B2: Chapter 41: Who's Behind this?

113 12 2
                                    

Night Time (California)

Jacob's POV

Well, nandito ako ngayon sa bahay nila Bel, at itong fiance ko ay parang trumpo sa kakaikot, nakakahilo..

"Bey, ano bang problema? kanina ka pa ikot ng ikot.." tanong ko

"Eh kasi anong oras na..wala pa sila Bambi.." say ni Bel

"Easy ka lang Bey, 7pm palang, tsaka kasama naman nya si Josh.." paliwanag ko

"Kaya nga nag-aalala na ako sa dalawang yun, pinag half day ko nga si Bambi para makapag bonding sila, tapos ngayon wala pa rin.." reklamo ni Bel

*ding dong

"Baka sila na yan?" sabi ko at karipas ng takbo si Bel sa pinto para buksan, nang mabuksan nya tumambad samin ang basang sisiw na si Josh at Bambi..

"Anong nangyari sa inyo? Ralph Joshua Diones at Barbara Fortez?" tanong ni Bel

"Ate pwede bago mo kami ratratan, papasukin mo muna kami.." depensa ni Bambi

"Okay fine, pasok!" mando ni Bel

Sa Sala..

"Mam Bambi, tuwalya po pati kay sir Josh.." sabay abot ni Manang Rosa ng towel kay Bambi at Josh

"Salamat po manang.." say ni Bambi

"So? Pwede na kaming magtanong?" sabat ni Bel

"Pwedeng magpalit muna kami ng damit Bel?" sagot ni Josh

"Bakit may damit ka ba dito?" tanong ni Bel

"Meron, diba Bambs?" sabay tingin ni Josh kay Bambi

"Meron naman, yung ibang damit mo napahiwalay sa luggage mo nandun sa taas, sa kwarto ko.." say ni Bambi

"Sige, eh ikaw di ka ba magpapalit? Baka magkasakit ka nyan?" pag-aalalang tanong ni Josh kay Bambi

"Magpapalit na rin.." sabi ni Bambi sabay tayo

"Sabay na tayo.." nanlaki mata ni Bambi pati si Bey

"Anong sabi mo!?" sabat ni Bel, lagot ka Josh

"Sabi ko po sabay kaming aakyat sa taas..Bambi, tara!" sabay hila ni Josh kay Bambi at karipas ng akyat sa taas

"Hayst!!!" si Bel

"Gusto lang magsolo, bayamuna.." say ko

"Kanina pa nagsosolo yang dalawang yan hah.." si Bel

After 30 minutes.....

Nakaupo kami ngayon apat sa sala..at mukhang tahimik ang dalawa..

"So, Bambi? Anong nangyari at umuwi kayong basang basa?" tanong ni Bel sa dalawa

"Bel, easy lang umulan kasi kanina at inenjoy lang namin ang ulan.." paliwanag ni Josh

"Wow, parang bata lang kayong dalawa..eh mga young adult na kayo.." sermon ni Bel

"Eh ate, 21 na naman ako, si Josh mag 24 na, anong masama don?" say ni Bambi

"Hay naku..bahala nga kayo, may mga isip na kayo eh.." surrender ni Bel

"Ahm..ate may sasabihin kami sa inyo.." sabi ni Bambi, biglang naging seryoso

"Ikakasal na kayo!! Nagpropose ka na bro!?" exags kong tanong

"Layo sa putukan bro!! Hindi, actually may problema eh.." si Josh

"Anong problema ba yan" tanong ni Bel

"Eto oh.." sabi ni Bambi sabay bigay ng nakatuping papel

Message..

"Magpakasaya lang kayo dahil nag uumpisa na ang laro nyo papuntang langit.." -Your Worst enemy

"Death threat!" sabi ni Bel

"Who's Behind this?" sabi ko

"Any clue Josh?" tanong ni Bel

"Di ko alam Bel, wala naman kaming kaaway sa pagkakaalam ko.." sabi ni Josh pero si Bambi parang natahimik

"Bambs?" si Bel pero walang imik ito

"Bambi Fortez!!!!" sigaw ni Bel at nagulat si Bambi

"Ay, palaka!" sabi ni Bambi

"Ganda kong palaka sis! Bat ka tahimik hah?" tanong ni Bel

"Kasi ate..about dun sa Death threat, parang isa lang naman pwedeng may gawa nito eh.." sabi ni Bel

"Sino!!?" sagot nilang tatlo

"Si...." 

======================================

  The who? Ang tinutukoy ni Bambi? Abangan....

= Zel_25= 

October 9, 2018  

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now