Uno

23 6 1
                                    

Altaira's POV

"Very good Altaira!"masayang bati sakin ni Kuya James.

"Thank you po."sabi ko sakanya.Buti nalang tapos na yung shoot para sa bagong movie na aking gagampanan.I am a famous model and actress at the same time.

Nasa labas na kami ng building kung saan ako nagtratrabaho ang (SEC)Smith's Entertainment Company,ito ang pinakasikat na entertainment company worlwide.

"Aya?"tanong ko kay Aya na para ko na ring assistant.Ayoko talaga magka-assistant pero nagpupumilit si mama para na di ako mahirapan sa schedule ko.

"Ano po yun ate Taira?"tanong niya.

"Pwede ka ng umuwi wala naman na akong gagawin diba?Magtataxi nalang ako may gagawin pa ako eh."sabi ko sa kanya.

"Sige po.Next week pa po yung shoot kasama yung leading man mo"

Maya-maya dumating na yung driver ko

"Mauna na po ako,magi-ingat po kayo."sabi niya

"Magi-ingat rin kayo."sabi ko dito.

Pumunta akong sa papasok ng SEC building at pumunta sa comfort room.Nagsuot ako ng shades at jacket para hindi ako makilala.Lumabas ako ng building at pumunta sa pinakamalapit na flower shop.

"Good afternoon po."bati ko sa kahera at binayaran yung bulaklak na binili ko.

"Good afternoon din."sagot nito.

Pumara ako ng taxi at sinabi yung location kung saan ako pupunta.

--Angels International Cemetery--

"Thank you po,sa inyo na po yung sukli"sabi ko sa taxi driver at nagabot ng isang libo.

"Salamat ng marami iha."sagot nito habang na kangiti.

Nilapag ko sa puntod niya yung
bulaklak na binili ko.

        Annicka Jane B. Park
     Sept.13,1999-Oct. 25,2013

"Three years narin ang nakalipas Annicka pero di parin ako makamove on.Sorry kung walang nagawa si ate ha,sorry dahil lagi kitang inaasar.Sabi ko sayo ako yung magiging guardian angel mo pero di ko nagawa,wala ako kwentang kapatid."Unti-unting tumutulo yung luha ko

"Sabi natin sa isa't isa walang iwanan pero wala akong nagawa nung unti unti ka nang bumibitaw.Bat mo kami iniwan."

Di ko namalayan na humihikbi na pala ako.Nagulat ako ng may nagabot sakin ng panyo.Tinignan ko kung sino ito ngunit nagulat ako nang makakita ako ng lalaking kasing edad ko,matangkad,gwapo,mapupula ang labi,mahaba ang pilik mata,makapal ang kilay,mapupungay ang mga mata,katamtaman ang kulay ng balat at kulay pula ang buhok.

"Kunin mo na yan Miss..."

"Altaira"dugtong ko.

"Alam ko."malumanay na sagot nito.

Kinuha ko yung panyo at pinunasan yung mukha ko.

"Salamat pala ha."nahihiyang sabi ko dito.

"I am Calvin.Gusto mo ba ng ice cream sabi ng lola ko nakakagaan daw ng loob pag kumain ng ice cream wag kang magalala di ako masamang tao "sabi nito habang nakangiti.

"Sige"

---------------------

Pumunta kami ng Sweet Cafe at pumwesto sa lugar na hindi masyadong makita. Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano ano,sinabi niya na dinalaw niya ang lola niya na nagpalaki sa kaniya at sinabi rin niya na idol daw ako ng bunso niyang kapatid..

--------Cellphone Ringing--------

"Ahmm...sasagutin ko lang ha."sabi nito.Tumango ako at lumabas siya ng Cafe.Patuloy pa rin ako sa pagkain ng ice cream.
Maya-maya,bumalik siya sa table na inuupuan namin.

"Altaira,may emergency sa bahay,di na kita mahahatid."

"Ano ba okay lang noh,saka thank you pala sa time at paglibre sakin ng ice cream."

"Sige una na ko.Ingat ka ha."

Pagkatapos niyang umalis naghintay ako sa labasan ng taxi.Maya-maya may pumaradang taxi sa harap ko dali dali akong sumakay at sinabi ang address.Unti-unting pinikit ang aking mata hanggang nakatulog ako.

"Miss gising na ho nandito na tayo sa address na binigay niyo."

Nagising ako sa malakas na sigaw ng driver.Inabot ko yung bayad at bumaba.Pinagbuksan ako ng gate ni Manang Lordes.

"Manang.Nasaan po si mama?"tanong ko dito.

''Nasa kusina nagluluto."sagot niya

Pumunta agad ako ng kusina.

"Ma,dito na po ako"

"Malapit na toh maluto 'nak"

Kumain kami at nanuod ng movies.Ganito ang bonding namin ni mama.Inaya ko rin siyang mag mall bukas  dahil paniguradong magiging busy ako next week sa shooting at photoshoot.



------------------

Click☆button and leave a comment....




 




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

StarWhere stories live. Discover now