Spoken words 1

19 0 0
                                    

Ang hirap isipin na yung taong pinili mong mahalin eh yung taong pinili kang iwanan. mahirap kalimutan yung taong akala mo sya na, akala mo eto na yun, akala mo yun na yung taong hinihintay mo, yung taong nangakong mag sstay sa buhay mo pero hindi nya ginawa. bakit pa kailangan mangako kung di kayang tuparin? bakit kailangan pang pakiligin kung panandalian lang din? bakit kailangan mong paniwalain na mahal mo kung hindi naman? sana ganon lang kadali kalimutan yung taong kinalimutan kana, sana ganon lang kadali mag moveon sa taong nakahanap na ng iba, bakit ang unfair bakit ikaw nasasaktan pa habang sya masaya na? bakit sya okay na bakit ikaw hindi pa? bakit kelangan iwan kasa ere sana sinabi nalang kung ayaw na? sana sinabi nalang kung may iba na, sana sinabi nalang para sana makalimut na agad para sana makausad, pero hindi kahit ilang beses mong sabihin na kalimutan mo na kasi kinalimutan kana hindi mo pa din magawa, paulit ulit mong iniisip kung anong nangyare? anong dahilan? bakit? am i not enough for you to stay ganon ka ba kadaling iwan, ganon ka ba kadali kalimutan, pinasaya mo ng sobra pinaniwala mong ikaw na, binuksan mo ulit yung puso mo pero sinayang nya minahal mo sya pero bakit ganon sabi nya di ka nya sasaktan sabi nya hindi sya katulad ng iba alam nya yung pinagdaanan mong sakit sinabi mo sa kanya  pero bakit ganon? ginawa ka pa din nyang durugin.

Unspoken poems Where stories live. Discover now