BASKETBALL

40 1 2
                                    



I

" Kanina ka pa nakakairita a," bulyaw ni Jackie kay Ramon, sabay tulak dito.
"Teka, teka," pilit umiiwas si Ramon. "Ano bang kasalanan ko?"
"Ngisi ka nang ngisi diyan!"
"Anong masama doon? Masaya ako e."
"Talagang nakakabwisit ka na! Sapakin kita diyan e." Lalong nainis si Jackie dahil ni hindi man lamang apektado si Ramon.
"Sapakin daw o. Akala mo naman pagkalaki-laki ng kamao."
Nagulat si Jackie nang kunin ni Ramon ang kanyang kamay at sukatin ito sa sariling kamay.
"Ang cute ng mga daliri mo. Ang liit-liit," tukso pa nito.
"Uy, holding hands sila," kantiyaw nina Mona at Kakai.
Agad binawi ni Jackie ang kanyang kamay.
"Diyan nagsisimula 'yan," dugtong pa uli ni Mona.
Sinakyan naman ni Ramon ang panunukso. "Bagay kami 'no?"
Namumula na sa galit si Jackie.
"Nagba-blush o," dagdag ng batang katabi ni Ramon.
"Hoy tukmol, 'wag kang makikisali dito ha. Baka samain ka rin," bulyaw ni Jackie.
"Lalo kang gumaganda habang nagagalit."
Hindi nakaiwas si Jackie nang hawakan ni Ramon ang kanyang pisngi.
"Cute-cute mo!"
"Halikan mo na Ramon!"
Biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Ramon nang tumama ang kamao ni Jackie sa kanyang panga. Natahimik ang mga nangangantiyaw.  Sumisipol namang tumalikod si Jackie.
"Wow pare, tunay 'yon a."
"Masakit din pala makatama ang maliit na kamao," tugon ni Ramon na hinihimas ang panga.
"Jackie, napuruhan mo yata 'yong tao," sumbat ni Mona.
"Yon ang bagay sa kanya. Presko e."
"Wala namang ginagawang masama sa iyo 'yong tao." Kasalanan ba ang ngumiti?" depensa ni Kakai.
"Sige, ipagtanggol  mo 'yong kumag na 'yon. Pagbuhulin ko pa kayo!"
"Ganoon? Pati akong kaibigan e papatulan mo."
"Akala ko nga kaibigan ko kayo. "Yon pala grabe rin kayo mang-asar."
"Sorry na. Nakakatuwa lang talaga kayong tingnan na nag-aaway e. Parang lovers' quarrel kasi."
"Dagdagan mo pa." Nanggigigil na si Jackie.
"Okey, hindi na po," paumanhin ni Kakai.

                              II

        Ang totoo, hindi alam ni Jackie kung bakit mabilis siyang mairita tuwing nakikita niyang nakangisi si Ramon. Parang presko kasi.
     Una silang nagkita noong championship game ng basketball sa kanilang baryo. Player noon si Ramon sa team ng kanilang baranggay.
     "Bakit naging player yan sa team ng ating baranggay e hindi naman tagarito yan?" tanong ni Jackie.
     "Import yan galing sa Manila", sagot ni Kakai.
     "Taga-Manila bakit dito naglalaro?"
     "Pamangkin kasi ni Kagawad Del. Saka tatlong taon na pabalik-balik dito nagbabakasypn yan kaya kilalang-kilala na ng mga taga-rito."
     "Ganun? Kaya pala kung maka-asta akala mo kung sino," pamumuna ni Jackie.
     "Bakit parang asar ka?" tanong naman ni Mona. "In fairness nga, dumarami ang fans ng basketball team natin dahil sa kanya. Ang gwapo niya kasi."
     "Korek ka dyan," segunda ni Kakai.
     "Kadiri ang taste nyo ha. Nasaan ang gwapo? Wala akong makita," sagot ni Jackie.
     Hindi siya pinansin nina Mona at Kakai kaya nag-concentrate na lang siya sa panonood ng laro. Hindi niya maiwasang sundan ang galaw ni Ramon sa court. Magaling kasi itong maglaro. Maliksi, madiskarte, at bawat bitiw ng bola ay siguradong shoot.
     Last 15 seconds. Dehado ang team ng kanilang baranggay ng isang punto. Si Ramon ang may dala ng bola at naghahanap siya ng mapapasahan. Mahigpit ang depensa ng kalaban kaya hindi makaikot ang kanyang team mates. Nang walang anu-ano ay tumayo si Jackie at sumigaw.
     "Iderecho mo na! I-shoot mo na! Shoot the ball!"
     Ganoon nga ang ginawa ni Ramon. Parang si Samboy Lim na lumakad sa ere at dumerecho sa ring. Napatunganga ang mga nakaharang na kalaban. Nakatiyempo si Ramon ng lay-up. Shoot!
     Nagtayuan ang mga katabi ni Jackie sa bleachers. Nagpalakpakan. Nag-cheer. May mga sumigaw pa ng "I love you, Ramon!"
     "Akala ko ba kontra ka kay Ramon, yun pala grabe kang mag-cheer sa kanya," sabi ni Kakai nang palabas na sila ng court.
     "Hindi lang para sa kanya yung cheer ko ha. Para yun sa buong team. Nagkataon lang na siya ang may dala ng bola. Kita nyo, panalo tayo," depensa ni Jackie.
     Simula noon tuwing magkakasabay o magkakasalubong sila ni Ramon sa kalye ay nginingisihan siya nito. Hindi ngiti kundi ngisi. Minsan may kasama pang kindat. Doon bwisit na bwisit si Jackie. Buti na lang at malapit na matapos ang bakasyon. Babalik na si Ramon sa Maynila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BASKETBALLWhere stories live. Discover now