26

1.2K 55 10
                                    

"Lori! Nakatulala ka nanaman dyan!"

Natauhan ako ng sigawan ako ni Felix. Napatingin ako sa kanya.

"S-sorry.."

"Hays. Ano ba kasing nangyari? Ba't ayaw mo ikwento sa akin? Magkaibigan naman tayo eh.."

"S-sus. Sabi ko nga na may tinapos ako at late na ako nakatulog kagabi.."

Sabi ko. Di ko kayang sabihin sa kanya. Panigurado akong magagalit sya sa akin at mas lalo na kay Minho sa oras na sinabi ko sa kanya.

"Sorry, Lori. Di na dapat kita pinilit sumama kahapon.."

Sabi ni Felix. Bigla ako napatingin sa may labasan at pasukan ng canteen at nanlaki tong mga mata ko ng makita ko si Minho. Napatingin rin sa akin si Minho at agad ako napatayo.

"Aalis ka na? Pero di ka pa ta---"

Di ko na pinatapos si Felix. Agad ko kinuha gamit ko at kumaripas ng takbo palabas ng canteen. Shet! Ba't kailangan nya pang magpakita sa akin!?

Lumingon ako upang tignan kung sinusundan nya ako. Tangina ba't natatakot akong makita sya??

"Lori?"

Pagtingin ko sa harap ay nagulat ako ng makita ko si Chan. Di ko sadyang mabangga sa kanya at agad naman nya ako sinalo.

"S-sorry! Di-di ko sinasadyang banggain ka..."

Tatakbo na sana ulit ako palayo pero agad nyang hinawakan kamay ko upang pigilan ako.

"Ok ka lang? May humahabol ba sayo?"

Magsasalita na sana ako kaso may biglang humawak sa isa kong kamay. Pagtingin ko sa likod ko ay nanlaki nanaman tong mga mata ko at kasabay nun ang pagbilis nitong tibok ng puso ko ng makita ko si Minho.

"M-minho---"

"Kailangan kitang makausap."

Sabi nya at hinila ako papalayo kay Chan. Shet?! Anong pag-uusapan namin?? Yung tungkol ba dun sa ginawa nya kagabi?! Iniisip nya ba na nagustuhan ko yon?!? Pota help me!

Dinala nya ako sa may quadrangle ng school. Binitawan nya na yung kamay ko at tinignan ako ng seryoso.

"Lori, alam mo naman siguro kung bakit gusto kitang makausap."

Panimula nya. Literal akong napalunok dahil sa kaba. Shet! Kailangan ko ng umalis! Sobrang seryoso ng kanyang mukha at maya-maya nagtaka nalang ako ng bigla syang magpout sa akin. P-pota??

"Pwede bang samahan mo ako mamayang uwian?"

"E-eh??"

Nagtataka kong sabi. Napahinga naman sya ng malalim at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya.

"Hays. Nakipagbreak na sa akin yung gf ko kagabi. Nahuli ko syang nakikipaglandian sya sa iba.."

Sabi nya. Di ko alam kung maaawa ba ako sa sitwasyon nya ngayon o magiging masaya dahil di nya naaalala yung nangyari kagabi?

"S-san naman kita sasamahan?"

"Kahit saan. Basta magkita nalang tayong uwian. Bukas mo nalang ako turuan."

Sabi nya. Tumalikod na sya at maglalakad na sana palayo pero tinawag ko sya.

"Sandali.."

Sabi ko. Lumingon ulit sya sa akin.

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

Di mo ba naaalala yung nangyari kagabi?

"W-wala. Sige, mauuna na ako."

Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko kung san ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso. Napahinga muli ako ng malalim.

Mas mabuti ng di nya naaalala. Lasing lang sya nun kaya nya yun nagawa..

...

an: eyy! stray kids is having their comeback and i'm soooooo excited hihi!! aaa i can't waitttt! #iamyou



TUTOR. Where stories live. Discover now