Chapter One | The Punishment

94 5 0
                                    

Hindi ko na po nilagay yung mga magulang ng ibang royalties. Kaya Enjoy.

👑👑👑👑👑

Nandito ako ngayun sa isang madilim na lugar. Pinarusahan ako dahil may nilabag akong batas. Isang batas na walang kapatawaran. Isang batas na sagrado. Isang batas na ako lang ang nakagawa,na ikinasira ng dangal ng buong Magi World. Ako si Amethyst. At ninakaw ko ang Libro ng tadhana dahil may gusto akong baguhin,baguhin para hindi mapahamak ang lahat ng mamamayan sa buong magi. Hindi nila kaya,ang mangyayaringg tadhana dahil lubhang malakas ang kakalabanin nila,kahit sila pa ang makapangyarihan sa buong kaharian.

At ang parusa ko ay KAMATAYAN,kamatayan na dahil sa pagsakripisyo ko. Ilang taon ko pinagplanuhan to. Pero alam kong isa to sa mga pagsubok na ibinigay sakin ni bathala,at tanggap ko na. Isa ito sa pagsubok para maging ganap ba bathala, pero ang tungkilin ko dito sa ibaba ay protektahan ang lahat dito.

Ibibigay ko sa aking apprentice ang kalahati ng kapangyarihan ko. Sya ang magpapatuloy nang aking sinimulan,habang ako ay maglalakbay para maging ganap na maging bathala,at maging malakas para matutuan ko sya.

Ibinuka ko ang aking kamay ay may kulay asul na lumabas,ito ang kapangyarihang iginawad sa akin ni bathala,at kailngan long ingatan.

Bumulong ako sa hangin. Ako ang sugo ni Bathala,upang bantayan ang buong mamamayan sa magi,na ngayun ay pinarusahan ng kamatayan, iginagawad ang kalahati ng aking buong kapangyarihan sa kanya. Lumiwanag ang buong kalangitan,kahit gabi na,ito na ang simula.

------------

Sa mundo ng tao ay may isinisilang na sanggol,isang sanggol na makakapag bago nang buhay ng dalawang mag asawa,isang sanggolnna swerte. Isang sanggol na walang kasing ganda.

Habang tulog ang kanyang magulang. May isang liwanag ang dumapo dito,at nagkaroon ng balat sa likong ng batok sa bandang kaliwa na hugis espada at may nakapatong na korona.

------------

After 3 years. in the magi world.

Nasulat ang naganap sa buhay ni Amethyst at lubhang kinamumuhian sya ng buong magi. Kahit hindi nila alam ang naganap. Sa kabilang banda lumaki ang bata ng sobrang napakaganda parang biniyayaan ni Aphrodite ng kagandahan.

At simula ng isinilang abg batang ito yumaman ang magasawa, naging masaya sila dahil sa pagdating nang batang babae,ay maraming naganap na maganda sa buhay nilang mag asawa,kaya pinangalanang ito Althea Hailey.

-------------

Madame Violet (Headmistress)

Isang pagkakamali ang nagawa ko,hindi ko pinaglaban si Amethyst. Alam namin ang mangyayari,pero hinayaan ko syang gawin. Wala akong kwenta. Hindi ako karapat dapat sa tungkulon kong ito. Ngayun buong mago ay kinamumuhian na sya,na ang alam nila mali ang ginawa nya.

Tatlong taon na ang nakalipas,pero hindi pa din nila alam ang nangyari. Siguro gaya ng ginawa nya,papanatilihin kong mabuti ang akademyang itinayo nya,oo sya ang nagtayo ng akademyang ito.

Ginawa nya ito,para palakasin ang kapangyarihang taglay ng mga estudyante. Gaya ng mga hari't rehna na ngayun na binubuo ng mga limang elemento at ngayun,sila na ang gumagabay sa iba't ibang estudyante,at pinapamahalaan ang nasasakupan.

At ang inaasahan ko ay dumating ang kanyang apprentice,at inaasahan kong dito sya mapapadpad,kami lang ang nakaka alam ni amethyst ang mangyayari,at tulad mg inaasahan ko,pupunta dito ang kanyang apprentice para ipagpatuloy ang kanyang sinimulan.

At ako lang din ang nakakaalam kung nasaan ngayun si Amethyst. Dahil sakin lang nya sinabi ang lahat. At ang nalalapit na Digmaan.


Magi AcademyWhere stories live. Discover now