Prologue

8 0 0
                                    

"Cia,halika na nga pumasok na tayo malelate na tayo sa ginagawa mo eh."

Ay naku! Itong bestfriend ko napakamainipin. Kapag siya naman ang dumadamoves sinusuportahan ko naman. Nandito kasi ako ngayon sa tapat ng room ni Prescott. Ang aking prince charming! Ibibigay ko lang kasi yung ginawa kong cake para sa kanya. Hindi niya birthday ngayon pero wala lang gusto ko lang magbigay ng cake,nang aano kayo eh!

"Bessy,saglit na lang wag kang magalala sagot kita kay maam. "

Panguuto ko pa sa kanya hahahaha. Masyado kasing time conscious yang si bessy,pero pag si James na ang usapan. Malelate ang malelate.

"Naku lang talaga. Kapag ako napagalitan dahil dyan sa paghihintay sa lintik na preskong Prescott na yan! Humanda ka talaga."

Nagpeace sign na lang ako sa kanya. Sanay na ko sa kanya, since kindergarten bestfriend ko na yang si Jayn kaya alam ko ng hilatsa at pasikot sikot ng balunbalunan at--,
"AY BITUKA!"

Ahhhh! Ano ba naman to! Bakit naman kasi susulpot sulpot na lang bigla si Prescott. Nakakahiya naman. Bituka pa talaga nasabi ko kainis.

"Cia, anong ginagawa mo dito?"

Sabay smile niya sakin.
Anooo baaa! Dinaig pa ni Prescott ang endorser ng happee kung makangiti eh. Sheyt! Makalaglag bra ang kagwapuhan. Ang fresh niya talaga. Nakawhite tshirt tapos black jeans lang ang suot,napakasimple pero sobrang hot naman talaga.

"Cia?"

Ayy ano ba Cia umayos ka. Natulala ka naman sa kanya eh.
"A--ah a-a-ano k-kasi, may i-ibibigay ako s-sayo."

Shemay naman! Bat may pautal utal ka Ciana Dominique Villanueva?! Nakakahiya na talaga.

"Ah. Nagabala ka pa. Sige salamat dito ah. Mamaya free kaba? Para naman makabawi ako dito." 

Sabay turo niya sa kakaabot ko lang na kahon.

"Ay naku,haha, wag na. Para sayo talaga yan eh."

Naku maghunos dili ka Cia, baka mamaya mahimatay ka pa. Tandaan mo dalagang Pilipina ka wag munang bibigay sa mga 'free kaba mamaya' ni Prescott.

"Hindi talaga. I insist. Bahala ka basta mamaya aantayin kita."

Tapos ayun,pumasok na siya sa room nila. Narinig ko pa ngang kinantyawan siya nung mga kaibigan niya pero ako? Tulala pa rin talaga. Hay! Eto na ba ang start ng malawattpad kong lovelife? Hindi na ako lugi,ang gwapo talaga ni Prescott eh.

"Hoy! Halika na. Yung laway mo pakipunasan ah nakakadiri."

Kinapa ko yung lips ko. Wala naman ihhh! Si bess talaga, nanghihila pa.
5:00pm na ng matapos yung klase ko. Dapat sabay kaming uuwi ni Jayn kaso kailangan niya daw talaga mauna kasi may emergency sa bahay nila. Dapat din sasamahan ko siya kaya lang sabi niya na magenjoy na lang daw ako sa bisig ni bebe Prescott. Kaya ngayon eto ako magisang naglalakad sa hallway. Totohanin kaya ni Prescott yung sinabi niya?

And then just in time na makarating ako sa gate. Nandun na nga siya! Nakatalikod siya sakin kaya hindi pa niya ako nakikita. Hays ang gwapo pa rin niya kahit nakatalikod. At naamoy ko na rin yung pabango niya dahil sa unti unting paglapit ko sa kanya. Kaso sa sobrang katangahan ko natisod pa ko sa bato nung malapit na ko sa kanya. Akala ko nga babagsak ako sa lupa pero hindi...

"Ayos ka lang ba? Nasaktan kaba?"
SINALO NIYA AKO! Okay pwede ng mamatay ngayon?! Ahhhhhh pati bulate ko sa tyan nagbubunyi at nagpaparty na.

"Ah oo ayos na ako. Salamat ah."

Labag man sa kalooban ko umalis na ko sa malabatong bisig niya huhuhu. Baka kasi isipin niya pa na feel na feel ko ang biceps niya.
"You're funny. Your clumsiness really makes you cute.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A FairytaleWhere stories live. Discover now