Our Song - Part 10

2.8K 131 0
                                    


TILA huminto ang oras para kay Cham habang nakatitig kay Rick. Hindi niya akalaing makikita niya ito roon at sa pagkakataon pang iyon na hindi siya handa. Wrong timing pa dahil sa kakatakbo nilang magkakaibigan ay sigurado siyang pawisan na ang mukha niya at magulo na ang buhok. Siguradong mukha na siyang losyang.

Nakatingin din ito sa kaniya at bakas ang rekognisyon sa mga mata nito. Her heart did a somersault. Muntik na ring gumalaw mag-isa ang mga paa niya at tumakbo patungo rito upang lundagin ito ng yakap sa sobrang pagkamiss niya rito. Pero dahil alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon ay nanatili lamang siyang nakatayo roon at nakatitig dito.

"Huy Cham! Ano pang ginagawa mo diyan bilisan mo late na tayo!" narinig niyang tawag ni Yu mula sa loob ng silid na pinasukan nito. Bigla siyang natauhan at napalingon dito. Oo nga pala. Kaya sila tumatakbo patungo roon ay dahil sa araw na iyon ang interview nila para sa "The next big name in music" contest ng Diamond Records. Masuwerte kasing nakalusot ang demo cd na ipinasa nila sa first screening. Pero dahil sobrang tindi ng traffic kaysa inaasahan nila ay ngayon lang sila nakarating.

Nang hindi pa siya kumilos ay bahagya nang lumapit sa Yu at hinatak siya papasok. Napakurap siya at muling napasulyap kay Rick na nakatayo pa rin doon bago siya tuluyang nakapasok. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang pagtibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Paano kung umalis na ito? Sayang ang pagkakataon!

KAHIT distracted, naipagpasalamat ni Cham na nakasagot naman siya ng maayos sa lahat ng tanong sa interview nila. Napanatag din silang magkakaibigan dahil hindi naman daw pala mage-eliminate ang mga ito ng dahil lang sa interview. Ang mangyayari daw ay magi-i-schedule ang mga ito nang araw para magperform sila at ang dalawampu't siyam na grupo pang napili ng mga ito upang salain naman ang sampung grupo na makakapasok sa finals na ipapalabas sa telebisyon. Sa final round daw ay text votes na ang magdedesisyon kung sino ang mananalo.

"So you're band name is Wildflowers right? Why did you choose this name for your band?" tanong ng nag-iinterview sa kanila.

"It is because like wildflowers, even if we are all girls, we are strong and could survive anywhere," sagot ni Ginny.

"And no matter how many times people will trample us, we will still stand up and continue doing what we love to do," sabi naman ni Anje.

"No matter how many dirt we have to go through, we want everyone to know that we will surely bloom," dugtong ni Stephanie.

Tumango-tango naman ang nagtanong. "Okay, for the last question, what do want to aim in case you win the contest?"

Nakagtingnan sila ni Yu at nagkangitian. Matagal na nilang napagedisisyunan ang sagot doon. "Of course, we want to take the world by storm," sabay na sagot nila.

"IN FAIRNESS, napagod ako sa nangyari sa atin kanina ha?" buntong hiningang komento ni Stephanie nang matapos ang interview nila.

"Nagugutom ako," nasabi naman niya habang naglalakad sila patungo sa pinto ng silid. Dahil sila ang huling isinalang sa interview ay wala nang tao roon.

"Tara kain tayo," aya ni Yu at binuksan ang pinto. Nakalabas na ito ng tila matigilan ito at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya na para bang may nais sabihin ngunit hindi magawang magsalita.

Napakunot noo siya. "Yu? Bakit?" tanong niya rito at mabilis na lumabas. May sinulyapan ito na sinundan naman niya ng tingin.

Nahulog yata ang puso niya nang makita niyang nakasandal sa pader si Rick at tila may hinihintay. Nang mapatingin ito sa panig nila at magsalubong ang mga mata nila ay dumeretso ito ng tayo at malawak na ngumiti. Parang hinalukay ang sikmura niya sa ngiting iyon. Noong huli silang nagkita ay hindi niya ito nakitaan ng ganoong ngiti. Ibig bang sabihin niyon ay okay na ito? Sana naman.

"Hey," bati nito sa kaniya kasabay ng paglakad palapit sa kaniya. Mukhang siya ang hinihintay nito.

Sa ginawa nito ay napagtuunan niyang maigi ang itsura nito. Ang buhok nitong hanggang batok sa haba sa mga larawan nito sa magazine ay mas maiksi na. Mas guwapo rin ang mukha nito ngayong nakangiti ito. Ang suot nito ay ang tipikal na t-shirt at faded jeans pa rin at itim na high cut boots. He looks like a dashing rockstar.

"It's really you. Akala ko namalikmata lang ako kanina," sabi nito nang sa wakas ay nasa harapan na niya ito. Napalunok siya upang alisin ang pagbabara sa lalamunan niya dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Aware din siya sa manghang tingin ng mga kaibigan niya.

"Uh, hello," sa wakas ay nasabi niya.

Tumawa ito. Muntikan na siyang matumba sa biglang panlalambot ng tuhod niya dahil sa tawa nito. "N-nananaginip na naman ba ako?" naisatinig niya bago pa niya marealize ang sinabi niya. Naitakip niya ang kamay sa bibig niya.

His gaze softened. Lumamlam ang ngiti nito at pabulong na sinabi, "Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kanina. Thank God this is not a dream."

WILDHORN BAND mini seriesWhere stories live. Discover now