CHAPTER 2

1 0 0
                                    

RENISSA'S POV

“Hoy mangkukulam, lumabas ka jan” sigaw ng kung sino sa labas ng bahay ko. Sino kaya yun?

“Lumabas ka jan, mangkukulam. Walang hiya ka” sabi ulit kaya napabangon ako. Teka ano bang nangyayari? Walang nagtatangka na pumunta dito sa bahay ko dahil takot nga sila sa akin pero anong nangyayari ngayon? Bumaba ako at binuksan ang pinto.

“B-bakit po?” tanong ko sa kanila. Bakit ang dami nila?

“Walang hiya ka, pinatay mo ang kapatid ko” sabi ng isang babae na lumuluha. At magtatangka na sanang sugurin ako ng pigilan siya ng mga kasama niya.

“Wag kang lalapit sa kaniya baka ikaw ang sumunod” sabi ng isa.

“Siya, siya ang pumatay kay kuya John at kay Mike. Siya rin ang dahilan kung bakit 50-50 ngayon sa hospital si kuya Gil” sabi ng isang lalaki

“T-teka diba ikaw yung kasama ng tatlong lalaki na nag-iinuman kagabi?” sabi ko sa kaniya.

“Oo, at nakita ko lahat ng pangyayari. Mangkukulam ka, dapat sayo sinusunog” sabi niya

“Tama, dapat siyang sunugin para wala ng masamang mangyari sa mga kababayan natin” sabi ng isa

“T-teka, s-sorry po. H-hindi ko po sinasadya, dapat hindi niyo na po ako nilalapitan” lumuluhang sabi ko.

“Wala ng magagawa ang sorry mo. Patay na ang anak ko” sabi ng isang ginang

“S-sorry po” lumuluhang sabi ko at lumuhod pa sa kanila.

“Dapat sayo sunugin” sigaw ng isa sa kanila

“SUNUGIN” sabay-sabay nilang sigaw

“Kenneth, kumuha ka ng posporo at gaas” sigaw ng isa sa kanila.

“Kung sinuman sa inyong lahat ang magtatangkang manakit sa susunod na reyna. Papatayin ko” sabi ng nasa likod ko. Teka paano siya nakapasok dito?

“Sino ka? At bakit nakakalapit ka sa mangkukulam na yan? Mapapahamak ka jan. Mamatay ka rin” sabi ng isa sa kanila na kapatid ng namatay dahil sa akin.

“Sino ako? Makikita niyo” sabi ng babae na nasa likod ko ng lingunin ko siya. Itinaas niya ang kamay niya at nakita kong may lumabas na parang usok sa kamay niya kaya nanlaki ang mata ko. Nakita ko rin na naging pula ang mata niya. Pagtingin ko sa mga taong nasa labas ng bahay ko, nakita kong nawalan na ng malay ang mga tao.

“A-anong ginawa mo sa kanila?” sabi ko sa babae.

“Renissa, tumayo ka jan. Sila dapat ang lumuluhod sayo dahil ikaw ang susunod na reyna, hindi ikaw ang luluhod sa kanila” sabi ng babae.

'Anong sinasabi niya? Anong reyna? Nagpapatawa ba siya?' sabi ko sa isip ko. Pero napangisi ang babae dahil dun.

“Hindi ako nagpapatawa Renissa at totoo ang mga sinasabi ko” sabi niya kaya nagtaka ako

“T-teka..p-paano mo..”

“Kaming mga royal vampire, nakakabasa kami ng iniisip ng mga tao at nakakakita rin kami ng future. At huwag kang mag-alala, inalis ko lang ang ala-ala ng mga taong iyan. At ngayon kahit dumikit sila sayo, walang mangyayaring masama sa kanila dahil wala dito si Prince Steve, ang pasaway na prinsipe nayun lahat na lang ata gagawin niya kapag sinabi niya at para sayo” sabi niya kaya nagtataka ako sa kaniya.

“Ano bang mga sinasabi mo? Hindi ko maintindihan? Anong royal vampire ang sinasabi mo? Haha nagpapatawa ka ba?” sabi ko sa kaniya.

“Ipapakita ko sayo” sabi niya at nanlaki ang mata ko ng naging pula ang mata niya at may lumabas na pangil mula sa ngipin niya.

A WhisperWhere stories live. Discover now