Kung 'Di Rin Lang Ikaw

242 22 57
                                    

A short story written by @catsaul_
Inspired in the song of Kung Di Rin Lang Ikaw by December Avenue.
This is not just for you,
but for all of us.
Enjoy!

Warning: Common flow story ahead!

---

Her POV

"Patricia Mae, gising." ani ng kung saan, napapasinghap ako sa bawat yugyog sa braso ko.

Gush ang sarap-sarap ng tulog ko grabe naman makagising 'to! Inis kong tinaklob ang unan sa mukha ko. Napasimangot ako, ayoko pang gumising! Inaantok pa ako!

"Patricia . . ."

Jusme bakit parang kaboses ni Taniel 'yon? Bakit nasa panaginip ko si Taniel? Jusko naman Patricia ang harot ah! "Hahalikan kita kapag hindi ka gumising."

Nananaginip ba ako? Oo, potaena pero bakit naririnig ko yung boses ng hinayupak na 'yon? Halikan ba naman daw ako! Jusme ikaw na ang pinakamaharot habang nananaginip Patricia! Napanguso ako sabay umikot sa kabilang side ng kama.

"Hindi ako nag bibiro, Patricia. Kaya gumising ka na."

Napadilat ako, "Aah! Aray! Araay! Araaay!" napatakip ako sa mata nang madama ko ang pagpasok ng maliliit na bato sa mata ko. Jusko ang aga-aga Patricia napuwing ka agad!

Akmang ikakamot ko na ang daliri ko ay may kamay na pumigil sa akin. Bumungad sa akin ang chokolate niyang mga mata na kasing kulay ng buhok niya. putcha nakita ko pa iyon kahit ang napuwing na ko?! "Akin na, hihipan ko." malambing ang tinig na binigay niya.

Napadapo ang tingin ko sa labi niya na 'di kakapalan ngunit 'di rin kanipasan. May katangusan din ang ilong nito na bumagay sa maputi niyang kutis. In short, gwapo. Sige, siya na gwapo!

"Tsk. Nakabukas pa kasi yung bintana. Kababaeng tao, paano kung may umakyat dito sa kwarto mo?" inis na sabi niya. Gush Patricia naiinis siyaaa! Luh, bakit naman siya naiinis 'diba? Assumera ampotek!

Bakit pinagnanasaan mo ang lalaking nasa harapan mo? hindi maganda 'to.

Hinawakan niya ang itaas at ibaba ng mata ko saka hinipan ito na may kalakasan. "Okay na ba? Isa pa wait..." muli niyang hinipan ang mata ko saka umayos.

Oh shit Patricia! Lumalakas ang tibok ng puso ko omg, bakit? Bakit ito ulit yung nararamdaman ko?

"Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko, Pat?" Napatango ako ng wala sa oras. Wait-----what? Ano bang sinasabi niya kanina? "Okay. Fix yourself." ani nito bago tumayo. Jusme Patricia ano itong pinasok mo!

Nakita ko itong napailing kaya nag madali na akong nag-ayos sa sarili at nagsuot ng uniform t-shirt, skinny jeans at rubber shoe's.

"Bwisit naman yung lalaki 'yon." bulong ko sa sarili sabay umirap sa hangin bago tuluyang makababa. Naabutan kong nakikipag tawanan si Taniel kay Mommy.

"Good morning Mommy. Let's go, Tan, shall we?" masaya itong tumingin sa akin bago binalingan muli si Mommy.

"We'll go ahead. Thank you for the advices, Tita!" Tumayo na ito kaya bumeso na ako kay Mommy bilang pagpapaalam.

"Take care kids." ani muli ni Mommy bago kami makalabas ng bahay. Pinagbuksan ako ni Taniel ng kotse, wow, bago na naman pala ang kotse ng hinayupak na'to! Bumaling ako kay Taniel nang makaupo na siya sa shot gun seat.

Kung Di Rin Lang Ikaw || One ShotWhere stories live. Discover now