My Four Year Unrequited Romance

751 8 5
  • Dedicated kay "Mika"
                                    

*Based on a true story.

Hindi ko alam kung saan magsisimula. San ba? Kasi, kahit san ako magsimula, sa huli, ako pa rin ang talo. This is such a cliche story, by the way. Pero kahit gaano ito ka-cliche, hindi niyo pa rin makakaila, na kahit ilang beses kayong magbasa ng Girl-Loves-Boy-Who-Doesn't-Love-Her-Back story, masakit pa rin sa parte ng Girl---AKO.

Hi, I'm Ela, and I am in love with Rye since day one.

---

"Ela, penge naman!" Ngumiti si Rye sakin at inabot ang nakabukas niyang palad. Piattos ang hawak-hawak ko nun. "Penge, pwede?" Ngumiti ulit siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang humihingi siya saking ng Piattos.

Rye Andrew Sanacova. Hindi siya gaano ka-gwapo. Hindi siya kasing-tangkad katulad ng mga Grade Six ngayong school year, pero, mas matangkad pa rin siya kaysa sa akin. Pang old-fashioned ang buhok  niya, ang bangs niya nakakalat, hindi siya ganun ka-maporma. Sa unang tingin, hindi mo talaga aakalain na manghihingi siya sayo ng Piattos.

Pero humihingi siya ngayon.

"Eto oh." Binigyan ko siya ng anim na piraso ng Piattos.

"Thanks, Ela. Ang bait mo talaga." Tapos kinurot niya ang pisngi ko saka siya tumakbo paalis.

"Uyyyy, Ela! Rye ka na pala ngayon? Kailan pa?" Tinukso ako ng kaibigan kong si Cindy. "Hi Ryeee!"

"Hindi 'no. Nanghingi lang siya ng pagkain sakin." Tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang tinulak.

"Nanghingi? Kailangan bang araw-araw manghingi? At sayo lang talaga?" Hindi ako nakasagot. "Sus, baka maging kayo na niyan ah!" Umalis si Cindy.

Kami? Ni Rye? Tss, imposible.

~*~

"Ela, honeymunch ba yan? Penge ah!" Kinuha ni Rye ang Honeymunch at kumuha ng isa. "Thank you ulit!" At gaya ng nakagawian, pinisil niya ulit ang pisngi ko at tumakbo palayo.

Araw-araw, ganyan siya palagi sakin. Kaya araw-araw, mas lalo akong nagbaon ng maraming Piattos at Honeymunch. Araw-araw, sinisigurado ko na may dala akong pagkain. Araw-araw. Araw-araw, mas lalo na akong nahulog kay Rye Andrew Sanacova.

Naging totoo ang tuksuhan nila sa akin. Sa kanya, kaya?

Hay. Parang heaven na ang araw-araw ko. Gan'to pala ang crush? Yung simpleng "Hi", parang "I love you" na! Ganun ang epekto ni Rye sa akin. Pero hindi ako nagpapahalata. Hindi pwede! Nakakahiya. Kung pwede lang na ibigay ko ang Honeymunch at Piattos sa kanya para mahalin niya ako, ginawa ko na.

"Ela, musta na kayo ni 'Honeymunch'?" Lumapit si Cindy. Alam niyang crush ko si Rye. "Sabi ko sayo made-develop ka din dun eh!" Nginitian ko lang siya tapos tumingin ako kay Rye na nagva-volleyball.

"'Lam mo, parang gumagwapo ata siya ngayon." Sabi ko kay Cindy. Ngumiti naman siya.

"Sa mata mo lang yan!"

"Ewan ko sayo!"

Totoo naman eh. Gumagwapo talaga siya. Hay sana hindi na lang magtapos ang Grade Six, parang gan'to na lang parati. Siya at ako. Siya humihingi ng Honeymunch, tapos ako ang tagabigay, siya pinipisil ang pisngi ko. Sana ganun na lang, ano?

*One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon