Chapter 1: The last piece

6 1 0
                                    

The Professionals
by: Rejmon

*****

—The Last Piece—

MASASAYANG naglalakad ang mga tao sa loob ng perya. Ang iba ay sumasali sa mga patayaang palaro at ang iba naman ay sumasakay sa mga iba't-ibang rides. Ngunit ni-isa sa kanila ay hindi manlang nakarinig ng mga sigaw.

"BITAWAN NINYO A—Hmmpp!!" Nakakabinging sigaw ng isang dalaga. Ngunit agad ding natahimik ng busalan ang kaniyang bibig ng makapal na tela.

Halos mamatay-matay na siya sa kakaubo dahil sa pagkasamid ng sariling laway.

Pilit niyang ginagalaw ang kaniyang katawan para lumuwag ng kaunti ang pagkahawak sa kaniya. Subalit sa tuwing gagalaw siya ay mas lalo pang humihigpit ang pagkahawak sa kaniyang mga paa at kamay.

Hanggang sa paunti-unti ay nawawalan na siya ng lakas at pagasa na makakalis pa.

Nakakamatay pala talaga ang pagiging kuryuso. Kung hindi nalang talaga siya nagpatintal ay wala sana siya ngayon sa kaniyang kinalalagyan. Hinding-hindi niya malilimutan ang katagang naging dahilan sa kaniyang dinanas ngayon.

"The prize is right, but you need to compete before you get it. Once you enter no backing out."

Pumunta lang naman siya sa tent na'to para malaman kung totoo ba ang nakasulat sa taas. At nang walang taong sumagot sa kaniya ay sinubukan niyang pumasok sa loob ng tent.

"Tao po."

Ang kaniyang paulit-ulit na sinabi ngunit wala paring sumasagot at nang libutin niya ang kaboonan ng loob ay pawang kadiliman lang ang kaniyang nakikita sa loob.

Fortune teller ang nakapangalan sa itaas ng tent. Ngunit ang nakapagtataka ay bakit wala manlang kandila para magbigay ng liwanag sa loob kaya sobra siyang nagtataka.

"Ay! Baka scam lang 'to," sabi pa niya sa kaniyang sarili. Baka prank lang ng mga taga perya.

Nagsasayang lang pala siya ng oras para rito dahil wala naman pala siyang mapapala. Akala pa naman niya swerte siya ngayong gabi.

Ngunit nang ihahakbang na sana niya ang kaniyang kanang paa para umalis ay bigla nalang nabitin ito sa eri.

Sa hindi niya malamang dahilan ay biglang nagsitayuan lahat ng buhok niya sa batok parang may biglang dumaan sa kaniya kaya napayakap siya sa kaniyang sarili dahil sa dulot nitong lamig.

Pano kung may multo pala sa tent at biglang magpapakita sa kaniya. Tapos hahawakan ang kaniyang mga paa at kamay.—Parang mahihimatay ata siya ng wala sa oras.

Grrrr!

Hahakabang na sana siya ng biglang may lumapat sa mukha.

"Papel? Isang perasong papel? ano ang gagawin ko nito?" Sa hindi niya malamang dahilan ay agad nitang kinuha sa kaniyang bulsa ang tinatagong mumurahing cellphone.

"Occupation? Trabaho ba ibigsabihin nito?" Napaisip si cheska. Dahil maging siya ay parang nakalimutan kung ano ang pangarap na maging tanyag.

"Guro," Sambit niya at napailing na binitawan ang papel.

"M—may tao po ba rito?" Nauutal niyang tanong. Hanggang sa lumipas nalang ang sigundo, at naging minuto ay wala paring sumasagot.

"Baka guni guni-guni ko lang 'yon," bulong niya. Muli siyang napailing. Ngunit agad din siyang  napahawak sa sariling dibdib dahil sa biglaang kaba na naramdaman.

The ProfessionalsWhere stories live. Discover now