Chapter 19: His Brother

99 3 5
                                    

19:

"K-kael, papaano-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa gulat ko ng idikit ni Kael ang kanyang daliri sa labi ko.

"Tara sa kotse, magkakasakit ka sa ulan." Hindi naman ako nagmatigas kaya sumama ako papunta sa kotse nya.

Pumasok kaming pareho doon at tsaka nya idinuhol sa akin ang maliit na twalya. "Punasan mo ulo mo, mahirap na ngayon magkasakit." Wala naman akong nagawa kaya tinangggap ko iyon at pinunasan ang buhok ko na nabasa.

Tinignan ko naman at ganon din sya nagpupunas ng sarili nya.

"So what are you doing here? Paano mo nalaman ang lugar na ito." Tanong ko sa kanya, gusto kong malaman kung anong ginagawa nya dito sa sementeryo, nagkataon lang ba na narito o sadya?

At hindi ko kailangan mabahala dahil hindi naman nya kilala si Michael. Hindi nya kilala ang past ko kaya hindi ko kailangan matakot dahil sa pagtago ko sa sekreto ko.

Nagkatinginan pa muna kami saglit bago sya bumuntong hininga, napakunot naman ang noo dahil sa ayos pa lang ng pagmumukha nya may sekreto syang kailangan sabihin sa akin.

"You still don't remember me? " Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya wait, what?

"What do you mean? " Nakita ko naman syang ngumisi at tinignan ako parang nangliit tuloy ako sa mga tingin nya. What the hell?!

"So, it's true. " Tinignan nya ako ng taimtim. "Na hindi ikaw si Jia, ikaw si Jeanie. Am i right? Jeanie Chen Yoon? " Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya, pa-papaano?

Napakagat na lang ako sa labi ko at aakmain kunin ang baril ko pero bago pa man iyon mangyari ay naunahan na ako ni Kael. Ang bilis nya.

Ang bilis ng kilos nya, mukhang pamilyar sa akin...

"Not so fast, Jeanie." Sabi nya habang nakangisi sa akin. Shit, hindi kaya isa syang spy na ipinadala ng Mafia Lord. Darn, bat ba ang pabaya ko? All this time hindi ko man lang napansin na si Kael ay isang espiya. At sa pagkakataon na ito alam na nyang nagpapanggap akong si Jia. I let my guard down, Shit.

Sumenyas naman sya na ibaba ko ang baril ko kaya naman wala akong nagawa kundi itapon ito sa back seat ng kotse. Nanatiling nakataas naman ang dalawa kong mga kamay habang nakatutok parin sa akin ang baril ni Kael.

I took a gasp at tinignan na lang sya ng malamig.

"So? " I coldly asked. "You win, ipapadala mo na ba ako sa Mafia Lord o ikaw na ang papatay sa akin? " Tanong ko.

Pero naningkit lang ang mga mata ko ng makita kong tumawa si Kael, halos naiiyak na nga sya sa tawa e. Well, opportunity ko na din ito para patumbahin sya pero may nagtutulak sa akin na hayaan ko na lang si Kael sa ginagawa nya. I think i'm hell out crazy.

"You think, espiya ako ng grupong iyon?" Nagtaka naman ako sa sinabi at sinimulan nyang ibaba yung baril nya. "Jeanie, hindi ako papanig sa mga taong pumatay sa kapatid ko." Sabi nya, kapatid? Sino bang kapatid ang tinutukoy nya? Kung hindi sya spy ng Mafia lord ibig sabihin kakampi sya? Pero sino ang kapatid nya.

"Kapatid, yung kinukwento mo ba sa amin ni mommy na kapatid mo na hindi mo pa nakikita simula noong naghiwalay sila ni daddy mo? " Tumango naman sya sa sinabi ko. "Patay na sya? Kaya ba nandito ka rin sa sementeryo? "

"Oo, Jeanie." Nalungkot naman ako dahil sa sinabi nya. Patay na pala ang kapatid nya? Nakakalungkot man isipin pero matagalwna syang nangungulila sa mga kapatid nya pero makikita na lang pala nya ito, nakalibing nasa sementeryo. "Ipaghihiganti ko ang pagkamatay nya. " Bahid sa itsura nya ang galit at sakit. Halos damang dama ko ang nararamdaman nya. Well in that case, i'll help him to fight with his revenge lalo na ang Mafia lord ang iisa sa dahilan kung bakit namatay si Michael.

"So, nasaan ang lapida nya? Gusto ko syang makilala." Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ni Kael na labis ikataka ko.

"Jeanie." Naging malungkot ang itsura at hindi sya makatingin sa akin ng diretsyo. "Jeanie, ang taong iniiyakan mo kanina ay ang kapatid ko." Parang binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa mga sinabi nya. M-magkapatid sila?!

"Si Michael Chan at Spring Lee, ay ang mga kapatid ko Jeanie." Halos hindi na ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

"At ako, matagal na kitang kilala. Sorry dahil ngayon lang ako nagpakilala pero ayuko na mag-aksaya pa ng panahon." Hinawakan naman nya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ako si Kael Lee, ako ang bestfriend mo noon, nung ikaw pa si Jia." Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa mga nalaman ko. Para akong nawala sa kawalan. Ito na naman nagsisimula na namang bumabalot ng misteryo ang buhay ko.

Sinimulan naman hawakan ni Kael ang ulo ko tsaka ako nginitian. "Ang laki na ng prinsesa ko. Hindi ko lubos maisip na gaganda ka ng ganyan, edi sana hindi na lang ako pumayag kay Michael na agawin ka sa akin." Banggit nya para mapakunot ang noo.

Sa mga sinasabi nya parang may bumubuong imahe sa isip ko, paunti-unti ay lalong sumasakit ang ulo. What the hell?!

Hindi ko na mapigilang mapasabunot sa buhok ko dahilan para hawakan ako ni Kael sa pareho kong braso.

"Jeanie, okay ka lang?" Nag-aalala pa nyang tanong sa akin. Gusto ko syang sagutin pero hindi ko makayanan dahil ang sakit ng ulo ko. A-anong nangyayari sa akin? "Jeanie?!" Halos mataranta na si Kael sa kakaisip. "Fuck." Rinig kong sambit nya at tsaka humarap sa manibela at pinaandar ang kotse nya. Paunti-unti lalo ng sumasakit ang ulo ko. "Jeanie, dadalhin kita sa ospital." Sambit ni Kael.

Feeling ko hihimatayin na ako sa sobrang sakit. Hindi ko maitindihan kung bakit sumasakit ng ganito ang ulo ko.

Mula sa pagdaing ko sa sakit ng utak ko may kung anong bumubuong imahe sa utak at sa puntong iyon biglang nandilim ang paligid ko at hindi ko na alam ang mga sumunod pang pangyayari.

To be continued....

-x-

IFILWAG 2: The Notorious Revenge.Where stories live. Discover now