24

7.8K 149 4
                                    

Chapter 24

MASAKIT ang buong katawan ni Nikki at kahit nakapikit ay randam niyang madaming nakakabit sa kaniya. Nanghihina siya at nais nalang matulog habang buhay ngunit pinilit niya ang sariling idilat ang mga mata.

Unang sumalubong sa kaniya ay ang puting kisame at puting dingding. Tingin niya ay nasa isa siyang ospital. Pilit niyang inalala kung bakit at paano siya napunta dito nang maramdaman niyang may nakahawak sa kaliwa niyang kamay at nang tignan niya kung ano iyon ay bahagyang nanlaki ang mata niya.

Nixon!

Mahimbing na natutulog ang binata habang hawak ang mga kamay niya na parang ayaw na itong pakawalan pa. Dahan-dahan ay hinaplos niya ang buhok nito at napatigil lang nang dumako ang kamay niya sa braso niyang humahapdi.

Parang gusto niyang maiyak nang makitang sunog ang kaniyang balat sa kaliwang braso. Hindi niya maigalaw nang maayos ang katawan at nanlalambot ang kaniyang mga buto pero hindi nun napigilan ang mga luha niyang tumulo sa kaniyang mga mata.

What happened to me? Then a memory popped in her mind and just like a flashback, she remembered how she got into an accident and what she felt that day. Takot na takot siyang hindi na niya makikita pang muli ang binatang nakahawak ngayon sa mga kamay niyang nasisiguro din niyang nasunog.

Patuloy siya sa paghikbi nang magmulat ng mata si Nixon at nang makita siya ay unti-unting nanlaki ang mata nito at parang natatarantang may pinindot na kung ano sa may gilid ng kaniyang kama.

"Fuck, fuck, you're awake! May masakit ba sa'yo? Why are you crying? I'm here, babe. I'm here, stop crying please." Alo nito sa kaniya at kung hindi siya nagkakamali ay parang namasa ang mga mata nito.

Parang hindi ito mapakali habang nakatingin sa kaniya. Parang hindi alam ang gagawin kung yayakapin ba siya o aaluhin hanggang sa may magsipasukang mga nurse at doctor. Nang hawakan ng mga ito ang braso niya ay biglang siyang nagwala nang sumigid sa kalamnan niya ang hapdi ng pagkasunog sa kaniya. Wala nang ibang laman ang isip niya kung hindi ang sakit at magdasal na patigilin na ang hapdi na nararamdaman niya. Hanggang sa unti-unti siyang nakaramdam ng antok.

HINDI alam ni Nixon kung magtatatalon ba siya sa tuwa dahil after a month ay nagising na din si Nikki o maiiyak dahil kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito nang hawakan ng isang nurse ang braso niya. Buti nalang at napakalma ito sa pamamagitan ng pagturok ng kung anong gamot dito.

"What happened? Is she okay? Paano kapag nagising siya ulit mamaya?" Nag-aalala niyang tanong habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ni Nikki at parang may pumiga sa puso niya nang makitang may naglandas na luha sa mata nito.

Naalala niya pa ang pagwawala nito at wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan lang ito habang pinipigilan ng mga nurse. Wala din siyang nagawa, nandito man siya o wala. He felt so worthless. Wala siyang magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng babaeng mahal niya.

"For the mean time, yes, she will be fine. The anesthesia will do it's job to relax the patient's body. For now, let her rest then we will examine her and let's see kung mayroong naging epekto sa kaniya ang nangyaring aksidente. Maiwan muna kita." Imporma ng doktor bago umalis sa kwarto habang siya ay nakatitig lang sa dalagang tulog na naman. Lumapit siya sa kama nito at lumuhod,

"Pinag-alala mo ako. I was so damn happy when I saw your eyes wide awake but I got so scared when I heard your scream of pain. Please, be okay. Promise me you'll be okay. Dadalhin pa kita sa harap ng altar." Bulong niya kay Nikki habang hinahaplos ang malambot nitong buhok. Maingat siyang huwag masagi ang braso nito dahil baka magising ito. Hinalikan niya muna ang buhok ng dalaga bago siya lumabas ng silid nito upang tawagan si Alrice at ipaalam dito na nagising na si Nikki.

TMIM 1: That Monster Called Jealousy✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon