya tinext a, si Jiminbabes lang naman ang-- owshet.

Tangina Aiko, tangina lang talaga. Ssibal kang babaita ka, malilintikan ka talaga sakin mamaya.

.

Isang napakashort na update. Kaiyaq ;u; ehuehue, kaway-kaway kay Aiko, ang pinsan kong isa ding dyosa xD at sa maganda kong kapatid, si Bree! Huehuehue, Hi saeng~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jimin's Sasaeng [BTS FIC SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon