CHAPTER 3

5.1K 117 0
                                    

Matapos ko kausapin si tatay ay bumalik ako sa kwarto nakita ko si deanna na natutulog..

Aba nakakuha pa ng higaan itong mokong na ito...may bahay naman di umuwi at dun matulog..

Ate anong dinner natin mamaya tanong ni mafe na nasa loob din na kwarto..

Bibili nalang mamayang konti..

Ahm ate...

Oh...

Jowa mo ba si deanna??

Nagulat ako tanong ni mafe sakin..

Ha??hindi ah..paano mo naman nasabi??

Hehe wala lang..para kase kayong may relasyon kung umasta..

Hay naku mag kaibigan lang kami niyan..kilala mo si tin tin diba siya yung girl friend niya..

Ahm...mas mukha kaseng bagay kayo tingnan eh..

Napatingin nalang ako kay mafe..
Lumabas kana nga dun dami mo sinasabi...taboy ko kay mafe..

Nalipat naman ako ng tingin kay deanna naahimbing na natutulog..

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya ng walang kamalay malay..

Lumabas na ako at bumili ng pagkain sasama ka ba??tanong ko kay mafe..

Hindi na ate may tinatapos pako eh..

Ahm...ok ano gusto mo??

Ikaw na pumili lahat naman kinakain ko..

Ok...at sumakay na ako ng kotse..

Almost 1hr din bago ako bumalik..
Nag ikot ikot pa kase ako..

Pagbalik ko ay gising na si deanna wala bang balak na umuwi ang isang yan..
Dala ko ang pagkain at inilapag ko sa table..

Di ka pa ba uuwi??tanong ko dito..
Ahm mamaya na....

Gabi na kaya..

Ayaw mo ba ako makita??tanong ni deanna..

Napatingin sakin si mafe na ngingiti..

Ano nginingiti mo diyan isa kapa!!

Wala po ate...kain na nga ako..
Tumayo na si mafe at kinuha ang pagkain..

Binilhan mo rin ba ako??tanong ni deanna.

Oo kuha ka nalang dun sa table..

Thank you miss sungit..

Sumunod na ito kay mafe at kumain na rin..

Jema di ka pa ba kakain??dinig ko na tawag ni deanna sakin..

Mamaya nalang..sagot ko.
Pumasok ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko..

Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain..
Patapos na ang dalawa ng bumaba ako..

Umupo ako at sakto na tumayo na si mafe at bumalik sa sala..

So...dalawa na naman kami naiwan ni deanna..

Tapos kana diba?tanong ko..

Oo..sagot nito.

Eh bakit di ka pa umalis dito..

Papanuorin pa kita eh..

Ano ako tv??

Bakit ba ang sungit mo sakin??
Tanong ni deanna..

KUNG PAANO SIYA NAWALADonde viven las historias. Descúbrelo ahora