Chapter 1

586 65 76
                                    

Chapter 1:The Past

Ivana's POV

Napaka ganda ng mga halaman dito sa aming hardin may iba't ibang klase ng mga bulaklak ang aking nakikita.

Nga pala ang aking ngalan ay Ivana Romeyo isa akong masiyahin na dilag dito sa aming bayan mahilig din ako sa mga halaman nakakaginhawa kasing makita ang mga magagandang bulaklak at puno kaya nais kong palaging malinis ang mga kapaligiran.

"Ivana" Naistorbo akong nagdidilig ng halaman dahil tinawag ng aking kaibigan ang aking pangalan.

Nilingon ko na lang siya sa bandang kanan para kwayan ito "Magandang hapon,Rhea"maligayang bati ko sakanya.

Siya nga pala si Rhea Somoque ang aking seryosong kaibigan hindi ko pa nga yan nakitang ngumiti maliban nalang kapag may nakita siyang hayop,mahilig naman siya sa mga hayop,nung isang araw nga muntik na kami makagat ng aso dahil hinahawakan niya buti na lamang at mayroong ginoong tumulong saamin.

Lumabas ako ng bahay para makaharap siya ng maayos,pagkalabas na pagkalabas ko namangha ako sa suot ni Rhea na bakya ang ganda kasi.

Kaya nag-tanong ako kung saan niya nabili ang kanyang bakya.

"Napaka ganda naman niyang bakya mo Rhea saan mo nga pala yan nabili?"tanong ko kay Rhea na masaya.

"Pasensya na Ivana ngunit ang aking ina ang bumili nito kaya hindi ko alam kung saan niya binili itong aking bakya"Sinabi niya ng seryoso.

Minsan din hindi ko alam kung pinaglihi ba ito sa sama ng loob kulang nalang bigyan namin siya ng marami na hayop para lang makita namin siyang masaya kahit nag-guguhit siya ay seryoso parin.

"Ivana sabi nga pala sa akin ni Amelia pumunta daw tayo sa Pandiyosesis na Dambana ni San Antonio de Padua."Sinabi niya saakin ng seryoso nanaman haynako isa lang naman ang aking hiling para sa aking kaibigan na si Rhea ang aking hiling sakanya ay ngumiti naman siya.

Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay at pinaupo ko muna siya habang ako papunta na sa silid-tulugan ng aking ama at ina para magpaalam na aalis muna ako.

Pagkapasok ko dito ay agad naman ako nagpaalam sa aking ama.

"O aking anak bakit ka naparito?may problema ba?"Pagaalalang tanong ng aking ama saakin ganyan talaga ang aking ama sa tuwing pupunta ako sakanya tatanungin niya na kung may problema ba pero nagpapasalamat parin ako na sila ang naging magulang ko.

"Wala naman itay ngunit maaari bang pumunta ako sa Pandiyosesis na Dambana ni San Antonio de Padua kasama si Rhea para makipag-kita sa aming kaibigan?"Kinakabahan ako dahil baka hindi ako makapunta kasi minsan narin akong nakipagaway sa mga lalaki hindi pala misan madalas pala.

"Basta huwag na huwag kang makikipag away anak baka ano pa ang mangyari sayo lalo na ikaw pa ay isang binibini"Sambit ng aking ina sa akin.

Hindi niyo naman ako masisisi dahil binabastos na ng mga kalalakihan ang mga kababaihan gusto ko lang naman ipakita na mayroon din namang kakayahan ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang sarili.

Sa ayaw at sa gusto ko pumayag na lang ako sa kundisyon ng aking ina"Opo hindi na po ako makikipagaway sa mga kalalakihan,maraming salamat po."

Nagpaalam na ako sa aking ama't ina at pumunta sa silid-tanggapan at nakita ko si Rhea na nakasandal at naiinip na kaya nagbabakasakali na ako na magagalit na ito saakin.

Nakita niya na ako at tumayo na siya at ako naman ay napangiti nalang sa kaba na baka sungitan nanaman niya ako.

"Tara na,napaka bagal mo"pagtataray niyang sambit sa akin at lumabas na ng bahay.
Sumunod  naman na ako at nagtawag na ng kalesang pwedeng masasakyan.

The Past and The FutureWhere stories live. Discover now