Chapter 4-Cadden?

253K 3.7K 55
                                    

Aliya's POV


Walang pasok kasi sabado kaya minabuti kong maggrocery na lang at nang makapagluto naman ako ng mga paborito ni Cadden. Naparami pa ata ang pinamili ko, limang plastic bag, namili na rin kasi ako ng mga pagkaing pwedeng iimbak sa bahay. Nag-aalangan man kung magugustuhan niya ba ang ihahanda ko ay di ko pa rin maiwasang di ngumiti. I promised to be a good wife, the very best girl he ever could have, at patutunayan ko 'yon.

Naglalakad ako sa may parking lot papuntang sasakyan nang muntikan na akong mabundol ng isang Black Porsce 911 GT3, na di ko alam kung saan galing, o baka nama'y preoccupied ako masyado kaya di ko na namalayang may paparating pala. Sa sobrang takot ko ay napasigaw na ako at nabitawan ang mga plastic bags na hawak-hawak ko, napakabilis ng mga pangyayari kaya napapikit na lamang ako.

"Hey!" Napadilat ako nang maramdamang may humawak sa magkabilaang balikat ko. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay napatitig ako sa maamo nitong mukha, magagandang mga mata, ang matangos nitong ilong, mapupulang labi, makinis at magandang hulma ng mukha at... at ang maliit na pilat sa may bandang kilay nito na bumagay naman at mas lalo pa atang nagpadagdag sa sex appeal nito.

"Cadden..." ang tanging na sambit ko, namamangha ako dahil medyo magkahawig sila ni Cade, kung di ko pa nakita ang pilat nito sa bandang kilay ay baka maisip kong siya ang kaharap ko.

"Are you done, checking me out?" dun lang ako nagising nang marinig ang sinabi niya.

Bahagya pa itong ngumisi, para naman akong napahiya sa sinabi nito, sa himig niya'y gwapong-gwapo siya sa sarili.

"You almost hit me!" Bulyaw ko na lamang.

"Yah, I almost did." he smirk, "almost." Pinagdiinan niya pa ang salitang 'yon. Hiyang-hiya na ako dito kaya sinimulan ko nang pulutin ang mga pinamili ko.

"Hey, I'm sorry!" humarang pa 'to sa daraanan ko.

"Really?" sarkastikong tanong ko.

"Yeah, I'm so sorry." Base sa ekspresyon ng mukha nito'y sising-sisi siya.

"Well, it seems that you're not" tinaasan ko 'to ng kilay.

"Okay, just let me carry those plastic bags, 'san bang sasakyan mo?" mungkahi nito habang pilit inaagaw ang mga dala ko.

"Thanks, but no thanks, I can handle this, and I don't have any car, so give way." mataray kong sabi, di ako patatalo sa lalaking 'to. Na-curious naman ako sa pagtaas ng kilay nito.

"Really, you don't have any car, then what are you doing here?" Ay tanga! Nasa parking lot nga pala ako, ang sarap lang sapakin ng noo ko.

"Just...just get lost!" irritable kong turan saka siya nilagpasan.

"Fine, if you wouldn't let me, then just tell me how can I repay you?" pahabol nito.

Napahinto naman ako sa sinabi niya, then I turn around and answered, "Get lost! In that way you're paid." Gusto kong matawa nang matulala siya.

"What are you waiting for, didn't you hear me? I said 'get lost!" sinabayan ko pa ng pagtaas ng isang kilay. Nakabawi ata sa pagkakatulala, tinalikuran na ako't bumalik sa sariling kotse. Pero bago pa ito pumasok kinindatan pa ako nito at sinabing; "impressing, sweetie."

He really ruined my day, at mas lalo pa atang nasira ang araw ko nang makita kong flat ang lahat ng gulong ng kotse ko. Sinipa ko tuloy ang isa nito. I checked all of the tires, only to find out that it was obviously meant. Napahilamos na lamang ako sa sariling mukha, "Pano na 'to? Di ako marunong magcommute." naiiyak at nag-aalala kong turan. Agad kong ini-dial ang number ni Cadden.

[What is it?]What is it agad? Di man lang siya naghello, kapag kay Ella eh ang lambing ng boses niya. Tiningnan ko ang oras, sigurado akong papauwi na siya ngayon.

"Ahm, kasi Cade, nasiraan ako. May bumutas ng gulong ko." Napatigil ako.

[Then?] singit nito.

"Papauwi ka na diba, pwede bang daanan mo na lang ako dito sa-" natahimik na nanaman ako nang mag salita siya.

[No, may pupuntahan ako, magtaxi ka na lang. Kasalanan ko bang umalis ka ng bahay at maggala.] Napagalitan pa ako.

"Alam mo namang takot akong magtaxi." Pangangatwiran ko.

[Ano ka ba, bata? Sige na, I'm busy.] Pinutol na nito ang tawag, napabuntong hininga na lamang ako.

"Want some ride? You really don't have a car, huh!" napalingon ako sa nagsasalita only to find out that bastard who ruined my day. Ba't ba susulpot-sulpot na lang 'to.

"Get in, it's getting dark, staying here for so long ain't good for you, sweetie." Binalewala ko na lang ang pagtawag nito ng sweetie.

"Thank you, pero may sundo ako." Pagsisinungaling ko.

"I heard it, that person you called couldn't come and you're afraid to ride on taxis." Napamaang ako sa sinabi nito, ibig sabihi'y kanina pa siya nakikinig sa akin.

"Ano naman ngayon?" Masungit kong turan ngunit sa mababang boses na.

"Take this ride. Just a payment for what I've done. Don't worry; you'll be safe with me, better that anyone else." Biglang naging seryoso at maalalahanin ang tono ng pananalita nito, bagay na tumagos sa puso ko. Bakas ang sinseredad sa mukha nito, at dahil nga nakakatakot dito sa parking lot. I grabbed the opportunity; after all, this day isn't that bad at all.


"Do me a favor." Agad akong napalingon sa estrangherong kasama ko, akala ko'y ako ang kausap niya, may tinatawagan pala.

[Ano po 'yon, sir?] mula sa kabilang linya.

"I need you to go to SM mall, at the parking lot, red porsche car, plate number; AAA ****. Do it for me." Mataman lang akong nakikinig sa kanya habang inilalarawan niya sa kausap sa telepono ang kotse ko. At sadyang memoryado niya ang plate number ng sasakyan ko.

[Masusunod po.] napataas ako ng kilay sa kung paano sumagot sa kanya ang kausap.

Ibinaba na nito ang telepono saka nakangiting bumaling sa akin. "Give me the key." Aniya habang inilalahad ang kamay. "Don't worry, I won't sell it." Napangiti ako nang agad nitong dinugtungan ang sinabi.

"Alam ko po." nakangiti kong turan saka ibinigay sa kanya ang susi.

"Good girl." Aniya nang maabot na ang susi. Tumimingin siya sakin saka ngumiti.

"Papano mo nalamang dito ang daan?" kunot-noo kong tanong nang mapansing tama ang dinadaanan niya papunta sa bahay namin, kahit wala akong sinasbing direksyon.

Matagal-tagal pa bago siya nakasagot, "You've told me, kanina bago ka sumakay." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Totoo ba, wala akong naaalala.

"I'll be the one to bring your car, so don't worry." Biglang pag-iiba nito ng usapan.

"Thank you." Ang nasagot ko na lang.

"We're home." Aniya, agad akong napalingon sa labas at tama nga siya nakarating na kami. Bumaba na ako saka muling nagpasalamat. Dala-dala niya ang ibang balot at tinulungan akong ipasok 'yon sa bahay.

"I am looking forward to seeing you again." Aniya saka kumindat.

"Yeah, once you've bring the car here." Sabi ko na lang.

"I'll date you, wait for it." Ngumisi 'to na para bang kampanteng-kampante sa sinasabi.

"I'll go now, take care." Aniya saka inalis ang iilang hibla ng buhok sa mukha ko at isinantabi. Bilib rin ako sa lalaking 'to. Feeling close na kaagad. Pero kahit anong gawin kong pagsusungit ay may parte ng puso ko na ang gaan-gaan sa kanya.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon