Chapter 42 & 43

732 20 0
                                    

ѕσ αчσn, nαputσl чung chαptєr 42 kαчα  cσntínuє kσ nα lαng dítσ ѕα nхt chαppч. :>

______________

CHAPTER 42

"Sa gwapo kong 'to? Makukulong? Tss." natatatwang sabi niya habang turo turo ang mukha niya.

"Ew, Yak! Sige managinip ka." sabi ko at tinulak siya.

"Oh? oh? Ba't mo ako tinutulak? Ha?" sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya natigilan ako't yumuko at agad na lumayo sa kanya. "Oh? Kinilig siya ayiiee."

"Yak! Sige lang."

"Hahahaha! Aminin!"

"Ewx! Shut up! Lumayas ka na nga! May gagawin pa kami!" sigaw ko sakanya at tinulak siya papunta sa bintana.

"Teka teka! Ba't sa bintana? Eh pwede baman dun sa pinto ninyo diba?"  tanong niya.

"Kasi diyan ka sa bintana pumasok diba? Oh edi diyan ka lumabas."  sabi ko sabay tulak sakanya.

"Hahaha! Oo na, basta kita tayo bukas."  nginitian ko lang siya at tinignan siyang makalabas ng binatana. "Bye."

Kinawayan ko siya habang nakangiti at yun din ang ginawa niya nang makababa na siya. Nang makaalis na siya ay sinara ko ang binatana.

"Ahhh, Ang sweet, sana lahat." natatawang sabi ni Jonaida.

"Gaga!" inirapan ko siya at lalabas na sana nang harangan ako ni Angie sa pintuan.

"So? Ano na? Kailan mo siya sasagutin ha?" nakangiting tanong ni Angie

"Anong sasagutin? Eh di naman nanligaw ang bruho. Duh!"

"Oh, so, pagniligawan ka ba niya sasagutin mo agad?"  tanong ni Jonaida kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Tss, manahimik kayo."

"Asus! Jowa jowa pa eh mamamatay lang din naman." sabi ni Angie kaya nagtinginan kami ni Jonaida.

"Aysus! Bitter ka te? Bakit? Ha? Bakit?" natatawang tanong ni Jonaida kay Angie.

"Matt..!!! Ayiiieee!"

"Manahimik kayo ah! Hindi ako natutuwa!" sigaw niya. Natigilan kami sa kakatawa nang dumating si Rose

"Alam niyo ba ang tungkol sa Water Blood?" tanong niya agad sa amin. Lahat naman kami ay umiling bilang sagot.

Eh sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na may ganun pala Water tas Blood? Kami ba ginagago nila? Ha! Hahaha puta! At tsaka ngayon ko lang narinig yung grouo na yun.

"Jonaida, alamin mo tungkol sa group na yan." agad na tumayo si Jonaida at tumango.

"Ikaw Angie, alam mo na gagawin mo." tumango si Angie at sabay silang lumabas sa kwarto ko.

"Diana, magpahinga ka."


SOMEONE's POV

"Kamusta naman ang inutos ko sayo ha?" tanong sakin ni Madam pagkarating ko sa opisina niya.

"Ayos lang." nakangiting sabi ko.

"Anong ayos lang ang pinagsasabi mo? Ha? Nakita ka ba nila?" kunot noong tanong niya.

"Muntik na."

"Muntik?"

"Oo, dahil dun sa lalaking Kurt." Napataas ang kilay niya.

Gangster Queens meets Campus Kings [ON-GOING]Where stories live. Discover now