Road Work

55 0 0
                                    


Nagta-trabaho ako sa isang publishing company dito sa Maynila malapit lang kung saan ako naninirahan. Isang sakay lang ng jeep, sampung minutong biyahe't bababa na ako sa mismong building kung saan naka-locate ang office.


Ngunit, kahit na maaga akong magising (7 a.m ang aking oras ng pagpasok, at kung minsa'y gigising ako ng 4:30--sapat na oras lang upang gawin ang lahat at maghanda para sa araw), at kahit anong bilis kong kumilos--nahuhuli pa rin ako ng pasok, kahit na kaunting minuto lamang. Yun na nga eh. Pwede namang before 7 o 7 a.m sharp andoon na ako sa harap ng opisina, bakit kailangan pang may 5 to 10 minutes late? 


Bakit nga ba?


Paano ba naman, lagi na lang trapik sa araw-araw na bumibiyahe ang mga sasakyan. Ma pa-jeep, ma pa-taxi, SUV, kahit tricycle pare-parehos lang na ta-trapik o kung mabagal ang pag-usad ng trapik. Dahil kasi sa mga daan na sarado, mga daan na ginagawa sa bawat dalawang minutong aandar ang daloy ng trapik. 


Makikita ang daang binungkal nanaman, sinira, sabay mga sako-sakong semento, trak, kung minsan yung mga manggagawa na maaga nang gumising para masimulan agad ang paggawa sa daan kahit na hindi naman ito agad-agad na matatapos kahit anong gising pa nilang maaga. 


Nagtataka ako minsan na parang maayos naman ang daan? Bakit kailangang sirain at gawin muli? Samantalang maraming ibang lubak-lubak na daan ang dapat ngang bigyan ng atensyon? Minsan nga'y maayos at makinis pa ang daan, matapos lang ng ilang buwan ay andiyan nanaman ang mga manggagawa. 


Minsan nama'y may naka-sabit pang tarpaulin doon sa harang na "THIS IS A PROJECT BY ______" at napapangiti na lang ako dahil hindi ko rin maisip kung bakit kailangan pang ipagmalaki ang road work project na maayos naman at hindi nanaman kailangang galawin. Buti sana kung ang 'project' ay magkaroon ng sistema o paraan upang linisin ang mga kalsada araw-araw na siyang makakatulong magpanatili ng maayos na daan. 


Hay... kelan ba matatapos ang mga 'road works' na ito? Mukha yatang sa bawat sikot ng sasakyan ay may panibagong ginagawang daan o kaya naman 'inaayos'? 

The Art of Philippine SocietyWhere stories live. Discover now