5

9K 229 3
                                    



"No, okay lang ako.." agad na iwas sa katrabaho. Nakitang hindi pa ito naniniwala ngunit desidido siyang iwasan ito nang maya-maya ay may nagsalita sa likuran nila.

"Aheeemmm..excuse me!" Tinig ng isang lalaki.

Paglingon niya ay nakitang naroroon si Mr. Johnson.


"Yes sir?" Agad na tanong rito. "Do you need something else.." agad na wika na tila ba customer ito.


Nakatitig lang ito ng masama sa katrabahong si Jack. Agad niyang nilapitan ito. "Hi Mr. Johnson. Anong ginagawa mo rito?" Ang inis ngunit pabulong na wika niya saka nagpatiunang maglakad.

"Nothing, just wanna see you. So I asked my confidant to know where you work. Anyways I'm looking for a baking powder," anito.

Tumingin siya ng matalim sa lalaki.

"What?" Anito na tila walang pakialam.

"I'm at work Mr. Johnson, can you please stay away. I told you, hindi ko gagawin ang gusto mo!" Aniya sabay hablot sa shelve ang baking powder saka inabot iyon sa lalaki at muling naglakad.

Muli siyang hinabol nito.

"Okay, fine. I'm not here to offer you..."

"Then what????" Inis na inis nang wika. Inis man ngunit di tuluyang maisigaw dahil nasa trabaho siya.

"Just to be friend of you.." ngiti pang wika nito.

"Sorry pero no space for a new friend. Marami na ako noon!" Aniya saka muling umalis ngunit agad siyang pinigilan nito. Hawak pa nito braso niya. Pilit niyang hinihila iyon.

"Aheeeemmmm Miss De Guzman, may problema ba?" Ang nagpalingon sa kanilang dalawa.

Nakita ang kanilang supervisor na si Mr. Marasigan.

"Ah...eh..." aniya sabay tingin kay Xian. "Nothing sir.." aniya.

Nang umalis na ang supervisor ay agad niyang piniksi ang kamay ni Xian. "Mr. Johnson, please leave me alone." Irap niya rito.

"Okay fine...be waiting for you.." anito bago siya biglang hinila nito.

Na-out balance siya at nuntik pang mangudngod ang mukha sa mukha nito. Bumulong ito.

Mas lalo pa niyang inirapan ito dahilan para mapangisi ito. Mabilis siyang lumayo at nakitang kumaway pa ang lalaki paglingon dito.

'Buwisit!' Inis niya rito.

Ngunit nang mawala na ang lalaki ay hindi niya maiwasang mapangiti. Guwapo ang lalaki, sobrang yaman babaero nga lang. She wonder kung bakit siya nito pinagtiyatiyagahang suyuin kung kaya naman nitong magbayad ng kahit sinong babae. Marami pang artista ang napapabalitang nali-link rito.

Nang matapos niya ang kaniyang shift ay agad niyang nilisan ang supermarket na pinagtatrabahuan. Pagod na pagod siya at ngalay na ngalay ang paa sa halos walong oras na nakatayo. Idagdag pa ang isip na hindi mapanatag gawa ng problema ng kanilang pamilya.

Nang makakita ng maaari niyang upuan ay naupo siya roon saka hinimas ang paa na kumikirot. "Ouch....sakit ng paa ko..." aniya sa sarili saka menasahe iyon.


"Do you need help?" Tinig sa kaniyang tabi. Hindi rin niya namalayan ang pagtabi sa kaniya nito.

Agad siyang tumingin rito ng makilala ang tinig nito.

"Mr. Johnson!" Gilalas niya.

Simpatikong nakangiti naman ito. Agad siyang napaupo ng tuwid.

"You look so tense. Relax ka lang. Let me do it.." anito sabay luhod sa harap niya at hinawakan ang paa niya.

"Wait!" Pigil dito. "Hindi na kailangan.." aniya rito. Nahiya naman siya. Isang milyonaryo at magmamasahe ng paa ng isang hamak na tulad niya.

"No! I insist.." anito sabay hawak sa paa niya.

Halos ma-freeze siya ng dumantay ang kamay nito sa kaniyang paa. Wala siyang nagawa ng magsimula na itong magmasahe ngunit nang muling tignan ito ay tila nag-init ang buong katauhan niya ng mapansing maiksi ang suot na palda at nakatitig ito sa kaniyang hita.

Sweet Temptation(Completed)Where stories live. Discover now