LESSON 05- The Ex-Factor

41.9K 895 194
                                    

LESSON 05- The Ex-Factor

ISANG kulay pulang rosas ang nakita ni Olga na nakapatong sa kanyang desk pagkapasok niya sa kanilang silid-aralan. Nakakunot ang noo na dinampot niya iyon.

"Nagustuhan mo ba, Olga?" boses na nanggaling sa kanyang likuran.

"Dario..." bulalas niya nang makilala kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Malapad ang pagkakangiti ni Dario. "Sa'yo galing ito?" tanong niya na sinagot ng lalaki ng tango. "Hindi mo dapat ito ginagawa. May nobya ka---"

"Wala na kami ni Elizabeth," putol nito sa sasabihin niya. "Nakipag-break na ako sa kanya..."

"Ha? B-bakit?"

"Dahil ngayon ko lang napagtanto na hindi ko na pala siya mahal. Dahil ang mahal ko ay ang babaeng nasa harapan ko ngayon!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Olga sa tinuran na iyon ni Dario. Aaminin niya na kinilig siya sa sinabi nito. Si Dario pa lang kasi ang kauna-unahang lalaki na nagsabi sa kanya ng ganoon.

"Dario..." sambit na lamang niya dahil hindi niya talaga alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

Humakbang ng isa si Dario palapit sa kanya at ginagap nito ang isa niyang kamay ng dalawang kamay nito. Muli ay naramdaman niya ang init ng palad nito... ang tila boltahe ng kuryente na mula dito na gumagapang ng mabilis sa kanyang kaibuturan.

"Hayaan mong patunayan ko sa iyo na mahal talaga kita, Olga. Hayaan mong... ligawan kita!" kita ni Olga ang sinseridad sa mata ni Dario.

Pakiramdam niya tuloy ay idinuduyan siya sa mga sinasabi nito. Wala naman sigurong masama kung payagan niya ito sa nais nito na ligawan siya. Hiwalay na ito sa nobya. Wala rin naman siyang nobyo.

Nahihiyang tumango si Olga at tiningnan ang mapupungay na mga mata ni Dario. "Sige, Dario. P-pumapayag akong ligawan mo ako." Sa wakas ay nasabi niya rin.

-----***-----

"WHAT? Dario is courting you? For real?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alyson sa kanya matapos niyang ikwento sa mga ito ang panliligaw sa kanya ni Dario.

Naglalakad sila kasama sina Sabina at Lucy. Pabalik na sila sa kanilang silid-aralan mula sa canteen.

"Oo, nanliligaw sa akin si Dario. Dalawang araw na siyang nanliligaw," pagkumpirma ni Olga.

"Pero paano si Elizabeth?"

"Wala na sila ni Elizabeth..."

Tumango-tango si Alyson habang matamang nakikinig lang sina Sabina.

-----***-----

"BWISIT! Bwisit! Bwisit!!!" Gigil na sigaw ni Sabina. Nasa roof top silang tatlo nina Lucy at Alyson.

Kanina, nang sabihin ni Olga na nililigawan ito ni Dario ayaw niyang maniwala. Ngunit nang makita niya na magkasabay na umuwi ang dalawa kanina ay doon niya nakumpirma na nagsasabi ng totoo si Olga.

"Pwedeng kumalma ka lang, Sabina? Baka mamaya bigla mo na lang kaming itulak ni Alyson mula dito sa roof top!" pabirong saway ni Lucy sa pagwawala niya.

Wala namang estudyante sa eskwelahan dahil uwian na.

"Kung may ihuhulog man ako mula dito, ang malanding Olga iyon! Haliparot siya! Akala mo kung sinong mabait, iyon naman pala ay kiri. Santa-santita!"

"Hindi naman kaya imbes na magalit ka kay Olga ay kay Dario ka dapat magalit?"

"Anong ibig mong sabihin, Lucy? Na si Dario ang lumapit kay Olga? Baka si Olga ang lumandi kay Dario dahil desperada na siya na mapasakanya si Dario! Malamang ay magaling sa paglandi ang babaeng iyon!" Tumingin sa malayo si Sabina. "Magkaroon lang talaga ako ng pagkakataon, gaganti ako sa Olga na 'yan. Maghintay lang siya!" Ngingiti-ngiting turan pa niya na parang may ideyang naglalaro sa kanyang utak.

School Trip X3MWhere stories live. Discover now