Chapter 5

9K 222 17
                                    

CELINE POV

"Mom, dad!" Pasigaw na saad ni Karen ng makita ang magulang.
Magkahawak kamay kaming lumapit sa kanila. Nahihiya akong ngumiti sa magulang niya.

"Mom what do you think of this wedding gown? Bagay kay ate celine right?"


Nakangiting aniya sa magulang.
Nanlaki ang mata ni Mrs.Lee ng tumitig ito sa akin. "Celine? Ikaw na ba 'yan celine?" Gulat na tanong niya.
Ngumiti ako at yumuko ng konti dahil sa hiya. "Yes po"

Nagulat ako ng biglang yakapin ni Mrs. Lee, hinimas ko ang likuran niya.
She cupped my face. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Isa siya sa nakakaalam na nakunan ako sa anak namin ni Marcus.


"Kamusta ka na?"

"Mabuti naman po." Ngiting sagot ko.
"Ang ganda-ganda mo iha." Natatawang sinagot ko ang sinabi ni Mrs. Lee.
"Mrs. Lee, hindi pa din kayo nagbabago. Ikaw naman po. hindi kumukupas ang ganda mo." Papuri ko din sa kanya.

Nag-usap kami sandali. Umalis kami ni karen para makapagpalit na ako.
Kasama ko si karen papuntang dinning. Balak ko na sanang umalis pero hindi ako pinayagan ni Mrs. Lee gusto n'yang kumain ako ng lunch kasama sila.
Nasa harapan ko sila marcus at elaine. Iniiwas ko ang tingin sa kanila. Katabi ko si Mrs.lee at Karen.

Nagsimula na kaming kumain. Walang imikan hanggang sa matapos. Nagpaalam ako sa kanila na sasagutin ko lang ang tawag ni mom.

She remind me about the dinner. Balak na kasi nilang ipakilala sa akin ang pamilya ng mapapangasawa ko.


Matapos ang pag-uusap namin ni mommy balak ko na sanang bumalik ng dumating si marcus.

Nakakunot ang noo niya habang papalapit sa akin. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mata niya.


"Why are you still here?" Iritang aniya.

"Nandito ako dahil kay karen. Don't worry hindi rin ako magtatagal." Nilagpasan ko siya at pumasok na sa loob.


Naiinis ako pero ayokong ipakita sa pamilya ni marcus kung gaano ko siya kinasusuklaman.

Naabutan ko sa sala na nagtatawanan si Mrs.lee at ang anak na babae na si Karen.

May ngiti sa labing lumapit ako sa kanila.
Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na kailangan ko ng umalis. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang pumayag.



Hinatid nila ako hanggang gate. Bago pa ako makasakay nagsalita si karen.

"Ate celine balik ka ulit dito ha." Ngumiti ako sa kanya at tumango.


Kumaway ako sa kanila at umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko sa side mirror ang paglapit ni marcus sa pamilya niya.


Binilisan ko ang pagdrive para makarating sa shop ni Rea. May kailangan kasi akong susukating gown para sa dinner na gaganapin mamayang gabi.


Kasama na sa pagpapakilala sa akin ng pamilya ko ang lalaking papakasalanan ko at ang engagement party namin.


Pumayag ako sa kasalan na magaganap dahil sa pamilya ko. Matagal na nilang gustong mag-asawa na ako. Wala akong lalaking maipapakilala sa kanila kaya naisipan ng pamilya ko na ituloy ang balak noon ni lolo.
Nagpark ako at lumabas na ng car.



Naabutan ko sa loob si Rea na tinitignan ang mga design na gown na nakadisply.
Ngiting pilit ang ginawad ko sa kanya.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Rea at pinagkrus ang magkabilang kamay.
Nahihiyang nagpeace sign ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at inikutan ako.
Naguguluhan ako sa inaakto niya pero hinayaan ko na lang.


Hinila ako ni Rea sa office niya. Naka helera ang mga gowns sa working table niya. Kinuotan ko siya ng noo.


"I want you to choose kung ano ang gusto mong suotin sa engagement party mo." Nakangiting aniya.


Nangi-ngiting tumango ako sa kanya.
Matapos ang pagpili ko ng masusuot, dumaan muna ako sa SamNiel's Cafe bago umuwi.


Sumalubong sa akin si helen at sinamahan ako sa magiging table ko.
Kinuha niya ang order ko at umalis na. Luminga-linga ako sa paligid. Naalala ko ang una naming pagkikita dito ni Marcus. Masarap balikan ang masasayang ala-ala namin pero karugtong namin niyon ng malungkot at pagkasawi ko sa pagmamahal.



Sayang ang ilang taon naming pagsasama, nauwi lang ito sa hiwalayan.
Nag-sisisi ako na pinapasok ko pa sa buhay ko si Marcus. Kung sana hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin malamang tahimik ang buhay ko. Hindi ko na kailangan balikan pa ang masalamuot na nakaraan ko.



Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko.
Sa nagdaang taon, kinalimutan ko ang dating ako. Binago ko ang sarili para hindi na mag-alala pa sa akin ang pamilya ko. Sobra akong nasaktan sa nangyare sa amin ni marcus.



Nang makita ko ulit siya hindi ko napigilan ang humanga ulit sa taglay n'yang kagwapuhan. Hindi pa din nagbabago ang ugali niya ang pagiging masungit sa ibang tao.


Natuwa ako ng makita niya ang bago kong ayos. Biglang nag-iba ang pagtingin nito sa akin.


Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa nila sa akin ni Elaine. Eto na ang tamang oras para simulan ko na ang paghihiganti sa kanila. Darating ang araw na mararamdaman nila ang sakit na pinaranas nilang dalawa sa akin.
Ipapakita ko kay marcus kung ano ang sinayang niya.


TUMINGIN AKO SA FULL BODY MIRROR KO. Napangiti ako ng makita ang kabuohan ko.
Ngayung gabi gaganapin ang engagement party. Lumabas na ako ng kuwarto ng makuntento sa itsura ko.


Naka-abang na sa front door sila mommy. Manghang nakatitig sila sa akin.
Yumakap ako kay mom ng makarating ako sa kanila.
Umikot ako sa harapan nila. Natutuwang hinawakan ni mommy ang magkabilang kamay ko.


"Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya." Naiiyak na aniya. Naglalambing na hinilig ko ang ulo sa balikat ni mommy.
"Mommy, no matter what happened. I'm still your princess. Magka-asawa man ako, lagi pa din ako dadalaw sa inyo ni daddy kasi mahal na mahal ko kayo." I kiss her in the cheek.


"We love you anak."


"Mahal ko din po kayo."
Umalis na kami sa house. Gaganapin ang engagement party sa S&S Hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ni marcus na si Sean Manzano.


Nakarating kami ng ligtas. Pumasok na kami sa loob ng hotel. May nakakasalubungan pa kaming mga kabusiness partner nila dad.
Ang ilan sa kanila ay binabati kami. Umalis sandali ang magulang ko para ientertain ang mga kaibigan nila habang nagpaiwan naman ako.


Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa iisang lugar lang kami ng Pamilya Lee. Ano kayang ginagawa nila dito?
Lumingon sa gawi ko si Karen. Katulad ko nanlaki din ang mata nito habang nakatingin sa akin. Patakbo s'yang nilandas ang pagitan namin. Kamuntikan na kaming matumba ng bigla niya akong yakapin.


"Ate Celine you're here." Gulat pero masayang aniya.
Masuyo ko s'yang ningitian.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Sasagutin ko na sana ang katanungan niya ng biglang namatay ang ilaw sa buong hotel. May tumutok sa akin na spotlight.



Nakita ko si dad na may hawak na microphone. "Please, welcome my daughter Celine Deogracia and her Fiancé Marcus Lee."

May isa pang spotlight sa hindi kalayuan sa akin. Halos mawalan ako ng paghinga ng marealize ko ang sinabi ni dad. Nahawi ang mga bisitang dumalo.



Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita sa gabing ito.


Don't tell me si Marcus ang mapapangasawa ko? What the heck!

My Husband's LoverWhere stories live. Discover now