Chapter 19

1.6K 42 12
                                    

AWWWWW!  So masigla ang diwa ko ngayon.... bakit?!?!?!? kasi natapakan ko ang sapatos ni crush!!!!!!!!!!! woooooooooooooooahhh ayos! ansaya ko na nun.....  nagsorry ako sa kanya syemper... nagsmile lang siya tapos sinabing ok lang... wooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaah partey parteeeeeeeeeeeeeeey!!!!!!!!!!!!!!!

so eto na ang chapter 19 ng Humanda ka! Pipikutin kita.... dedicated kay HindranceofRevenge...... 

sana magustuhan niyooo..!!!!!!

_____________________________________________________________________________

_Roy_

Totoo ba yun? nanaginip ako kagabi... Niyakap daw ako ni sean sa pagtulog ko....????? haykantbilibit......... di nga! si sean? eh hindi mo nga mabasa iniisip nun eh....... Magugulat ka na lang na may ginawang kakaiba yung tao na yun.. Teka lang ah.. Kung makapagsalita naman ako parang ulo hanggang paa eh kilala ko na si sean... 

Pero nitong buong araw. Si sean parang binabalewala ako.. Ibig kong sabihin kahit hindi niya ako pinapahalagahan wag naman niya akong balewalain di ba? di ba?

Kasi kanina pa ako kwento ng kwento dito.. Wala akong naririnig sa kanya na "Jho! umayos ka" walang ganun...

Walang death glare galing sa kanya... may nagawa ba ako? o may nasabi ako? baka meron... pero ano? Detective conan kailangan yata kita...

Naglalakad kami ngayon pauwi... Nasa unahan siya.. Hindi niya ako hinihintay kasi kapag sinasabayan ko siyang maglakad, binibilisan niya.. Pag sasabayan ko siya ulit Tumatakbo siya.. Para tuloy kaming naghahabulan.

Kaya hinayaan ko na lang... Bahala siya... Akala ko ba pipikutin ako nun.. Asan na... paasa siya ah....(gusto mo rin pala) 

Pagdating namin sa bahay... umakyat siya sa taas.... narinig ko pang sinara niya yung pinto niya.....

Dahil pagabi na nagsaing na ako... wala ng stock sa ref... kahit gulay...  Itlog na lang ang niluto ko... 

Inihanda ko na ang mesa.. Hinihintay ko na bumaba si sean.. pero mag aalas onse na oh... malamig na yung pagkain.. Hai naku naman.. Nahintay ko siya ng ganun katagal? 

Pagkatapos kong kumain... Nilagay ko na lang yung pagkain niya sa tray kasama ang isang basong tubig.. Ihahatid ko na lang to sa kanya sa taas.. Hindi pa yun naghahapunan eh....

Ok nasa labas ng ako ng kwarto niya.... Kakatok ba ako o hindi? Nagdadalawang isip pa ako... Pero dahil nanaig ang kabutihan sa kasamaan.. AT kasamaan ang nasa loob ng kwarto na yan.. Ibababa ko na lang to.. Yun ang mas nakabubuting gawin hehe....

*Door open* Napaatras ako nung buksan ni sean yung pinto..... Napatingin ako sa kanya....

Nalilito ako di ko alam kung ibibigay ko tong tray sa kanya.. O Bababa na lang ako O ihahampas ko to sa kanya....

"anong ginagawa mo jan?" tanong niya..

"ah..eh.. kasi.. hindi ka pa kumakain eh...k-kaya dinalhan kita..."

Tinignan lang niya yung tray na hawak ko.  Kinuha niya sa kamay ko....

"pasok" sabi niya... ANo? papasok ako?

"bakit? may gagawin ba tayo?"

"gusto mo?"

"SEAN!!! ano bang nangyayari sayo?"

"ikaw!? anong nangyayari sayo?" wow.... kailang pa naging sagot sa tanong ang tanong?

"bakit ka ba ganyan?"

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!Where stories live. Discover now