Chapter 5:Wish

18 4 0
                                    


Ezekiel's POV

Habang naglalakad ako papunta dun sa area naman may nakita akong isang malalim na na bilog na butas na may lamang tubig yung loob

Teka?Wishing well ba to?

Habang sinisilip ko iyon nabigla ako nang may nagsalita Sa likod ko

"mag wish ka na!"

Si Andrei lang pala,classmate ko

"wish? " nagtatakang tanong ko

"Ayun sa alamat kapag nag wish ka daw at naghagis diyan nang barya magkakatotoo ang mga wish mo! " paliwanag nito habang naglalakad paikot sa akin

"Try mo na! Malay mo! " excited na sigaw nito

Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

Sana makasama ko siya Sana mapasaya ko siya kahit isang araw lang ISANG ARAW LANG..

Pagkatapos kong magwish hinagis ko na ang baryang dala ko

Sana naman matupad yun..

"Tungkol saan yung wish mo? " tanong ni Andrei

"Secret"

"Ano nga kase"

"Secret nga diba!" sabi ko at bumalik na sa tent

-

Sana naman di ako paasahin nung wishing well na yunn haysstt..

Kahit isang araw lang masaya na ako kahit isang araw na kami lang dalawa ang magkasama..

Teka?  Oo nga pala kamusta na kaya si Akesha sana okay lang siya sana naman di mapahamak yun..

1 day later...

Nagulat ako nang nakabalik na si Akesha

"Akesha tara na" yaya ko dahil pauwi na kami

"Ayoko.." mahinang sagot nito

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magpapaiwan ako" sagot nito

"Edi magpapaiwan na din ako" maikling sagot ko

"Di na kailangan" sabi nito habang nakatalikod

"baka mapahamak ka pa"

"Hindi na ako bata! " galit na sabi nito

Wala kang magagawa magpapaiwan ako hmm..

JUST ONE DAY!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora