Nightwalker Academy XIV

4K 178 5
                                    

Chapter 14: A Person with Red Robe.

Vin's POV

"Vin... Vin..", naalimpungatan ako ng may tumawag sa akin.

"Vin..", hindi ko masyado kilala ang boses na yun kaya dahan dahan ko minulat ang mata ko at napatingin sa paligid.

Nasa Clinic pa rin ako, kailangan ko kasi magpahinga, pagkatapos dumalaw nila Sakura kanina ay agad akong natulog at ngayon lang ulit ako nagising.

Palinga-linga ako sa paligid.

Sino yung tumawag sa akin? May ibang tao ba dito?

Wala akong ibang makita na tao sa loob ng clinic kundi ako lang. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa taas ng pinto ng clinic at nakita ko na pasado Alas Dos na pala.

Ang haba pala ng tulog ko.

"Vin..", ayan na naman yung boses, agad ko naman nilinga ang paningin ko at wala talaga akong makita

Sino ba yung tumawag sa akin?

"Vin.."

Teka naririnig ko ba talaga sa tenga ko o sa utak ko ito naririnig?

"Vin.. patawad..", narinig ko ang mahinang pag-iyak ng boses na yun.

Patawad? Saan? At sino naman kaya ito? Bakit hindi ko kilala ang boses na to? At tsaka malapit lang kaya siya sa akin?? Bakit naririnig ko ang boses niya?

Dahan dahan akong bumangon at umalis sa kama. Sinuot ko ang tsinelas ko at dahan dahan naglakad sa pinto. Nang makalapit ako ay binuksan ko ito at lumabas.

Napakadilim.

Napakatahimik.

Tanging kulig-lig lang ang naririnig ko nang makalabas ako sa clinic.

Agad kong niyakap ang sarili ko dahil sa biglang pag-ihip ng hangin.

"Vin..", narinig ko na naman ang boses na yun pero hindi ko alam kung saan.

Palinga-linga ako sa paligid kahit na sobrang dilim. Walang sinag ng buwan kaya wala talaga akong makita.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa clinic pero bago pa ako makalayo ay nakaramdam ako ng may tao sa likod ko.

"Vin..", agad akong napalingon ng makilala ko ang boses na yun.

"Luther?", gulat na tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?", takang tanong niya.

Sasabihin ko ba sa kanya?

"A-ahh a-ano, nagpapahangin lang. Hehehe.", tawa ko ng pilit.

"Ng ganitong oras?", takang tanong niya ulit.

"N-nagising kasi ako tapos hindi na ako makatulog ulit kaya naisipan ko na magpahangin muna.", paliwanag ko sa kanya.

Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? Para hindi na siya magtaka na may naririnig akong boses? Hay! Ewan!

"Pumasok na tayo sa loob. Hindi ligtas na pagala-gala ang isang katulad mo sa oras na ito.", sabi niya.

"Eh bakit ka nandito?", tanong ko sa kanya.

Bakit nga pala siya nandito kung delikado ang pagala-gala ngayong oras na to?

"Napadaan lang ako. May inaasikaso kasi ako.", sabi niya.

"Ng ganitong oras?", panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

"Oo. Alam mo na, responsibilidad ko bilang Pure Blood na siguraduhin ang kaligtasan ng mga nasasakupan ko lalo na sa Academy na pag-aari namin.", paliwanag niya.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Where stories live. Discover now