Chapter 13: Safe haven

109 2 0
                                    

• The bad girl's love •

#TBGL13

Chapter 13: Safe haven

*

"You're a bitch!" Singhal sakin ni Ahri bago hatakin para yakapin. Ginantihan ko naman ang yakap niya.

I miss my girl.

Aksidente lang ang pag kikita namin ngayon dalawa sa mall. Kasama niya ang panganay nyang si Eurika. Grabe, hawig na hawig sila. Ang gandang bata.

"It's been what 5 years since I last saw you. Ni wala man lang akong balita sayo. San ka ba nag tago?" Tanong niya sakin habang nakain kami ng ice cream sa foodcourt. Kaharap ko sya at katabi naman niya ang anak niya.

"Somewhere.." Sagot ko, hindi pa ko handang buksan sa kahit na sino ang mga masakit na nangyari sa akin, kahit na sa bestfriend ko pa.

Marami na kasing nag bago. Pain changes people. Pag nasaktan ka kasi parang ang hirap na mag tiwala ulit.

"Anyway, buti na lang at nakita kita. Hindi ka naging ninang ng Eurika ko kaya ninang ka nalang ng bunso ko." Aniya at inabutan ako ng invitation card.

Napatingin naman ako dun, nakaramdam ako ng inggit. Sana may anak na din ako ngayon.

"Sure!" Maligayang sagot ko dito, we bid goodbyes to each other after that.

Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko.

Isinubsob ko yung mukha ko sa manibela at dun umiyak.

Hindi ko na kasi kaya. Dapat may anak na rin ako ngayon e. Sobrang sakit kasi hindi ko kayang umusad. Parang may nawalang parte sakin na hindi na mababalik.

Inangat ko ang ulo ko ng may kumatok sa bintana ng kotse ko.

Napakagat ako sa labi ko ng makita ko si Cade. Dali dali akong bumaba sa kotse ko at niyakap siya.

"C-cade, s-sorry nawala ko siya. Nawala ko ang anak natin." Humihikbing bulong ko sakanya. Tumigas ang katawan niya at napasinghap siya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Hindi mo yun kasalanan, Nics. Magiging okay din ang lahat, promise." Aniya pero umiling ako at tinulak siya palayo.

"Cade makinig ka!" Bulyaw ko dito,

"Nawala yung anak natin dahil sakin. Kaya magalit ka sakin kasi wala kong kwentang ina." Lalapitan nya sana ako pero tinulak ko ulit sya.

Hindi na ko nag abalang punasan ang mga luha ko dahil hindi rin naman sila natigil.

"Nics, makinig ka--"

"Ikaw ang makinig!"

Huminga ako ng malalim pilit kinakalma ang sarili.

"Cade, wag mo na kong guluhin. Maging masaya nalang tayo sa mga pinili natin desisyon sa buhay." Mahinahanon sambit ko dito at pumasok na sa kotse ko.

Agad kong pinaharurot yun.

I'm so done with Cade.

Pag kapark ko ng kotse ay dali dali akong bumaba para makapasok ng bahay ng hatakin ako ni Cade.

"Ano ba?!" Naiiritang sigaw ko. Timping timpi na ko sa kakulitan ng lalaking to. Hindi naman ako hipokrita, mahal ko pa si Cade at masarap sa pakiramdam yung hinahabol habol niya ako pero di rin ako tanga. Maaring mangyari ulit ang nangyari dati. Ayaw ko na masaktan.

"Nicole please naman, wag ganto." Aniya pero umiling ako.

"Cade mali tong ginagawa mo. Hindi ka pa ba natuto? Nag kamali na tayo dati. Tama na yun." Mahinahon kong sagot dito.

Hinawakan niya ang nga kamay ko at dinala sa labi niya.

"Nicole, please. Last na to. Pag tapos nun titigilan na kita."

Nakapagat ako sa labi ko. Naramdaman ko ang sakit sa puso ko.

Diba ito yung gusto ko, ang tigilan niya ako pero ngayon na ibibigay nya na to parang gusto kong lumuhod sa harap niya at mag makaawa na huwag niya akong iwan. Nararamdaman ko parin na ako pa yung desperadang Nicole dati.

Hindi ko alam kung bakit tumango ako sa sinabi niya. Mas matimbang parin talaga ang pag mamahal ko kaysa sa galit ko.

"Hihintayin kita dito." Wika niya at tumango ulit ako.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nag empake ako ng ilang mga damit at mga gamit at dali daling lumabas ng bahay. Baka maabutan pa ako ni kuya Miel at hindi pa ako maka alis.

Sinalubong ako ni Cade sa gate at kinuha ang dala dala kong bag. Inilagay nya yun sa backseat ng kotse niya at pinag buksan ako ng pinto sa harap.

Tahimik akong pumasok dun. Nag tatalo ang isip at puso ko kung tama ba tong ginagawa ko.

Tahimik lang din ang byahe namin ni Cade. Hindi ko alam kung san kami pupunta, basta ang alam ko lang mag tataggal kami dun ng tatlong araw. Huli na ito. Huling pag papakatanga sa lalaking mahal ko.

"Nicole, may gusto ka bang kainin?" Malamyos nitong tanong pero umiling lamang ako. Wala ako sa mood para sa lahat ng bagay. Kung dati ay pag kasama ko si Cade nag uumapaw ang kasiyahan ko ngayon hindi. Naiinis ako sa sarili ko.

Dahil matagal ang naging byahe hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising lang ako ni Cade.

Inilibot ko ang paningin ko. Pamilyar sakin ang lugar na ito, ito din yung pinag dalhan sakin dati nung Cade nung hinatak niya ako paalis sa party ni Vance.

"Did you like it?" Tanong niya,

Malaki ang pag babago ng lugar. Kung dati ay puros buhangin lang ang makikita ngayon ay may mga nipa hut na sa paligid, agaw pansin din ang white tower sa malayo. Nag hahalo na ang liwanag sa dilim, kumikinang ang paligid dahil sa mga alitaptap na lalong nag pamangha sakin.

"C-cade, ano ba ito?" Tanong ko,

"This is my safe haven, babe." Matamis niyang sagot at inilahad sakin ang kamay. Agad ko naman yun tinanggap.

Gusto kong maiyak. Pangarap ko lang ito dati, ang makasama si Cade ng walang kaagaw at kahati.

"Why are you crying?" Nag aalalang tanong niya, umiling ako.

Sa dami ng pinag daanan kong masasakit na karanasan dahil kay Cade sa huli ay sya parin ang magiging gamot ko. Nakakatawa lang dahil sya yung gusto kong takbuhan pero para akong magnet na hinahatak pabalik sakaniya.

Mahal na mahal ko ang lalaking to. Higit pa sa pag mamahal na natanggap ko sa buong buhay ko.

Wala na akong gusto pang makasamang iba kundi sya lang.

Marahan niyang pinunas ang mga luha ko at hinawakan ako sa kamay.

"May ipapakita ako sayo, let's go." Sabi nya at hinatak ako papunta sa tower.

Napatingin ako sa kamay namin mag kahawak.

Sana hindi na matapos ang araw na to.

~to be continued

**

The bad girl's loveWhere stories live. Discover now