It's been 7 years...
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng eroplano. Kahit minsan ay hindi ako umuwi dito.
"nakakaexcite" sabi ng katabi ko. Napangiti ako dito.
"gulo nito, baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito" sabi ko dito. Naglean naman sya sa balikat ko.
"all these years, sya pa din ba?" tanong nito. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan.
"no, ikaw na lang" pagaassure ko dito. Dinala ko sa dibdib ko ang kamay nito.
Pagkalapag ng eroplano ay hindi agad kami pinalabas. Naghihintay pa kasi ng security para makalabas kami. Madami kasing media sa labas ng airport.
"welcome back" nakangiting bungad samin ni angel. Nginitian ko sya.
"kamusta?" tanong ko dito.
"eto naiistress bigla bigla kasi kayong umuwi" sagot nito.
Napatawa naman ako sa sinabi nito. Nang dumating ang security ay lumabas na kami ng private plane ng pamilya ko. Nakaabang na din ang sasakyan namin.
"let's go?" tanong ko sa kasama ko. Tumango ito tapos inabot ang kamay sakin. Pinisil ko iyon pagkahawak ko.
Paglabas namin ay agad kaming sinalubong ng mga reporter.
Marami silang tanong pero wala akong sinagot kasi isa. Kahit yun kasama ko. Hawak ko pa din ang kamay nya.
"are you in a relationship?" nakuha bigla ng tanong na yun ang atensyon ko. Napahinto ako. Nagaabang ang lahat.
"yes" sagot ko dito. Nang makarating kami sa sasakyan ay pinauna kong sumakay ang kasama ko saka ako sumakay.
Pagkasara ng pinto ng sasakyan ay agad akong hinampas ni Rachel.
"what?!" takang tanong ko dito.
"i hate you!" sabi nito agad sakin.
"i love you too" nakangiting sabi ko dito.
Nakasimangot pa din ito. Ginulo ko naman ang buhok nito.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong na parents ko.
"mom" niyakap ko agad sya. Niyakap ko din ang papa ko.
"ache anak" sabi ng mama ko kay rachel. Niyakap naman ito ng huli pati ng papa ko.
"where's kuya?" tanong ko sa mga ito.
"nako, may photoshoot sila para sa next album nila" sagot ni mama. "kumaen na ba kayo?"
"mamaya na ko kakaen, pahinga lang ako, jetlag e" sabi ko dito. "ikaw ache?"
"makikitulog din, kaya ayaw kong umuuwi kasi sakit ng jetlag sa ulo" sagot nito. Dinala naman ng katulong ang mga gamit namin sa kwarto ko.
"o sige, pagkagising nyo, sabihin ko si manang na magluto para sa inyo" sabi ng mama ko.
"ok po, tnx ma" sabi ko dito. Hinalikan ko ito sa sentido.
"laki na talaga ng bunso ko." nakangiting sabi nito. Ngumiti lang ako.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay napatingin ako sa isang pinto na nandun. Simula ng umalis ako hindi na daw binuksan yun. Pero yun kwarto at yun dark room ko ay palaging nililinis.
"hey, usod ka konti, wag ka sa gitna" sabi ko kay ache. Sa gitna kasi ito puwesto. Humiga ako sa tabi nito.
"i miss you" sabi nito. Niyakap nya ang bewang ko.
"arte, parang hindi tayo magkasama" nakangiting sabi ko dito. Pero tulog na pala ito.
Pumikit na din ako.
Nagising ako na walang katabi. Maingay din sa labas.
"no way" bigla kong nasabi. Pagtingin ko sa labas ay nandun nga ang mga kaibigan ko. Napailing na lang ako. Naligo ako ng mabilis at bumaba na. Nakita ko ang mama ko na kagagaling lang ng kusina.
"yes anak" napangiti ako dito. Alam na kasi nya ang itatanong ko.
Lumabas na ko sa garden. Nakita kong masayang nakikipagkwentuhan ang mga kaibigan ko kay ache.
"o ayan na pala si Alyssa e" sabi ni Kim. Nakipagbro fist ako dito. Nandun din ang mga dati kong teammates.
Yumakap ako sa bewang ni ache tapos hinalikan sya sa cheeks.
"hindi mo man lang ako ginising" nagtatampong sabi ko dito.
"ginising kita kaso tulog mantika ka talaga" sagot nito sakin. Nagtawanan naman ang mga nakarinig nun.
"hanggan ngayon, yan pa din ang sakit mo Ly" natatawang sabi ni Marge. Kumpleto sila.
"where's Shar?" tanong ko dito.
"awtsu, nandito ang girlfriend, ibang ang hinahanap" biro ni ate gretch.
"baliw! syempre kaibigan ko din naman yun" sabi ko sa mga ito. "sila Ara at bang?"