CHAPTER 21

1.3K 41 0
                                    

"Hayaan mo na siya," Nakahawak sa balikat ng Beta ang dating Alpha habang nakatanaw sa anak na mabilis na tumatakbo palabas sa kanilang territory.

"Delikado. Hindi maaaring mawalay ng matagal ang isang Alpha sa pack nito." Nagaalalang tumanaw ang Beta sa unti unting naglalahong pigura ng Alpha.

"Kakayanin niya. Kilala ko ang anak ko."

-_-_-

SAMANTALA,  nakatanaw si Kaylee sa papasikat na araw. Bukas na ang Madugong digmaan at nalaman niyang umalis si Luke sa Blood Moon.

Hindi talaga nag iisip ang lalaki.

Napapailing na tumalikod siya sa magandang tanawin at nagsimulang maglakbay patungo sa kanyang kahaharaping problema.

"Maaaring ito na ang huling pagkakataong masilayan ko ang magandang tanawing ito."

=-=-=-=-=

"Alpha," sinalubong si Luke ng isang lalaking naka v-neck shirt at maong na kupas na pantalon.

"Anong balita?" Tinanggap niya ang damit na inabot nito at nagbihis.

"Sa ngayon, naagapan pa namin ang pagsasamantala ng mga Aubrey at mga Bampira sa mga inosenteng tao. Pero hindi talaga natin maiiwasang may masaktan at masawi. Tatlong tao na ang nawala samantalang isang warrior naman ang sugatan sa atin Alpha."

Tumango si Luke sa warrior at pumasok sa tent na ginawa ng mga ito. Naabutan niyang nagpupulong ang mga beta mula sa iba't ibang pack. Pinapalibutan ng mga ito ang isang pabilog na mesa.

Walang masyadong gamit sa loob ng tent. Tangging iilang upuan lang at ang mesa na may nakalapag na malaking papel na may mapa.

Mapa ng buong lungsod.

Binati ng lahat ang bagong dating tumango na lamang si Luke sa mga ito at tinignan ang mapa kung saan may isang maliit na ekis sa isang lugar na may ngalang Lei Forrest.

Itinuro ito ng isang Beta.

"Dito ang nagsisilbing hideout nila." Tinuro naman nito ang isa pang ekis na medyo may kalayuan sa unang ekis. "Dito naman ang hideout natin."


"So what's the plan?" Tanong ng isa pang Beta.

Sabay sabay na napalingon ang lahat sa nag iisang Alpha na kasama nila.

"Susugod tayo sa kuta nila."


-=-=-=-=-=-=


Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now