15: Angry Brother

705 50 5
                                    

"SANA SUMABAY ka na lang sa'kin, Ruma."

"Hindi pa ko gano'n katiwala sa'yo para sumakay ako sa car mo 'no," natatawang sabi ni Ruma, saka siya umupo sa katapat na lounging chair na kinauupuan ni Greco. Merong pahaba at mababang mesa sa pagitan nila kung saan nakita niyang nakapatong ang sketchpad at display drawing tablet ng lalaki. Ah, nasa lobby sila ng condominium kung saan sila parehong nag-i-stay ngayon. Pagpasok pa lang niya ng lobby kanina ay kinawayan na siya ni Greco kaya nakita agad niya ito. "Ohh. Nagawa mo ng digital art ang sketches mo kanina while waiting for me?"

"Yeah, I got here thirty minutes before you did," sagot ni Greco. "Bakit ang tagal mo?"

"Nag-car pool lang ako kasi mas mura 'yon kesa solo trip," sagot niya habang sinisilip ang drawing tablet nito. Iyon ang brand na gusto niya para kay Rabi pero expensive iyon. 'Yong gamit kasi ng kakambal niya ngayon ay non-display pa lang. Pero ang display drawing tablet ni Greco, meron nang kasamang malapad na monitor at puwede nang deretso sa screen mag-drawing mismo gamit ang pen niyon. "Medyo traffic do'n sa mga way na ni-request ng mga kasama ko sa kotse kaya natagalan bago ko nakarating dito."

Matagal ang naging pag-pitch niya ng Lady Lie Detector kay Greco kanina kaya inabot na sila ng hapon. Nagutom uli siya kaya nag-aya siya ng dinner. May ni-recommend itong steakhouse restaurant na malapit lang din sa fast food chain na pinanggalingan nila. Siyempre, hindi pa rin siya pumayag na sumakay sa kotse nito kaya naglakad uli sila.

Yes, ang daming hot spot ng mga trendy café and restaurant dito.

Habang nasa restaurant sila kanina, nai-sketch na ni Greco ang main characters niyang sina Ri at Strange. Iyon nga ang dahilan kung bakit tumagal din sila sa pagkain ng dinner. Sketch lang dapat 'yon pero dahil marami siyang comment, naging detailed na ang pag-drawing nito.

"What can I do to make you trust me, Ruma?" tanong ni Greco mayamaya. "Do I look like a bad person to you?"

"No, but I still have to be extra careful especially because I'm a girl," katwiran niya. "Don't be offended, Kuya Greco. Ganito rin ako ka-wary sa ibang tao. Lalo na sa mga lalaki." Napakamot siya ng pisngi nang ma-realize niyang hindi masyadong convincing ang mga sinasabi niya. "Pero alam ko namang mabait ka kaya nga buong araw na tayong magkasama, 'di ba? Inabot na nga tayo ng gabi, eh. Saka sa ilang oras na magkasama tayo, nakapag-coffee, lunch, at dinner na tayo." Tinapat niya rito ang suot niyang relo. "Look, it's already 8PM."

Umaliwalas ang mukha ng lalaki na parang nakuntento naman sa mga sinabi niya. "Oh, you have a point, Ruma. Anyway, I'll show you what I made while waiting for you." Kinuha nito sa mesa ang drawing tablet nito at kinalikot muna iyon bago inabot sa kanya. "Here. Half body pa lang ng main characters mo ang na-illustrate ko since nagpapalipas lang naman ako ng oras."

Kinuha niya ang drawing tablet mula rito at tinitigan ang illustration sa white canvas. "This is so beautiful, Kuya Greco," sincere na papuri niya, saka niya pinaraan ang daliri sa mukha ng characters niya. In the illustration, Strange was hugging Ri from behind. 'Yong school uniform na suot ng mga ito, nagmukhang soft ang texture dahil sa watercolor painting style na ginagamit ni Greco. "I really love your art style."

"Thank you."

"I can't wait to see more of your illustrations, Kuya Greco," excited na sabi niya. "Lalo na kapag sinimulan mo na ang webcomics natin. I can't believe that I found a good artist like you. And most importantly, pumayag kang maging partner ko."

"I'm glad we met here, Ruma," nakangiting sabi ng lalaki. "It feels good to have a new friend who appreciates and respects my talent."

Ngumiti lang siya at hindi na nakapag-react dahil may naalala siya. "Shoot. Kailangan ko nga palang tawagan ang parents ko," nagmamadaling sabi niya, saka niya sinoli ang drawing tablet kay Greco para kunin sa sling bag niya ang phone niya. "Excuse lang, ha?"

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt