Chapter 1

803 32 15
                                    

Chapter 1
Pueblo de Hombres

Dinig na dinig ko ang lakas ng sigaw ng punyetang lalaking nasa harap ko.

Mabuti sa'yo 'yan! Napapala mo!

'Di ko napansin papunta na pala sila Mom and Dad. Masama ang tingin sa'kin ni Dad, alam niya na siguro na may ginawa na naman akong 'di maganda.

"Anong nangyayari dito?" Malalim ang boses ni Dad. Mababakas mo na galit talaga siya pero heto ako maganda pa rin ang postura. Gagawin ko ba 'yun ng walang dahilan? Bahala siya diyan! Aalis na sana ako ng biglang sumigaw si Dad.

"What's wrong with you, lady?! Bakit mo ginawa 'to kay Giro?!" Tinaasan ko ng kilay si Giro. Anong malala sa ginawa ko?

Well ipinukpok ko lang naman sa nguso ng magaling na Giro ang takong ng 5 inches stiletto ko at ang kinalabasan pumutok 'yung labi niya. Mabuti lang sa kaniya 'yan.

"Ginawa ko lang ang tama, bastos 'yang lalaki na 'yan." Sabay irap ko bago umalis. Pumunta ako sa kotse ni Dad. Natatawa ako sa nguso nong Giro na 'yon.

'Wag niya kasing itataon na naka-5 inches stiletto ako 'yan tuloy napukpok ko.

"At dahil diyan, dun ka sa kotse mo sasakay at si Giro pa rin ang mag da-drive," Seryosong sabi ni Dad na kinainis ko.

"What!?" Inis na sigaw ko.

"Just follow me." Sabay sakay ni Dad sa driver's seat at ganun din si Mom na sumakay sa passengers seat saka pinaandar ni Dad ang sasakyan.

Dahil wala na sila Mom and Dad wala akong choice. Tinawag ko si Giro para ipabitbit ang mga bagahe ko pero syempre ako na ang nagdala ng hand bag ko baka kung ano pa kuhanin niya ro'n. Nadala niya na lahat at kasalukuyang inilalagay sa backseat.

At dahil nga wala na sila Dad may chance na ko na asarin tong lalaki na 'to. Nakita kong tapos na siya at papunta sa pwesto ko.

"I'll allow you to use my car kahit na hindi ko gusto," Labag talaga sa kalooban ko ang gamitin niya ang kotse ko pero wala na 'kong magagawa. It's my Dad's decision I have nothing to do.

"Good, then let's go." Sabay pasok niya sa driver's seat at ko naman sa backseat umupo ayoko katabi 'yan duh!

"We need to buy some foods baka mainip ka," bilin niya.

"Dahil ginamit mo ang car ko, then the punishment, ikaw bibili lahat ng gusto kong foods." Ngisi ko.

"Buti nalang at may pera 'ko dito dahil kung hindi baka nasapak mo na naman ako ng stiletto mo," parinig niya sa'kin.

Aba dapat lang!

Pinaandar niya na ang sasakyan. Bumili muna kami ng pagkain sa convenience store at dahil likas na mapang-asar ako. Isang plastik ng pagkain ang binili ko samantalang siya iilang pirasong pagkain lang, gaya nang sabi ko na siya magbabayad ginawa niya naman.

Saka kami nagpatuloy sa pagtahak ng daan papunta sa lugar na hindi ko alam.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone.

"Alam mo ang ganda mo pala, 'pag tumawa ang 'yong mata. Hinahabol ko bawat mong tingin."

Kinapa ko ang cellphone ko pero bago ko pa makita hawak na ni Giro ang cellphone niya at may kausap rito.

Bakit kasi parehas kami nang ringtone?

"Malapit na kami sa arko...oo...oo...kakulit oo nga!" Sabay lingon sakin ni Giro.
"Oh sige...malapit na kami...abangan mo nalang." Binalik niya ang tingin niya sa daan at saka pinutol ang linya ng kausap niya.

"Ilang minuto pa ba tayo?" Nakasimangot kong tanong.

"Malapit na pero walang tayo," pang aalaskada niya.

"Sa pagkakadinig ko kanina may salitang kami, " balik ko. Wait what? Iba yata meaning no'n ha?! Stupid Dexie!

"Manahimik ka nalang!" Inis na sabi nito. Pikon! Buti hindi niya napansin iyong sinabi ko, slow din minsan.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala nang view na tinatahak namin. Mga bundok na matataas na nakapalibot sa isang karagatan, ang nag-iisang daan na tinatahak namin at sa gilid ng daanan puro lavender. Ang asul na kalangitan at mga damong nagsasayawan dahil sa hangin na parang ang sarap sa pakiramdam.

"Wow." Napamaang ako sa sobrang ganda ng tanawin.

Nilabas ko ang phone ko at saka nanguha ng mga litrato.

Bakit hindi ko ito nakikita sa mga tourist spot sa pilipinas?

Hindi ko alam na may ganito palang klaseng lugar sa pilipinas.

"May malalim na kwento kung bakit hindi pinapaalam ng gobyerno sa mga tao ang ganito kagandang lugar," napahinto ako sa pagkuha ng mga pictures, tila ba narinig ni Giro ang mga katanungan sa isip ko.

"Bakit ayaw ipaalam?" Taka kong tanong.

"Hindi ko rin alam, 'yun ang sabi sa akin." Kibit balikat lang niya.

Kung tutuusin isa ito sa magiging tourist spot sa Pilipinas, pero mas pinili nilang itago?

"Anong lugar ba ito?" Curious na curious na talaga ako.

"Ito ang lugar kung tawagin namin na Isla Hermosa Vista na ang ibig sabihin ay isla na may magandang tanawin, parte ito ng Villa Pueblo de Hombres at 'yun ang lugar na pupuntahan natin," napamaang ako sa sinabi nito. Hindi ko mawari pero parang nasa isa akong movie na siyang manghang-mangha sa tanawin. Ang ganda talaga ng lugar na ito.

Maya-maya may nakikita na akong arko at habang palapit nang palapit nakikita ko ang nakaukit na,

Bienvenidos amigos en el Pueblo de los Hombres!

Anong klaseng lugar 'to puro espanyol ang salita nakakadugo ng ilong.

Nang makalagpas kami, isang bayan ang tumambad sa amin, lugar na hindi mo aasahan na nag-e-exist.

Bigla kaming lumiko at puro mga apartment yata kasi magkakadikit at pareparehas ng design ang mga bahay.

Huminto kami sa isang bahay na kakaiba sa lahat, malaki, white and gray ang kulay.

At di ko inaasahan na lumabas lahat ng mga tao sa kani-kanilang mga bahay. Nagtaka ako kung bakit puro kalalakihan ang nakikita ko.

"Nasaan ba tayo?" Taka kong tanong

"Welcome to our Villa Pueblo de Hombres," nakangiti at nakataas ang kamay nito habang binibigkas ang linyang iyon. "...na ang ibig sabihin ay Welcome to Boys Town!" Lahat ng lalaki taka akong tinignan siguro naninibago at may babae dito. And the fuck with that? Why would I be here if this is boys town?

"Teka, wala ba ang parents ko dito?!" Inis na sabi ko.

"Nandito sila," ginabayan ako ni Giro papasok ng bahay.

***
Bienvenidos amigos en el Pueblo de los Hombres!
Translation: Welcome to Pueblo de Hombres

Sorry for the grammatical errors, and typos. Unedited pa kasi ito. Hope you understand. First story ko ito kaya medyo magulo. But when I finish this series I'll do some editing. I'm still a beginner and at the point of improving.

For more updates reach for my social media accounts.
Facebook: DonyaBebe Wp
Twitter: DonyaBebe Wp
Youtube Channel: Aesthetic Arya
Don't forget to vote, comment and share!

—DonyaBebe
๑ᴖ◡ᴖ๑

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz