CBBABG 47

141 4 12
                                    

Tricia's POV

Hanggang ngayon lutang pa din ako.  Iniisip ko ang nangyari kanina sa mall, sa kotse ni Charles , nakakainis lang na laging nagugulo ng Rence na yun ang isip ko. Nakakaadwa lang kasi di ko naman alam kung anong nangyayari sakin.

Nakahiga ako, pagtapos kasi ng nangyari sa kotse kanina eh umuwi na din kami ni Charles.

Malapit na pala ang Halloween Party. Naisipan kong si Joker na lang gagayahin ko. Wala na ko maisip na ibang gagayahin ih. Matawagan pala si Ysa wala kong magawa ih.

Someone's person POV

Nasa bahay ako iniisip ang mga bagay bagay na nang yayari ngayon. Paano nga ba ko napasok sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang gaga ko ako nga pala may pakana neto. Wala akong karapatan magalit kasi in the first place this is all my plan. May mga taong sasaya sa plano ko pag natapos na to pero ako?. Ngayon pa nga lang na di pa tapos at nag sisimula pa lang kami nasasaktan na agad ako. Masakit sobra pero wala akong magagawa kundi panindigan tong kagagahan ko kasi alam ko sya, sila sasaya at ayokong maging hadlang ng kasiyahan nila. Sana lang pag tapos ng ginagawa namin ay matapos na din ang nararamdaman ko para sa kanya. Pipilitin ko, pipilitin kong maging masaya para sa kanila. Kasi parehas ko silang mahal. Kahit na masaktan ako ipag papatuloy ko ito. Hanggat kaya ko. Hanggat kaya kong pigilan sarili ko.

Tricia's POV

Wala talagang kwenta tong mga luka na to.Ni hindi man lang sinasagot mga tawag ko. Nakooo isa na lang susunugin ko bahay nilang lahat.

*C.A's Calling*

Buti pa to sya mismo ang tumatawag.

"KANINA PA KO NATAWAG SA INY-"

(Ang gandang bungad naman nyan Trish buti nga ako tinawagan kitanung di ko nasagot tawag mo."

"Whatever"

(Alam ko itsura mo ngayon. Aba ngiti ngiti naman. Mag kadikit na naman kilay mo.)

Natatawang sabi ni C.A. .Kilalang kilala talaga ako nito. Dahil sa sinabi nya napatawa na lang din ako.

"So ano namang balita sayo?"

(Anong balita ka dyan? Wala namang iba s---)

"Kayo na pala ni Rence. Di mo man lang nakwento na nag kaka mabutihan na kayo. Kung di ko pa nakita sa FB" sabi ko

(Ahhh sorry naman Trish. Mahabang kwento pero soon malalaman mo din. Sige na byeee)

"Teka la---"

(Toot toot)

Tama bang babaan ako ng telepono loko talaga ang isang yun. Nako kaibigan ko ba talaga yun hahahaha.

*Halloween Party*

Tricia's POV

Naka costume ako na pang Joker. Wala na talaga akong maisuot pero kahit sobrang common neto naisip kong why not kung imbis na si Harley ang gayahin ko eh baliktad naman. Girl version of joker. Ang cute lang nung naging outcome.

"So Malificent" kinuhit ko si Ysa.

Nagulat naman sya sakin.

"What's with that face luka?" sabi ko

"I didn't expect na itutuloy mo yang pakulo mo." gulat nyang sabi. Still lookong at me.

"Parang di mo ko kilala. Once na sinabi ko gagawin ko" sabay tawa. Tumingin lang sya sakin.

Paglingon ko nakita ko si Abby.

"Valak!" tawag ko kay Abby

"Makasigaw ka be. Wagas!" she rolled her eyes.Last time i check dapat nakakatakot si Valak pero sya grabe parang mas kinareer nya pagiging mataray na Valak.

"Bagay sayo. " sabay tawa ko

Tumingin lang sya ng masama pero eto gusto ko sa kanila di sila natatakot mag papanget lalo sa ganitong occation.

Unknown's POV

Ngayon na ang araw na hinihintay niya/nila. Parang nasasaktan ako bigla. Naiisip ko pa lang parang nakirot na puso ko. Mali sobrang mali ang nararamdaman ko kasi iba gusto nya and besides ako pumili nito. Ako naglagay sa sarili ko dito sa sitwasyong to. Walang ibang dapat sisihin kundi ako lang.

Papunta na ko sa party. Act normal girl. This is the last plan. Huwag mong sayangin ang nasimulan nyo.

Rence POV

Tinext ko si Annie (C.A.). Sabi ko susunduin ko sya tas ayaw naman pumayag. Ang kulit talaga ng isang yun. Ayaw makikinig sa bf nya. Mag isa tuloy akong pupunta sa school. Naka Harley Quinn akong costume pero syempre boy version alangan namang sa gwapo kong to mag short ako. Nag kulay ako ng buhok yung tulad ng kulay ni Harley (blue and red).

Ewan ko ba, no choice ako. Sinabi ng magaling na si Annie na eto daw suutin ko kasi ang suot naman daw nya ay joker na girl version. Pinahirap pa ang lahat pwede namang ako si Joker tas sya si Harley. Sabi sakin common na daw kasi masyado kaya ayun. Arte talaga ng mga babae. Ang hirap nilang maabot.

*Vera Hotel*

Nasan na ba yung babaeng yun? Kanina ko pa sya tinatawagan at tinetext ni isang sagot wala man lang.

Umupo na lang muna ako. Kanina pa ko paikot ikot dito.

"Nakita nyo ba si C.A. ?" Tanong ko kay Kevin na busy sa mga katabi nyang babae.

Wala akong mapapala dito. Pumunta na lang ako sa garden. Nag sisimula na ang awarding ng nanalo.

*C.A. calling*

"Sa wakas tumawag ka din. Asan ka na ba? Kanina pa ko nag hahanap sayo. Ni isang text wala ko natanggap sayo. " bungad ko sa kanya

"Tssk nasa may garden ako. Pumunta ka na lang." Sabi nya

"ABA AT---"

*Toot toot*

Kakaiba talaga ang babaeng yun. Sya pa may ganang magalit.

*Garden*

Nakita ko si C.A. na nakatalikod habang nakaupo.

"Saan ka ba galing ha? " sabi ko tsaka ako umupo sa tabi nya.

"Ngayon na yung araw na matatapos to Rence." Sabi ni C.A.

Kinakabahan ako , eto na ba yun? Handa na ba ko para dito?

"Hindi pa ko handa C.A." sabi ko

Tumingin sya sakin. Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko.

"Handa ka na, natatatakot ka na lang sa magiging reaction nya. Bad boy ka diba? Pero bakit pag dating sa kanya lumalambot ka? " sabi nya

Nasasaktan ba sya? Nararamdaman kong gusto nyang umiyak. Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakin.

Tricia's POV

Naandito ako sa garden. Nakatingin sa bestfriend ko at sa boyfriend nya. They're kissing. Naiiyak ako, feeling ko ako dapat yung nasa katayuan ni C.A. . Oo na aaminin ko na nag seselos nga ako sa kanilang dalawa. Ewan ko pero narealize ko. Mahal ko din ang taong gusto ng bestfriend ko. Bakit sa isang tao pa na hindi pwedeng maging akin ang nagustuhan ko. May Charles na nasa tabi ko lagi. Crush ko sya pero iba ang nararamdaman ko kay Rence.

Tumalikod na ako at aalis na sana pero biglang may humila ng kamay ko.

"Re-rence" sabi ko

Nakita ko si C.A. na naglalakad palayo sa amin ni Rence.

"Trish, I love you" sabi ni Rence habang nakatingin sa mga mata ko.

Teka diba girlfriend nya si C.A. . Break na ba sila?



A/N :

So ayunnn ngayon ko lang po na Update to. Nawalan kasi kami ng internet connection. Sorry guys. So enjoy reading :* .

Spread the Love
-Simplytrish24

Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz