CHAPTER 13

2.8K 57 52
                                    

WARNING: SMUT CHAPTER

C H A P T E R  13

BIGLANG bumukas ang mga mata ko at tiningnan kung nasaan ako.

"Mmmm..." kahit nahihilo ako. Pilit kong tiningnan ang katabi ko. Nasa loob ako ng isang sasakyan at may isang lalaki ang nagdadrive. Tinitigan ko siya ng maigi at ng maayos na ang paningin ko napatalon ako sa gulat.

"KYLE?!" tumingin lang ito sa akin at binalik ulit ang kanyang tingin sa daanan. "BAKIT AKO NANDITO? SAAN MO AKO DADALHIN?" biglang sumakit ang ulo ko at nahihilo pa rin ako.

"Just take a nap okay. Malayo-layo pa tayo"

Nagulat ako sa sinabi niya "Ano? Saan mo ba talaga ako dadalhin? Ibalik mo ulit ako dun sa bar?!" singhal ko sa kanya at pilit na binubuksan ang pintuan pero nanghihina na talaga ang katawan ko.

"Never."

"But Kyle!"

"Hinding-hindi ka babalik doon! Lalo na't sa lalaki na iyon!" biglang tumaas ang kanyang boses na ikinagulat ko. Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ang sarili ko dahil sa lamig. Masyado na akong nahihilo kaya unti-unti na naman akong nakatulog.

Nakaramdam ako ng malamig na bagay na dumadampi sa noo ko, kaya't dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

"Kyle..."

He's here! Kasama ko si Kyle! Pero anong ginagawa niya? Bakit niya ito ginagawa?

Pinupunasan niya lang pala ng isang basang towel ang buong katawan ko para hindi ako masyado mainitan. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko at sumasakit ang ulo ko, kitang-kita ko ang magkasalubong nitong kilay habang pinupunusan ang braso ko.

"B-bakit mo ba ito ginagawa, Kyle?" tumigil siya sa pagpupunas at tiningnan lamang ako. "Nililito mo ako. Di ba dapat nasa kay Ericka ka ngayon? Di ba dapat siya ang makakasama mo dahil ikakasal na kayo? Hindi mo dapat ginagawa sa akin ito Kyle, gusto ko ng umuwi..." mahinang sambit ko.

Tumulo ang isang luha sa kanang mata ko pero hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa sa akin ni Kyle.

He kiss my temple.

Laking-gulat akong tumingin sa kanya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Malapit ang mga mukha namin at ramdam na ramdam ko ang kanyang mabibigat na paghinga.

"May mga bagay na hindi mo pwedeng malaman Cheska..."

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong hindi pwedeng malaman Kyle? Ano ba ang pinagsasabi mo?"

Lumayo siya at pinagpatuloy ang pagpupunas sakin. "Malalaman mo rin sa takdang panahon, sa ngayon..." itinigil niya ang pagpupunas at tumingin sa mga mata ko "sa ngayon, gusto kong solohin ka. Gusto ko sa akin ka muna. Pagod na pagod na akong kontrolin ang nararamdaman ko Cheska, gustong-gusto na kitang mayakap at makasama ng tayong dalawa lang."

"K-kyle...Ano bang pinagsasabi mo?"

I'm so confuse, so so confuse.

"Alam kong hindi mo ako maiintindihan dahil lasing ka, pero gusto ko lang sabihin sayo na...Ikaw at ikaw pa rin ang nilalaman nito" hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ito sa kanyang dibdib.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang mabilis na pintig ng kaniyang puso. "Kyle..." pilit kong pinaupo ang sarili kong katawan at tinitigan siya.

"A-ayokong manira ng relasyon ng Kyle. Si Ericka, ikakasal na kayo diba? Dapat siya ang kasama mo at hindi ako"

"PERO HINDI KO SIYA MAHAL"

Tila nabingi ako sa sinabi ni Kyle, mabilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kasama ko siya, na kaming dalawa lang.

The Playboy (Burning Touch Series 5) ✔Where stories live. Discover now