CHAPTER EIGHTEEN 1.2 : Beauty and the Beast

13 1 0
                                    


Beauty and the Beast.

Thea POV' s

"Si-sigurado ka bang aabot tayo sa oras?"

"Yep! Ako pa ba thea, trust me makakarating agad tayo bago mag seven" aniya at nagsmirk pa sakin.

"O sige bahala na ang mga pusa!" Sagot ko pa at nagmadali kami na umalis.

Bago kami makarating sa parking may mga bazaar kaming nadaanan pa kaya nahirapan kami makipag patintero sa mga taong namimili.

Halos ilagan ko 'yong mga taong nakakasalubong ko at todo iwas ako kung may mababangga ako o anuman.

"Xypher! Dalian mo"

Nagulat ako ng bigla may humatak sakin.

"Whoah!"

"Mas okay kung mag change outfit ka muna" ngisi pa nya sakin at kasabay ng pag taas ng kilay nya.

"e? Bakit pa? Di na kailangan xypher baka mahuli pa tayo lalo"

"No, come on thea mabilis lang to sige na mag palit kana! Pumili ka ng gusto mong isuot ako ng bahala. Treat ko na 'to!"

"Xypher!"

"Basta mamaya kung mananalo yong banda nyo mamaya ikaw naman ang manlilibre sakin" napanganga nalang ako sa sinabi nya. Hindi nya ba naisip na bukod sa malalate kami ay may gana pa talaga sya na pilitin ako sa pag change ng outfit daw. Mababaliw yata ko kapag sya nakasama ko.

"Come on! Mas malalate tayo kung tatayo ka lang diyan at di ka pa kikilos"
Tapos tinulak tulak nya ko sa loob ng bazzar.

Mabilis na pagpili lang ang ginawa ko.
Hindi na ko nagdalawang isip na kumuha ng damit dahil posibleng hindi kami umabot sa oras. Masasayang lahat ng pinaghirapan ng banda.

Ayoko naman na ako sisihin kung bakit hindi sila makakapag perform. Baka isumpa pa nila ako.

Fitted V neck black tee shirt and ripped jeans sang sinuot ko. Ewan ko ba kung bakit 'yon ang nakuha ko feeling ko ang pangit tignan.

Bahala na.

Paglabas ko ng fitting room sinalubong ako ng matamis na ngiti ni xypher.

"Here" inabot nya sakin isang pares na black high pumps na sa tingin ko bumagay sa sinuot kong damit.

"Baka naman Hindi ako makalad nyan" alanganin ko pang sabi.

"Kaya mo yan! You look so gorgeous in a simple outfit. Kahit yata suotan ka ng basahan babagay sayo" tawa nya pa.

"Nambully ka pa. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip mo pinagpalit mo pa ko ng damit okay naman yung school uniform. Tsaka nagkautang pa ko sayo"

"Haha. Its okay. Treat ko diba," aniya at lumapit sakin at pinaupo ako at binigay sakin yung heels at kaagad kong sinuot.

Nang tatayo ako pakiramdam ko hindi ko kaya maglakad.

"Ano ba naman buwis buhay tong pinag gagawa mo sakin, xypher" bulong ko pa at tinignan sya ng masama.

Narinig ko pa syang tumatawa.

"Pinagtatawanan mo ba 'ko? Magpalit na lang kaya ako huhu"

"No. Hindi pwede it's ten minutes before seven magpapalit ka paba?" Aniya at ngumisi ng nakakaloko sakin.

"Sa sunod di nako sasama sayo alam kong ganito uli gagawin mo sakin. Huhu"

"Hahahahaha. No not always thea. Kaya mo yan!"

Play Love and Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon