I miss you

13 1 0
                                    

Namimiss na kita
Pero hindi mo nakikita
Di ko alam kung bulag ka ba
O nagbubulag bulagan ka

Ang pait na may kasamang sakit
Na pag ika'y lumalapit
Dibdib ko naninikip
At sinusubukang ngumiti ng pilit

Hindi mo ba talaga nakikita
Ang sakit na iyong dala
Kahit hindi mo man sadya
Ansakit parin talaga

Gusto kong kalimutan ka
Magsimula ulit ng bagong istorya
Kung saan wala ka na
At wala na ang sakit na nadarama.

Sana sa mga desisyon mo
Sumaya ka kahit nasaktan mo ko
Dahil kahit sabihin na ang gago mo
Ang tanging hiling ko lang ay ang ngiti mo

Kahit ang dahilan ay hindi na ako.....

Poems BitchesWhere stories live. Discover now