Wattpad Original
There are 9 more free parts

Prologue

253K 4K 261
                                    

Dahil sa hirap ng buhay ay natutunan kong mag-isang sundin ang lahat ng luho ng mundo. I wanted everything. Bagong damit, bagong sapatos, bagong bag, bagong gadgets. Pero malas dahil ipinanganak akong dukha.

"Shop lifter!" sigaw ng sales lady kaya naman nataranta ako at kaagad na tumakbo pero hindi ako nagtagumpay dahil kaagad akong naharang ng mga guard ng mall.

"Ikaw na naman!?" sita ng isa sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanilang main office.

Ngingiti-ngiti at napapailing na lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin kaya naman inirapan ko sila isa-isa.

"Tatawag ako sa abogado ko!" mataray na sabi ko sabay halukipkip.

Nagtawanan ang mga ito na tila ba isang malaking joke ang sinabi ko.

"Mabuti pa, miss, magulang mo na ang tawagan mo dahil ipapakulong ka na namin," sabi ng isa sa mga ito kaya naman nag-panic ako.

Nagpupumiglas ako habang bitibit ako nito palabas ng mall. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.

"Teka!" sita ko sa mga nakahawak sa akin.

"Attorney!" tawag ko kay Thomas Dela Vega, isang law student sa katabing private school ng university namin.

Masama lamang ako nitong tiningnan at saka naglakad palayo.

"Attorney! Palayain mo ako!" sigaw na pakiusap ko sa kanya pero hindi siya tumulong.

Halos mawalan na ako ng pag-asa.

"Habulin mo, baka kasabwat 'yon," sita ng isa sa mga guard sa kasama nito kaya naman halos magngiting tagumpay ako.

Sinundan ng mga ito kung saan nagpunta si Thomas Dela Vega. Halos tumalon ang pwet ko dahil sa pag-asang natatanaw.

"You don't have the right to drag me here just because some criminal called me," inis na sambit nito pero poise na poise pa rin.

"Hala, hindi naman ako criminal," sambit ko sabay kindat sa kanya kaya naman inirapan ako nito matapos samaan ng tingin.

"Sorry, Sir, sabi kasi nito attorney raw po kayo," sabi ng guard sa kanya.

May dinukot ito sa kanyang bulsa saka niya inilabas ang kanyang wallet.

"I'm a law student," pormal na sabi niya sa mga ito at kaagad na ipinakita ang ID.

"Eh, Sir..." Kakamot-kamot ng ulo ang mga ito.

"If you have to put this woman to jail, much better para hindi na maulit ang ganitong situation," sabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"'Wag! Maawa ka naman..." pakiusap ko at kaagad na nagpumiglas at mabilis akong yumakap sa kanya.

"Please, please..." pakiusap ko.

"Don't touch me! Let go of me," pagtataboy nito.

Nang magtagumpay siya at ang mga guard ng mall ay lumupaypay na ang balikat ko.

"What the fuck are you?" hindi makapaniwalang sambit niya sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.

"Tara na, dalhin na natin 'to sa presinto," pagyaya pa niya isa kaya naman sumama na lamang ako. Bahagya ko pang sinulyapan si Thomas Dela Vega pero iritadong nakatingin lamang ito sa akin.

Nakailang hakbang na kami nang kaagad siyang magsalita.

"Wait..." sambit nito.

'Yon pa lang ang sinabi niya pero naghihiyaw na ako at nagtatatalon sa saya.

"Siraulo," asik niya sa akin.

My Beautiful Karma (Game of Love series #3)Where stories live. Discover now