18-Clumsy Encounters

17.3K 311 21
                                    

Bang!

Aruykopo!

“Ineng..” anang boses ng matanda. “Ineng!!! Mabuti napadaan ka!!”

“Lola!! Mabuti at nakita ko kayo!!” excited na sabi ko.

“Aray ko naman ineng! Baka nakakalimutan mo na sa tanda kong ito ay marupok na ang tainga ko..” angal ng matanda habang hawak ang tainga niya.

“Ay sorry po lola. Carried away lang po.”

“E bakit ka carried away? Wala namang bumubuhat saiyo a,” confused na sabi niya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko lang siya.

“A, wala po iyon. Mabilis lang po sana ako rito. Marami po akong gustong malaman at naniniwala akong matutulungan ninyo ako,” direct-to-the-point na pagsasabi ko ng pakay.

“Maaari kong sagutin ang mga tanong mo, pero wala na akong ibang maitutulong,” pag-amin niya sa kakulangan.

Napabuntong-hininga ako. “Kahit na po, lola. Gusto ko lang pong malaman kung anong nangyayari sa akin?”

“Alam mo kung anong nangyayari saiyo, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo.”

“Pero lola, hindi ko po ginusto na makakilala ng supernatural beings,” sabi ko. Beings nga ba o beasts? Paano kung bigla na lang akong pag-isipan ng masama ni Kol? Napaka-helpless ko lalo pa at nasa sarili ko na siyang tinitirahan. Napayuko ako.

“Pero iyong isa, nasa tinutuluyan mo?” tanong ni lola at napatango ako bagamat hindi ako makapaniwala na alam niya iyon.

“Paano niyo nalaman, lola?”

“Binalaan na kita tungkol sa masamang pangitain noong araw na iyon, pero hindi mo man lang pinakinggan kung ano ang sasabihin ko. Isa kang origin at nasa panganib ang buhay mo.” Nagtatampo si lola?

“Pasensya na po kayo. May paraan po ba para maiwasan iyon?” Okay na sa akin kahit hindi ko makita sa personal si Edward Cullen o ang the Salvatore brothers. Gusto ko na lang bumalik sa dati ang buhay ko.

“Mayroon.” Iyon naman pala e. “Pero huli na ang lahat.”

“Anong ibig ninyong sabihin, lola?”

“Sa una, may paraan para iwasan ang pagtanggap sa pagiging ganap na origin, pero sa oras na magsimula na ang lahat, hindi na iyon maaaring atrasan.” Lalo akong naguluhan.

“Hindi ko po maintindihan, lola.”

“Oras na gamitin ang dugo mo para buhayin ang isang bampira at matanggap mo rin ang dugo niya, isa ka ng ganap na origin at wala ng maaaring magbago roon. Maliban na lang kung..” Tumigil si lola na parang ayaw ipagpatuloy ang anumang sasabihin.

Lalo akong nagka-interes sa kung anuman ang sasabihin niya. “Maliban na lang po kung ano?”

“Kung mamatay ka.” Bakit ang lupit ng tadhana? Bakit minsan bago mo pa malaman kung ano ang choices mo ay huli na ang lahat?With gentle arms, she embraced me. “Ineng, naniniwala akong kakayanin mo ang lahat. Tatagan mo lang.”

So I guess I have no choice then. “Ano.. Lola, hindi ko po alam kung ano ang papel ko sa pagiging origin. Ano po ba ang ginagawa ng isang origin?”

Pero imbes na sagutin ang mga tanong ko ay nagkwento siya. “Ang ancestors mo ang dahilan kung bakit nabuhay ang Madrigal vampires noong mainit ang mata ng administrasyon sa kanila. Dahil wala na silang lahat, nakasalalay saiyo ang buong bloodline ng mga Madrigal vampires.”

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Where stories live. Discover now