Chapter 28

9.7K 274 15
                                    


Past.

Me:
Tagal mo lolo. Where are you?

Lolo Klio: Keep calling me that and I'm going to tie you up tonight.

Me: Ohh! I can't wait lolo :P

Anya bit her lips to stop from giggling in the end found herself smiling from ear to ear after replying to Klio's text messages.

Epic talagang maasar ang kumag. Mula ng malaman niyang teenager pa lamang gusto na siya nito, it became her habit to tease him about his age.

Inis na inis ito kapag tinatawag niyang lolo mariin ipinagpipilitan that six years age gap is not that big of an issue, na sasagutin lamang niya ng: "We? 'Di nga?" Hanggang ang munting asaran ay mauwi sa lambingan at siyempre alam ninyo na...

Lolo Klio:

Stop calling me lolo! I'm here at the parking lot wait for me in front of the fountain, baby.

Dumiretso nga siya sa fountain ng mall na matatagpuan sa gitnang bahagi ng groundfloor. It was a huge fountain na umaabot sa fifth floor ang itinataas ng tubig. Of all the places, doon pa talaga napiling makipagkita ng lalaki. Ang cheesy din.

Ngingiti-ngiting pumuwesto siya sa isang bench at pinanood ang mga taong nagdadaan. Sabado ngayon kaya matao, kapansin-pansin din ang magkakasintahan na tila may kanya-kanyang mundo na walang ibang nakikita kundi isa't-isa.

Oh well, mayamaya for sure mapapasama na sila sa bilang ng lovebirds doon. Hindi naman sila totally showy sa pagpapakita ng affection sa isa't-isa sa harap ng ibang tao, it's just that mula nang maging magkasintahan mas nadoble ang sweetness ng binata na siyempre kahit paano tinatapatan niya ng same level. Ayaw naman niyang may maipuna ang lalaki sa kanya pagdating doon. Besides, sino siya para pagdamutan ito ng pagmamahal at lambing? She was in love and she even thought that she was lucky enough to be given a chance to be with him. Oo nga't wala pang mahal kita namamagitan sa kanilang dalawa pero naniniwala siyang darating din ang takdang panahon upang masabi nila sa isa't-isa ang katagang iyon. Habang wala pa, sasamantalahin niya ang pagkakataon kapiling ang kasintahan upang paibigin ito.

Isa pa, siya pa ba ang mag iinarte? Napakasuwerte niya at ito ang kanyang nobyo. Bukod sa malambing, understanding at maasikaso marunong itong magpahalaga sa Babe Time nila. Natutunan niya ang term na iyon kay Lola Xandra na Hon Time naman ang tawag sa alone time nito sa nasirang asawa. Isang yaya lang kasi kay Klio magdate go kaagad ito kahit nasa trabaho pa. Well, wala naman talagang pasok pero may naiwan itong pipirmahan papeles sa WSM. The thought na handa itong i-set aside lahat--maging ang trabaho alang-alang sa kanya ay nakaka-boost din ng morale as his girlfriend. At least, he knows how to prioritize.

Fifteen minutes later and he still hasn't come. Shit! Baka kung napaano na si Klio. Kailangan mahanap niya ang boyfriend dahil nag aalala na siya rito. Hindi nito ugaling ma-late sa kanilang usapan! It was very unusual of him kaya nang lumipas pa ang limang minutong wala ito ay may pag-aalalang tumayo na siya at tinalunton ang daan patungong exit ng may bumunggo sa kanyang balikat.

"I'm sorry, Miss. Are you okay? Nasaktan ka ba?"

"N-No, I'm fine. I have to go--"

"Wait... Anya Bettina Buena?"

She was caught off guard when the man called her name. Pamilyar ang boses ng lalaki ngunit ayaw i-process ng kanyang utak na ito talaga ang nasa kanyang harapan. Ngunit sa pag angat ng tingin at masalubong ang mata nito lalo lang tumibay ang hinala niya.

"P-Professor."

Ngumiti ng malawak ang kaharap.
"I'm glad you still remembered me. Drop the professor, Marcos na lang. Parang wala tayong pinagsamahan niyan,"makahulugang usal nito na hindi niya nagustuhan.

Maniego Series: When Love And Hate CollideWhere stories live. Discover now