Chapter 3 «Funanghalian»

596 15 0
                                    

Jaki POV

Nasa backstage kame ngayon.. Wala parin ako sa sarili ko.. Tila ba parang wala ng silbi ang mundo ko na makita kong may kahalikan si tom na iba...

Bigla namang may sumitsit sa likuran ko kaya nilingon ko....
.
.
.
.
Si ate vice lang naman pala😅

"Jaki! Mamaya ah intayin mo ko sa may dressing room nyo daanan nalang kita.. yabyuu! Smile ka na girlprend ko,inggitin natin sya mamaya😂"pag checheer nya sakin

"Para kang sira ate vice...Haha"

"Yes napatawa din kita.. Ah.. te girl wag mo na kong tawagin na ate vice.. Nakaka ilang tyaka tagal tagal na natin nagbibiruan ate vice parin tawag mo sakin.."nakakunot noo nyang sabi

"Ano ba gusto mo itawag ko sayo?"tanong ko

"Baby..hahah"sabi nya habang nagpapabebe

"Haha sige baby... Sasayaw muna ako.."pagpapaalam ko sakanya

Tumango naman sya at pumunta na ako ng stage para sumayaw..

Vice POV

Omg! Tunawag nya talaga akong baby!!!!! Woooooooahhhhh!!! Ngiting tagumpay nanaman si tutoy! Gosh! Wait teka paano kumalma... Shems! Okay... narinig kong tinawag na kame ni tyang kaya isa isa kameng lumabas sa led..

Sumayaw kame ng Incomplete by sisqo

Ng natapos kame ay...

"Brad! Laki ng ngiti ah! Narinig ko yung kanina!!"pagbibiro ni vhong

"Timang! Shataaap!😂"akma kong babatukan si vhong

"Tama na yan! Oh purokkababaihan...!"

Shet! Nung isa isa silang lumabas ay si jaki lang talaga umagaw ng atensyon ko ang ganda nya!

Ng matapos sila ay  finocus sakin ang camera at nahuli nila na nakatingin ako kay jaki...

"Brad! Baka matunaw si jaki nyan!"

Nagulat naman ako dahil hindi ko alam na sakin pala naka focus ang camera..

"Timang! Kay karylle ako nakatingin!"palusot ko

Nagsitawanan naman sila...

"Ahh meme! May narinig akong lambingan sa likod ah!"pang aasar sakin ni tyang

"Pati ba naman ikaw tyang?"asar kong sabi

"Totoo naman kase meme!"pambabara sakin ni tyang

Inirapan ko nalang silang lahat! Pero shet! Na malagket! Tinawag nya talaga akong baby!😍😍😍😍Gaaad!


Itutuloy...


Vicejack (ILYSB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ