STUCK Part 3

14.2K 765 101
                                    

***

"Let go, Iya," sabi ni Jacob na nakahawak sa braso ko. Iginigiya niya 'ko palayo. "Lalo tayong mababasa kapag hindi ka bumitiw diyan sa gripo."

"Pero baka bumaha rito sa buong banyo," sabi ko.

Also, we're already soaked. Ang blouse at skirt ko, tumutulo na sa tubig. Basa na rin uli ang buhok ko. Si Jacob naman, basa na ang buong pang-itaas at ang pants.

"May sensor 'yan. Faucet's like this has valves designed to stop water flow basta walang taong made-detect ang sensor," aniya. "Bitiw na. Basang-basa ka na."

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa gripo, pero nagbubuga pa rin iyon ng tubig. Napatingin ako kay Jacob.

"Hintayin mo sandali. Titigil din 'yan," aniya.

Nagpahila na 'ko sa tabi niya. Pinanood namin ang pagbuga ng tubig hanggang sa kusang tumigil iyon.

Napabusangot ako bago tumingala kay Jacob. "Nabasa lang tayo dahil na-detect ako ng sensor? Am I an idiot?"

Mahina siyang tumawa at inayos ang mga basang hibla ng buhok ko. "You're not an idiot. Hindi mo naman alam kung pa'no gumagana ang automatic faucet."

"But..."

"Hindi rin pare-pareho ang pagkakagawa ng ganyan."

Sumulyap ako sa tahimik na gripo. "Pa'no mo nalaman 'yong sa valve?"

"Because of the sensor. Occupational habit."

I couldn't stop pouting. Pa'no na ngayon? Basa na uli ako. I have to change clothes again.

Basa na rin siya. I ran my fingers to the wet, almost see-through fabric of his linen shirt. Bagay pa naman sa kanya 'yon. "Basa ka na."

Jacob caught my wrist. "Ikaw rin."

Nag-angat ako ng mata sa kanya. He looked complicated. Kunot pa ang noo.

"You should change," aniyang sandaling tumingin sa damit ko bago mag-iwas.

I checked my clothes. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mas see-through ang katawan ko sa basang blouse. Nakadikit ang fabric sa bilog ng dibdib ko at sa outline ng lace brassiere ko.

Pagtingala ko kay Jacob, pareho yata kaming namumula. Humalukipkip ako.

"Ano... Don't... It's not..."

Magaan siyang ngumiti. "Magpalit ka na ng damit, Ishayana."

Shit. I'm rattled. Mabilis akong tumalikod sa kanya at lumabas ng banyo. "Magpalit ka rin!"

"Yes."

Nasa table ko ang traveling bag ko na may gamit papunta sa Pangasinan. Marami akong pamalit do'n. Siguradong may damit din si Jacob sa kotse niya.

Nakatuon na ang isip ko sa paglabas sa conference room at pagtakbo papunta sa table ko. But I was faced with another problem.

Hindi bumubukas ang lock ng conference room.

"Jacob!"

***

Jacob and I stared at the door lock habang nanginginig sa buga ng aircon. Naghihintay akong may occupational habit uli siya na makapagbubukas ng pinto.

"Deadlock ang gamit dito. Kailangan natin ng susi," sabi niya nang tumayo nang tuwid mula sa pag-iinspeksyon sa pinto.

"Hindi naman kailangan ng susi kanina..." kinakabahang sabi ko. Nakayakap na 'ko sa sarili ko dahil sa lamig.

A Whiff of Chocolate (Candy Stories #4.2)Where stories live. Discover now