katotohanan

141 4 0
                                    

Kabanata- 60

Halos madaling araw na, ngunit hindi parin ako dalawin nang antok  madaming tumakbo sa isipan ko simula nang matapos kaming ipag kasundo ni crisanto nang aking ama at Ina, naisip kong yon naman talaga ang balak namin nong Una, ngunit binabagabag ako nang aking konsensya,  hindi tamang idamay ko pa si ginoong. Crisanto sa kasalanang nagawa ko, handa na Sana akong tanggapin ang kaparusahan ko ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari nalaman ng mga ito ang pinakaka ingatan kong lihim.

Dahil sa hindi ako maka tulog bumangon ako para mag pahangin sa bintana,mabigat parin ang loob ko dahil sa mga nangyari, pag katapos nang pag uusap namin agad akong umakyat nang silid at nag kulong ni isa man sa mga ito wala akong kinausap. nuong Una pilit parin nila akong kinakausap ngunit nakiusap ako na gusto ko munang ma pag isa kong kaya't hinyaan nalang nila ako kalaunan.

Lalo akong binalot nang lungkot nang makita ko ang maliwanag na buwan sa langit, habang naka titig ako dito, hindi ko namalayan ang sunod sunod na pag patak nang luha ko lalo na nang muli kong MA alala ang pag patak nang luha ni ginoong. Miguel habang malungkot na naka titig sakin.

Babalik na Sana ako nang Kama nang biglang may bumato nang kusot na papel sa aking bintana saglit akong natigilan hanggang sa na alala ko na ginawa rin ito nuon ni ginoong. Miguel, kaya agad kong pinulot ang papel at binasa.

"Hindi ako umaasa na akoy iyong mamahalin pa ngunit nakikiusap ako na akoy bigyan nang pagkaka taong maka pag paalam sa taong pinaka mamahal ko "

Kahit walang naka lagay na pangalan batid kong galing ito Kay ginoong. Miguel, kaya halos madurog ang puso ko habang binabasa ko ang naka sulat sa papel na hawak ko.

Agad akong lumapit sa bintana ngunit hindi kona ito nakita, kaya labis ang pang hihinayang ko, ngunit nabuhayan ako nang loob nang ma alala kong baka nasa harden ito kong saan
madalas ako nitong hintayin.

Agad kong kinuha ang balabal ko at isinuot sa ulo , dahan dahan akong lumabas nang kwarto at bumaba, pagka labas ko nang bahay deri deritso akong nag tungo sa harden at hinanap si ginoong. Miguel, dahil sa maliwanag ang buwan kahit papano ay naaninag ko ang dinaraanan ko kahit na madaming bulaklak ang naka kalat sa harden, ilang minuto na akong nag papa ikot ikot sa buong harden ngunit hindi ko ito makita, naisip kong  baka tuloyan na itong umalis, kahit nang hihinayang sa pagkakataong muling makita ko si ginoong. Miguel nag pasya nalang akong bumalik sa loob nang bahay.

Hindi pa ako nakaka hakbang nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na nag hatid nang kasiyahan saaking puso.

"Miguel - ako ba ang iyong hinahanap binibini? "

Agad akong napa lingon at nakita kong naka tayo si ginoong. Miguel sa aking likoran, gusto ko Sana itong sugorin nang yakap ngunit pinigilan ko ang aking sarili, kaya pormal akong lumapit dito.

"Isabella - aking nabasa ang iyong mensahe at batid kong nandirito ka sa harden kong kayat pinontahan kita rito  dahil... Dahil nais mo akong makausap"

Bago sumagot si ginoong. Miguel dinig na dinig ko ang pag buntong hininga nito at nakita kong bahagya itong lumapit saakin pero nanatili parin ako sa kinatatayoan ko.

"Miguel - na.. Nais kong pormal na mag paalam sayo binibini, alam kong hindi kona dapat ito ginawa, ngunit nais kong masilayan ang maganda mong mukha at ang napaka tamis mong ngiti dahil batid ko na ito na ang huling pagkaka taong makikita kita "

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon