ika-walong kabanata (A Trainee RIYEL MINDEZ)

216 7 0
                                    

Riyel pov

Ng malaman kong may rumored girlfriend nga si jimin, Napabuntong hininga nalang ako ano pa nga ba?? Alangan naman maglupasay ako!, Its been 2 days since nung nalaman ko na ngang may girlfriend na siya

"Hoy!!, anong ginagawa mo?"

Hayst!! Ito nanaman kaya si Tonett!!

"puwede ba tonett pabayaan mo na muna si Riyel na mag review at maghabol ng mga hindi niya pa natatapos na requirements for exam"

Buti nalang talaga at nanjan si Taym para kontrahin si Tonett

"Tss, d ko hinihingi yang opinyon mo, manahimik ka jan"

Ito na, ito na, magaaway nanaman sila palagi nalang

"Kahit hindi mo hinihingi tong opinyon ko, sinasabi ko lang para naman maintindihan ng makitid mong utak"

"Anong sabi mo!! Aba aba!! Hoy espasol para sabihin ko sayo hindi makitid tong utak ko!, sadyang hindi mo lang makuha tong sinasabi ko"

"Talagang hindi ko makukuha kasi pang mga makikitid lang yan na utak!!"

"Anong sabi mo?? Punyemas ka halika dittooooooo!!!"

At ayun!! Ang galing talaga, Tumayo na ako tutal tapos ko naman na yung lectures na ipapasa ko para makapagexam ako bibit ko lahat ng gamit ko

"TARA NA!! TAPOS NA AKO!!"

sigaw ko sakanila, tsk parang bata hawak ni Tonett yung ulo ni Taym at kinukutusan ito!, lumapit naman sila sakin, Medyo pa gabi narin nagpaiwan kasi ako sumama naman tong dalawa Kaya ayun, pass 5 na yung oras

"Ibibigay ko lang to kay Miss Suarez At uuwi na tayo hinatayin nyo nalang ako sa labas ng office niya panigurado kapag marami tayo sasabunin nanaman tayo nun!!"

"Geh"

sabi ni taym

"Geh"

Sabi ni Tonett sa wakas

Pagdating ko sa loob inilapag ko nalang yung 5 notes na sinulat ko at nagiwan ng sticky note nakalagay dun yung name ko at kung ilang notes ang pinasa ko, Pagkalabas ko wala dun yung dalawa

"Punyemas naman oo oh, Asan nanaman yung mga yun??"

Pababa na ako ng hagdan ng bigla akong may mabangga, naka sumbrero siya at hindi ko nakita yung muka niya parehas naman kaming napaupo

"Sorry"

Sabi ko, pero hindi siya umiimik hahawakan ko sana siya kaso biglang dumating yung dalawa

"Riyel!!"

Sigaw ni tonett at hinawakan ako sa braso, nakita ko namang nagunot yung muka ni taym at may hinigit siya sa kamay nito nagulat naman ako ng MGA PICTURES KO??
Naglalakad sa corridor, Nag P-p.e, Nagsusulat, tumatakbo

"Bat meron ka nito??"

Tanong ni taym pero hindi siya umiimik, naiilawan yung muka niya ng araw na patakip silim na!!

"Napagutusan lang sir taym"

"SIR TAYM??, PUNYETA KA MAY KINALAMAN KA BA DITO??"

Sigaw ni tonett

"Ako?? Wala ah!!"

"KUNG WALA BAT SIR TAYM TAWAG NIYA SAYO, MAY BALAK KA BANG IPAPATAY KAMI"

"Tss, Pikon ako sayo pero hindi kita gustong mamatay, hindi kita kayang ipapatay!"

Sabi ni taym, bigla namang nagiwas ng tingin si Tonett, I smell something fishy bagoong

"Sino nagpadala sayo dito?"

Mahinahong tanong ko

"Mukang alam ko nato!"

Sabi ni taym,

"Ayaw mo daw kasing gawin sir taym, kaya inutusan na ako ni Mr. Lee"

"huh?? Ano yun taym?"

Napabuntong hininga naman si Taym at sinabing

"Lee Soo man want you to be a trainee of Sm Entertainment, and also a part of it"

Our painful Love storyWhere stories live. Discover now