Chapter 18

7.7K 155 4
                                    



Privacy

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Mahimbing ang tulog ko kinagabihan. Justin's words were true, matapos ang ilang minuto ay agad nag ring ang cellphone ko para sa isang tawag galing sa skype.

Nag-usap muna kami sandali bago ako tuluyang dinalaw ng antok. Kinantahan niya pa ako hanggangsa makatulog ako, kaya paggising ko kaninang umaga ay nasa baba na ang cellphone ko. Siguro ay nabitawan ko ng nakatulog na ako. Mabuti na nga lang at hindi nabasag ang screen maski ang likod.

Isang subo ang iginawad ko bago ako matapos kumain ng agahan. Mabilis ang pagkain ko kaya napansin agad iyon ni Mommy.

"Nagmamadali ka?" Taas kilay niyang tanong.

Natutop ko ang bibig ko. Masyado ba akong mabilis kumain kaya't napansin iyon ni mommy? Umiling na lang ako bilang sagot.

"Hindi naman po.." Mahina kong sambit at uminom ng tubig.

Naramdaman ko ang titig ng akong kapatid pati na rin si Mommy. Ibinaba ko ang baso at tinaasan sila ng kilay bilang tanong.

Hindi na yata napigilan ni Ashley ang manahimik kaya nagtanong siya saakin. "Kailan ka babalik sa condo mo?" Tanong niya.

Nagulat ako roon. My dad wants me here. Hindi ko lang alam kay mommy, hindi naman siya umaangal o ano kaya alam kong gusto niya rin ako rito. Pero sa isang tanong ni Ashley ay bahagya akong nasaktan. Hindi niya ba ako gusto rito sa mansyon?

"H-Hindi ko pa alam.. Next week siguro." Sagot ko.

Tumango siya at hindi na nagsalita. Tiningnan ko si Daddy na nakatingin saakin. "You can stay here in our mansion, princess. You don't have to be there in your condo. Mag-isa ka lang roon.." Sabat ni Daddy.

Umiling ako. I'd rather to stay in my condo alone than stay in this house. Mag-isa man ako sa condo ko ay okay lang, kesa naman dito na nandito nga ang pamilya ko ngunit parang wala. Mag-isa pa rin ako sa huli.

"It's okay, dad.. I want to be independent. Isa pa, malapit rin iyon sa school ko. Walking distance lang, dad." Ngumiti ako.

Umiling siya at nagkibit balikat. "Whatever you say.. Susuportahan na lang kita. I'm happy because you're like your mom." Ngumiti siya at bakas room ang sinseridad.

Nagulat ako roon at agad napatingin kay mommy. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at ang paghigpit ng hawak sa kubyertos. Kumunot ang noo ko, bakit parang ayaw ni mommy sa sinabi ni daddy?

Masaya ako dahil kahit papano pala ay may namana ako kay mommy. Marami kasing nagsasabi na kamukha ko daw ang daddy ko at kaugali, ngayon ay may isa na akong katulad kay mommy. Pero sa reaksyon ni mommy ay hindi siya natutuwa.

Nagpaalam na agad ako na papasok na sa school dahil baka malate ako. Hindi na ako nagdala ng sasakyan ko.

Saktong paglabas ko ng gate ay naghihintay na ang sasakyan ni Justin sa harap. Nakalimutan ko nga pala, kapit-bahay ko na siya. Kagabi lang siya hindi umuwi sa tapat dahil may inasikaso raw siya sa kanilang bahay.

Lumabas galing sa sasakyan si Justin. Malinis ang kanyang buhok at mas lalong bumagay ang uniporme niyang pang-professor na kulay navy blue. May neck tie pa ito at nakitang hindi pa gaanong maayos iyon.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon