Chapter Six

1 1 0
                                    

Maaga syang nagising ngayon mabuti na lang at wala syang pasok sa office, kaya nakapag workout agad sya. She actually have a meeting later with her parents, pero sa ngayon alone time na muna nya ito. Kaso hindi nya inasahan na may tatawag sa kanya ng ganito kaaga, and it's an unknown number.

"Hello, Ariella Marasigan speaking, sino sila?"

"Ariella, it's Ice Mendoza. I just want to inform you na nakauwi na kami ni Xyelen."

And she instantly dropped the call at pumunta sa airport, and on her way there she also saw Bella kaya sinabay na nya ito.

"Finally umuwi na rin ang bruha, how long has it been?"

"Two years Bella, ganon sya katagal na nagpahinga sa ibang bansa."

After three hours nakarating na din sila sa airport, sobrang haba kasi ng traffic sa Philippines! Minsan talaga gusto na lang nyang manirahan sa ibang bansa, at least hindi sya laging maiirita sa traffic.

Sa totoo lang ang laki ng pinagbago ni Xylene, she look eevn more mature than ever. Pero may isang bagay ang hindi nagbago sa kanya, iyon ay ag pagiging sakitin at mahihiluhin. Kaya pinunta na muna nila ito sa headquarters para makapag pagaling, at sya naman ay pumunta sa muna sa meeting nya with her parents.

Alam nya na may meeting ngayon ang Girlfriend nya, kaya she used this as an opportunity to go cheak on his sister. Sabi kasi nila na makakatulong kung kakausapin mo ang patient kahit tulog ito, and that's what he's planning to do. Dahil hindi parin naman nya na kakalimutan ang agenda nya sa relationship nilang dalawa, and that is to fine out if she is connected to the accident three years ago.

Medyo malayo ang kwarto ng kapatid nya para iwas paparazzi narin, because his sister is a famous model. Hindi din makakatulong sa image ito kung mahahanap sila ng press, kaya kahit malayung lakaran ayus lang sa kanya.

Maya maya pa ay nakarating na sya sa room 328, nakita nya na walang pinagbago ang kapatid nya. Marami paring tube sa katawan nito, nakasaksak parin ang breathing machine at umaasa parin sila na one tatanggalin iyon dahil gising na ito.

"Sis, alam mo sinimulan ko na yung plano ko sa kanya. I made her my girlfriend, the next step would be digging the truth out of her. And after that I'll breakup with her, wala naman na kasi akong kailangan sa kanya."

Wala na syang pakialam kung may makakarinig sa kanya, basta sigurado na sya sa plano nya. Bukas makikipag date ulit sya kay Ariella, pagkatapos ay wala na talaga silang ugnayan.

Sigurado sya nababatukan sya ni Hera pag gising nya, pero sa mundong ginagalawan nila you shouldn't form any attachments. Para hindi ka masaktan ng husto, ika nga nila prevention is better than cure. Tumagal pa sya ng dalawang oras, kaso natapos na ang visiting hours kaya umuwi na din sya.

Habang pauwi sya hindi nya naiwsan na makonsensya, lalo na ng tumawag sa kanya si Ariella. Natawa na lang din talaga sya, hindi nya inakala na may konsensya pa pala sya. Siguro nga nagiging monster na sya sa mga ginagawa nya, but what can he do? He wants justice for his sister!

"Saan ka nag punta, Nigel?" He was shocked to see his father awake at this hour, kadalasan kasi tulog na ito pag ganitong oras.

"Dinalaw ko lang po si Hera."

"You miss her too I guess, at gusto mo narin mahanap kung sino ang may kagagawan sa accident na iyon. But that doesn't mean na pwede mo ng madaliin ang mga bagay bagay anak, lahat ng bagay may tamang panahon." Nagulat sya sa sinabi ng Papa nya.

Hindi kaya may alam na ito sa mga ginagawa nya kay Ariella? Pero paano naman malalaman ng Papa nya ang tungkol sa bagay na iyon, hindi na nga ito magkandarapa sa opisina. Napakamot na lang talaga sya ng ulo, hindi na lang muna nya binigyan pansin ang mga sinabi nito.

Umakyat na lang sya sa kwarto nya at naligo, para rin maging klaro ang isipan nya. Kaso hindj nakatulong ang pagligo, kaya pinili na lang nyang tapusin ang mga paperwork na pinasa ng secretary nya. And it helped him kahit papano, but it only last for a short period. Kaya tumawag na lang sya sa Girlfriend nya, saglit lang kasi silang nag usap kanina.

"Hey, tulog ka na?" Tanong nya rito hoping na hindi ang sagot.

"Not yet kakatapos ko palang mag shower, tapos may pinapagawa pa ang finance department sakin na ipapasa bukas." Pareho silang workaholic to be honest, kaya siguro sila nag match sa isa't isa.

"Ahh... I see, saan ka nga pala nagpunta kanina?" Curious lang din talaga sya.

"Sinundo lang namin yung kaibigan ko, nakauwi na kasi mula London."

Sa totoo lang kumakalma sya kapag kausap nya si Ariella, at bahagya na syang natakot sa mga nangyayari.

"Ah.... Sige may gagawin pa kasi ako, bukas na lang mag date ulit tayo ok?" Sagot nya at binaba ag tawag.

At ramdam na ramdam nya ang kabog ng dibdib nya, na kahit pa sabihin na tumitig sya sa mga paperworks ay hindi kumakalma.










Medyo weird ang boyfriend nya ngayon, una hindi man lang ito nagparamdam buong araw, tapos ngayon pinutol agad ang tawagan nila. He might have his own reasons too, but there's still something that bothers her. Kaya tinawagan na lang nya ang osa sa mga kaibigan nya, kung kasama pa sana nila si Rachael sa kanya na sya hihingi ng advice.

Maya maya pa ay nag ring na ang cellphone ng tinatawagan nya, hopefully makatulong ang taong ito sa problema nya.

"Anong problema mo this time?" Halata sa boses ng taong ito na ayaw syang kausapin, pero sya lang sa ngayon ang pwede nyang lapitan.

"Pano kung bigla na lang pinatay ng boyfriend mo yung call, what does that mean in your perspective?"

"SERIOUSLY SAKIN MO PA TINANONG YAN? HINDI PA NGA AKO NAGKARON NG GIRLFRIEND DIBA? But if that's the case bakit pagod lang talaga sya, or somehow nagkaka gusto na sya sayo." Minsan talaga ang O.A. ng kaibigan nyang ito, but she have to admit it helped her a little.

"Sige salamat sa tulong Kurt, good night."

Then she cut the call, pero hindi nya maiwasan na mag duda sa sinabi nito sa kanya. Dahil kung wala pa talaga itong girlfriend, bakit parang sigurado ito sa advice na binigay nya? Sana lang wala itong tinatago sa kanila, dahil ayaw nyang maulit ang nangyari noon.

(Wala na munang mahabang drama mula sakin, bukas triple updates gagawin ko. Pang bawi na din sa inyo, and to also hopefully matapos na din ito. And I might change the cover for this series, as always have a good day ahead Angels.)

Heaven Series: Black Libra's Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon