LAST CHAPTER : THE BEST BIRTHDAY EVER

30.5K 738 95
                                    

_ 5 years later_

* DWAYNE'S POV *

5 years na simula nung mawala si Yvone.. At nagkatuluyan na kaming lahat.. Sa wakas sinagot na ako ni Alexa.. Nasabi na rin ni Seth ang nararamdaman niya kay Tasha at sinagot naman siya ni Tasha.. Si Yuan naman ay umamin na rin at dahil sa parehas lang sila ng nararamdaman ni Saharah ay naging sila..

Nagkatuluyan rin sina Moon at Inigo.. Sina Sasha at Raiko at sina Bliss at Zach.. Hindi rin namin nakita si Tyron simula nung sumabog ang lumang gusali..

Kaya hindi namin alam kung patay na ba siya o buhay pa.. Habang si Master naman ay hindi parin nagmamahal ng iba.. Kapag may lalapit sakanyang babae ay sasabihin niyang...

" Try to take another step.. You're dead to my wife "...

Hindi na rin siya ngumingiti o magsalita man lang.

Kapag nasa UG kami ay halos mapatay na niya ang kalaban niya dahil sa sobrang galit..

Palagi rin siyang nananaginip at palaging binabanggit ang pangalan ni Yvone.. Minsan pa ay kapag nananaginip siya ay umiiyak siya at sinasabin..

" Why do you have to leave me again "..

Nakatira kaming lahat sa mansion ni Yvone.. Yung secret mansion nila..

Minsan pa ay nahuhuli namin siyang umiiyak at palaging sinasambit ang pangalan ni Yvone..

Nalaman rin ng lahat ang nangyari kay Yvone.. At nalaman namin na kasabwat pala ni Black sina Lexy at Trisha kaya..

Dahil sa galit ng mga girlfriend namin ay napatay nila sa laban ang dalawa.... Sa ngayon ay wala pa ring pumapalit sa pwesto ni Yvone..

Dahil bago ka makaupo sa pwesto ni Yvone ay lalabanan mo muna kami.. Yun ang ginawang rule ng Empress Empire Gang at ng Black Rose Gang..

Pati narin namin... Hindi pwedeng may basta bastang pumalit sa pwesto ni Yvone.. Para saamin siya na ang pinakamagandang nangyari saamin..

At yung sinabi niyang hindi man siya ang best.. Nagkakamali siya dahil para saamin siya ang THE BEST sa lahat.. Napakacold man niya at sungit at napakamisteryoso..

Siya parin ang pinakamamahal naming kaibigan.. Dahil siya ang babaeng nagbago ng ikot ng mundo naming lahat.. Isa siyang napagandang lesson para saaming lahat..

* TASHA'S POV *

Kahit na wala na siya sa tabi namin... Ay palagi parin naming nararamdaman na safe kami...

Masaya ako na nakilala namin si Yvone.. Nagkaroon man kami ng konting hindi pagkakaintindihan ay masaya parin ako na kahit papaano ay nagawa parin niya akong patawarin kahit na napakatanga ko..

Para saamin ng Black Rose Gang.. Siya ang the best na leader at the best friend we had..

Kahit na may pumalit sakanya sa pwesto bilang leader namin ay wala paring makakapalit ng pwesto niya sa puso naming mga kaibigan niya..

Si Yvone ang pinakanakakatakot, pinakacold at pinakamasungit na taong nakilala namin..

Pero si Yvone rin ang pinakamabuti, pinakamabait, pinakamagandang kaibigan at leader na meron kami.. Si Yvone ang the best para saaming lahat..

Kung may hindi man ako makakalimutan ay yun ay ang nag-iisang

YVONE EUGENE TANYA TRAYNOR sa mundo...

* DUSTINE'S POV *

Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko habang nakatingin sa puntod ng babaeng hindi ko kailanmang makakalimutan..

YOU MESSED WITH THE WRONG GIRLOnde histórias criam vida. Descubra agora