Chapter Six "Wasn't your priority"

95 8 0
                                    

"Amuyin mo Kristine ang bango bango ano?"

"Ang bango nga, so kinikilig ka na! baka totohanan na yan ha?"

Nagpoker face ako. Binigyan kasi ako ni Rain ng perfume. E ano naman di ba? sabi nya kasi nahihilo sya sa amoy ng pabango ko. Damuhong yun limang libo kaya ang presyo nun -,- kaya eto binilhan nya ko ng perfume sa bench at ang bango bango... amoy lychee

"Asa!" tapos finocus ko na lang yung paningin ko sa nirereview ko para sa quiz mamaya.

Sinabihan ba naman akong panget ni Rain kagabi? E ano naman alam ko namang sinungaling sya at nagsasabi ng totoo ang salamin.MAGANDA AKO. MAGANDANG MAGANDA AKO

"Huy Reanne tama nang kakaday dream kay Rain tigil mo na yang pagrereview wala daw quiz!" tapos tinawanan pa ko ni Kristine "Tsaka best good manners naman o wag nakanganga kapag may gwapong teacher sa harapan!"

Pagtingin ko sa harap. syet na mainit teacher lang naman namin ang kapatid ni Riel. Si kuya Gerald urgh! what a life

"Best kapatid yan ni Riel!"

"Good morning class since Mr. Dela Fuente resigned ako na ang papalit as your Algebra prof, by the way call me sir Ge!" tapos tumingin sya pwesto namin tumungo ako para di nya makita leshe. Para naman akong kriminal

"Reanne!"

"Yes sir?" napasigaw pa ko at napatingin sila sakin. kakahiya

"best nakakahiya ka aba alam kong hawt si sir Ge pero wag hyper!" sabi ni Kristine. kung alam nya lang kung bakit ganto ako ngayon? naku baka nagtititili na din yan

"Dito ka pala pumasok so I think you are glad that I am your prof!" nginitian ko lang ng pilit si Kuya Ge este sir Ge na pala ngayon

Nagtime na and I was like tulala pa din. Sa lahat lahat ba naman bakit sya dito magtuturo?! aba malamang po dahil andito yung kapatid nya

"Babes, lets eat  sa cafeteria pinagluto kita di to bitter" sayang sayang sabi ni Rain para to laging nakakain ng asukal e

"Matapos mo ko sabihing panget at mabaho ang pabango ko tapos yayayain mo kong kumain! Ayoko nga baka may gayuma yan!"

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bakit parang nay libo libong langaw sa tyan ko ang lumilipad ngayon?! di ba dapat butterfly kung inlove ako sa kanya? ganun ba ko kadumi at langaw ang nasa tyan ko o gutom na lang talaga ako kaya kahit langaw gusto kong ilagay sa tyan ko..

"Nagpapatawa ka ba? mahuhulog ka sakin without potion ano? tsaka isa pa malay mo hulog ka na sakin di mo lang alam!'

Pwe ang yabang yabang

Nagpunta na lang kami sa cafeteria at umorder ng mainit na mainit na kanin. Grabe ang sarap ng luto nya inaamin ko na . sweet and sour fish fillet lang naman

"Gusto kong magshift ng course!" sabi nya sakin out of the blue habang nakahawak sa baba nya. bwisit pacute talaga kala naman nya cute sya. Payn cute na ayan nakukuha nya yung atensyon ng mga babae at binabae sa cefeteria sarap nilang tusukin ng baston ni Neptune

"oh bakit? nahihirapan ka dahil sa dami ng math na pinagaaralan nyo!"

"Sus Math lang? ang dali dali kaya haha what matter is gusto ko magkasama tayo para magwardyahan kita!" inirapan ko sya "Wag kiligin jinojoke lang kita para masweetan ka! Bitter ka talaga!"

tapos nagwalk out

"Bakit mo ko winowalkoutan? wala pang nagwowalk out kay Reanne Cruz!"

LOVE FROM LIE (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon