Chapter 29

108 6 2
                                    

Kailey's POV

"Kailey galawin mo naman 'yang pagkain mo" nabalik ako sa realidad ng bulungan ako ni Kuya.

Its been a week, Isang linggo na simula nung lahat ng nangyari, pero nandito pa rin yung sakit. Iniiwasan ko na din si Zach para totally na makapag move on na ako pero mahirap pa rin talaga.


Kumakain pala kami ngayon dito sa canteen, nagmadali lang kami kanina dahil natagalan akong magising, masyado na yata akong wala sa sarili pati pagpunta namin dito sa school hindi ko na alam ang ginagawa ko.



"Don't think too much lil sis, or should I say don't think about that fuckin' bastard" Napailing nalang ako. Ayos na din naman yung pakiramdam ko, siguro?


Sino ba kasing nagsabi na siya yung inisiip ko? Pssh, pwede din pero wag na, masasaktan na naman ako.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na agad kami sa kanya kanya naming classroom. Feel ko talaga wala akong gana simula pa kahapon. Nagkataong wala pa yung teacher namin hanggang sa nakita kong sabay na pumasok si Elise at Zach na nakangiti.

Bumalik lahat ng sakit. Tangina lang ang sakit pa rin talaga, Kung pwede lang sanang pag gising ko sa umaga wala na yung sakit e. Napatingin si Zach saakin kaya napaiwas nalang ako ng tingin saka madali kong binaba ang ulo ko sa may desk ko.

"Uy bes! Ayos ka lang?" Hindi ko pinansin si Jazmin na nagtanong saakin.

"Okay class! May dalawang transferee at dito sa section na ito naisipan ng dean na ilagay sila so sana itrato niyo sila na ka pamilya nyo!" napabalikwas agad ako nung pumasok agad si Miss.

Nagsimula ng magbulong bulungan ang mga kaklase namin, napasulyap ako kay Zach at nagtama ang mata namin, nakatingin sya saakin with his concern look. Tangina ako na yung umiwas, Tagal na pala kaming nagpalipat ng upuan, I mean ako lang pala.

"Mister come in"

Pumasok ang dalawang lalaking transferee kuno, aaminin ko gwapo silang dalawa lalo na yung isa napaka perfect nya tapos yung isa naman, parang nakita ko na siya e kaso di ko lang maalala kung saan, then yung nunal nya malapit sa mata parang parang..... Ugh! Never mind.

"Hi classmates I'm Kaiden Santos I hope you will treat me simplestly" Napatingin siya sa gawi ko, Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, lalo nung makita ko yung mga mata niya, its like parang saakin o crap!







"I'm Nathan Axelor Torres" Nagulat ako pangalawang taong nagpakilala. Damn hell! Eat me now please.





Napatingin sya sa direksyon ko kaya nag iwas ako agad ng tingin. Sa dami daming school bakit  dito pa? Biglang nag flashback lahat ng nangyari saamin. Sakit na naramdaman ko noong gabing iyon.





Yes, Nathan's step brother is my ex.





Flashback:

Madilim, sobrang dilim halos wala na kong maramdam  dahil sa kaba. Bigla kasing nag text saakin si Gio na pumunta ako dito may importante daw syang sasabihin sakin. Nandito ako ngayon sa dating bahay nila Gio which is nag taka ako.

"We need to do this one Gio. It's either you'll hurt her for the sake of her life or you will take the risks" bigla kong narinig ang tinig ng babae sa kwarto kung saan ako nakaharap.



"I know" sigurado akong si Gio iyon! Boses nya, pero bakit ang lamig.




Sobrang lakas ng tibok ng puso ko as in. Kinakabahan ako sa nangyayari. Dahil sa curious ko bigla kong binuksan ang pintuan, tama nga ako si Gio. Kahit nakatalikod sya ay mahahalata mong sya iyon.



Love At First Sight Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora